2 - BIG

20 0 0
                                    

-After 3 Days-

"Gab, ano na pala yung plano mo?" Tanong ni Nico.

Nasa studio sila ngayon, kakatapos lang mang-practice ng bago nilang piece na gamit pang-audition.

"Saan?" Tanong ni Gabreil.

"Dun sa 200'000?" Dugtong pa nito.

"Ay sheeeeeeeet! Sa Lunes na pala yun kaylangan!" Napatayo si Gabreil sa kanyang kinauupuan tska nag magadaling ayusin ang kanyang mga gamit.

"Oh, saglit! Saan ka pupunta?!" Tanong ni Nico.

"Tapos na naman tayo sa vocals eh, practice-in nyo nalang yung instumentals. May hahanapin lang ako, kita nalang tayo dito mamaya. Text ko kayo pag pauwi na ko." Nagmamadaling kumaripas ng takbo si Gabreil palabas ng studio.

"ATE!!!" Sigaw ng mga asungot.

"San kaya mag-pupunta yun?" Tanong ni Jojo.

"May hahanapin daw eh." -Felix

"Oy, tapos na break, balik na sa pwesto! Bilis!" Sigaw ni Nico at nag-sunuran naman ang mga bata.

•••

"Tita, please naman po?" Pag-mamakaawa ni Gabreil.
"Warren! Ipaliwanag mo nga dito sa pamangkin mo na wala na tayong slot ngayong linggo! Ang kulit!" Bugnot ng asawa ng tiyuhin niya.

"Pasensya na talaga Gabs, pero wala na talaga kaming free slot. Kahit nga isang kanta lang ay hindi ko masisingit kasi talagang punuan ngayon, lalo na't pa-summer na, marami nang dayuhang costumers. Pero hija, alam mo naman na kahit anong mangyari ay hindi kita pwedeng pabayaan, kaya eto, puntahan mo tong bar na to, baka pwede ka, kahit ngayong gabi lang."
Paliwanag ng kanyang tiyuhin pag abot ng isang calling card.

"Sige po, maraming salamat po talaga. Tito, wag niyo pong pabayaan itong bar ah? Tawagan niyo po ako kung may problema." Sabi ni Gabreil.

"Ganun? Kasi kala mo lahat nalang ng pag-aari niyo dati ay pinababayaan... Wag ka mag-alala, hinding hindi namin pababayaan tong resto/bar na dating pag-aari ng tatay mo. Pero bakit ka namin tatawagan?" Biglang singit ng kanyang tiyahin.

"Mildred, tama na." Awat ng kanyang tiyuhin sa asawa nito.

"Hindi, hindi ako titigil. Kasi akala ata nitong babaeng to ay may karapatan pa siya dito. Oo nga't sa tatay mo nakapangalan tong gusali, pero saamin na to ngayon. Wala ka nang paki-alam kung bumagsak man to. Wala kang makukuha saamin." Muli pang sumbat ng kanyang tiyahin. Hindi na umimik pa si Gabreil, at umalis nalang ito.

"Ikaw kasi! Ano ba ang problema mo sa pamangkin ko?" Sermon ng kanyang tiyuhin sa kanyang tiyahin.

"Ikaw ah, wala akong paki-alam kung gaano pa kalaki ang naitulong sayo ng tatay niyang babaeng yan, hindi pa ba sapat na napag-tapos natin siya ng pag-aaral? Hindi pa ba yun sapat nang bayaran natin lahat para lang buhayin ang tatay niyan? Warren, abswelto ka na diyan! Malaki na yang pamangkin mo! Patay na ang kapatid mo! Ano pa ba ang gusto mo?!" -Mildred

"Ako Mildred, kanina pa ko nag-titimpi sayo ah! Wala ka padin sa pusisyon para ganyanin ang pamangkin ko!" Ani ni Warren.

•••••

"Ano, ganyan nalang ba palagi ang sasalubong saakin tuwing papasok ako dito sa opisinang 'to?!" Galit na reaksyon ni Seth ng marinig niya ang issue tungkol sa mga bagets na solo artist niya.

"Sorry po, Sir." Paumanhin ni Daisy, ang chief director ng kanilang entertainment company.

"Dave, pull out all those solo artists that you can found in that list, right away." Utos ni Seth pag bigay ng isang envelope kay Dave.

I Need You [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon