K

2.5K 36 0
                                    

Lunes ng umaga nagmamadali ako papuntang classroom. Halos malate na naman ako dahil hindi nag-alarm yung phone ko.

Paakyat na ako ng hagdanan nang may marinig akong hiyawan na nanggagaling sa classroom namin kaya magmadali akong umakyat.

Nakita ko sa corridor si Lindy at Craig. Pinapanood sila ng mga kaklase namin at iilang mga estudyante sa katabing room. Ibinibigay ni Lindy ang scrapbook kay Craig.

Tinanggap naman ito ng binata saka niyakap si Lindy. Napako ako sa pagkakatayo ko doon. Hindi ko alam kung makikikantyaw din ba ako o manamahimik at pagmamasdan na lang sila.

Bumaling ng tingin sa kinatatayuan ko si Craig. Kumabog ang dibdib ko. Ang paraan ng pagtingin nya, masyadong mabigat. Parang may hinahanap sya sa akin na hindi nya makita.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. May konting pitik sa puso ko nang makita silang magkayap ng ganoong katagal.

Alam ko na hindi dapat pagsamahin sa iisang pangungusap ang puso ko at pangalan ni Craig.

Ipinilig ko ang aking ulo upang mawala ang kahibangan ko. Hindi iyo pwede.

Lumakad na ako papunta sa pwesto nila. Nakatingin sa akin si Craig at inaantay naman ako ni Lindy. Nagsipasukan na sa mga sari-sariling classroom ang ilang mga estudyante.

Ngumiti ako kay Lindy at hindi na muling tiningnan pa si Craig. Lalagpasan ko na sana silang dalawa para makapasok ng classroom pero nagsalita si Craig kaya natigilan ako.

"Sabi ni Lindy tumulong ka daw sa paggawa ng scrapbook. Thank you, Zoey." sincere na sambit nya.

Nilingon ko si Craig habang nasa gitna namin si Lindy. Inaabangan kung ano ang sasabihin ko ngunit hindi ako nakapagsalita.

Nawala ako sa mga mata ni Craig. Ang pakiramdam na nahuhulog ka sa isang bangin at nahihiwalay ang kaluluwa mo mula sa iyong katawan. Ganoon ang nadama ko nang tinitigan ko ang mga mata nya.

"Welcome." napapaos kong sagot kay Craig. Umiwas na ako ng tingin.

"Buti hindi masyadong nahirapan si Lindy. Salamat talaga sa pagtulong sa girlfriend ko." nahimigan ko ang pag-aalinlangan ni Craig nang magsalita syang muli.

Tumango ako. Sinulyapan ko si Lindy na nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Nagdikit lang naman ako ng kung ano-ano diyan. Hindi naman naging mahirap." tiningnan kong muli si Craig na kunot noong nakatitig sa akin.

Humarap naman si Lindy sa kanya kaya nawala ang tingin sa akin ni Craig. I bit my lip. Tama, dapat sya ang tingnan mo at dapat nasa kanya lahat ng atensyon mo.

"Malaki talaga ang naitulong ni Zoey sa akin. Ang hirap kaya gumawa ng scrapbook na mag-isa ka lang." sabi ni Lindy.

Hinawakan ni Craig ang kanang pisngi ni Lindy at ngumiti sya. Nakita ko kung paano nya tingnan ang kaibigan ko.

"Hindi ka dapat nagpapakapagod. Salamat, Mahal ha." Craig said in so much admiration in his voice.

Niyakap muli ni Craig si Lindy habang ako, nakamasid sa kanila. Tiningnan ako ni Craig habang yakap nya si Lindy. Hindi ko masabi kung anong nasa mga mata nya.

Hindi rin ako makaalis sa kinatatayuan ko. Hindi dahil sa nashock ako kundi dahil gusto kong makita gamit ang dalawang mata ko kung ano ba talaga ang sitwasyon.

Kung paano nya tingnan si Lindy, kung paano nya kausapin sa isang banayad na boses at kung paano nya bigyan ng ngiti ang aking kaibigan.

Gusto kong makita ang pagkakaiba namin. Gusto kong makita at matandaan kung ano at kung hanggang saan lang dapat ako.

Ngayon na kitang kita ko na. Yakap nya si Lindy habang nakatingin sa akin. Alam kong kahit kailan, hindi nya ako titingnan, kakausapin at ngingitian ng ganoon. Tinalikuran ko silang dalawa.

Alam ko na kung ano ang pakiramdam na tumingin ako sa kanyang mga mata at pakiramdam kong nahuhulog ako sa isang bangin kasabay ng paghiwalay ng kaluluwa ko mula sa aking katawan, ngunit hindi na nakabalik pa ang aking kaluluwa pagkatapos kong mahulog sa bangin.

Naramdaman ko iyon kay Craig. Kuntento na akong naramdaman ko yun. Sana hindi na ako maghangad ng higit pa.

InfidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon