School Anniversary

33 5 0
                                    

Ace POV

Nasa backstage na kami ni Ash. nagre-ready. ang angas ng school namin ngayon ah. marami kasing sikat at mayayamang estudyante ang nag aaral kaya siguro pabibo ang school. at may live band pa mamaya. nag rent pa ng kilalang band para mag perform dito mamaya.

Ilang mga production numbers din ang tinanghal kanina at ngayon nga Mr.Campus and Ms.Campus na. ngayon nga lang ako nakasali sa ganto, ayoko namang pinangangalandakan na magaling akong kumanta at sumayaw. ok na yung alam nilang gwapo lang ako.

Pinakilala muna isa-isa kaming mga representative ng bawat course.

Ang... ganda ni Ash sa ayos nya ngayon. yeah maganda sya. sobrang ganda nya.

Naka simpleng black dress sya na nagpalutang naman talaga ng kagandahan nya, partner sa black ko din na toxido. para syang snow white sa itim na dress.

Isa isa na kaming tinatawag inaantay na lang namin tawagin kami, business course kami dahil mga may sariling business company ang mga parents namin at kami ang mga future boss.

"kinakabahan ako! shutang iners. ano ok lang ba yung suot ko? hindi ba malalim? hindi ba mahalay tignan?" Ash.

Halatang kabado, natawa lang ako sa kanya. ang ganda mo kaya.. ikaw nga pinakamaganda sa lahat ng contestant kinakabahan ka pa?

"ok lang. wag ka ng ma-tense. ako naman partner mo e ako nagdala" asar ko sa kanya.

Representatives of business course, Ashley Samonte and Ace Samaniego

Pag i-introduce samin at kumapit na sa braso ko si Ash.

Paglabas namin sa stage, sa harap ng maraming tao.. nag-ingay ang buong crowd.

Ace! Ace! oh my god ang pogi ni Ace!

Ash! ganda mo! babe uwi ka na di na ko galit!

Wow bagay sila mananalo na yan!

anong gagawing talent ni Ace? mag-babasketball?

Mga cheer ng crowd. Ang ha-hyper nila. at may mga may banners pa?

A C E

A S H L E Y

na mga hawak ng supporters namin na mga hindi ko naman kilala. at sa medyo harap na audience may hawak na umiilaw-ilaw pa? ang effort nila ah. ano balato pag nanalo kame?

Nakasulat sa umiilaw-ilaw yung:

A C E L Y ♥

Acely?! may ship name na talaga? at kumaway samin yung may hawak nun na babae.

Si Kaye?!?

Wow Kaye alam ba yan ng bestfriend mo. haha.

Parang nag-model lang kami dun paikot sa stage, humihigpit ang kapit ni Ash sa braso ko. kinakabahan pa din. habang tuloy pa din sa paghiyawan ang mga tao.

"hey, look. we have many supporters. you, have many supporters. we can do this. ok buddy?" pagpapalakas ko ng loob nya.

Ngumiti lang sya at tumango.
At nakabalik na kami sa backstage.

Bumitaw na sya sa pagkaka-kapit sa braso ko. at pinaypay ang mga kamay sa muka nya.

"oh my... grabe" sabi nya.

napangiti lang ako sa kanya.

"uy daming fans! galingan nyo ah" bati samin ng isa sa mga istudyante na tumulong sa pag organize ng event.

The Kiss That I Never Had (James Reid)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon