V

1.7K 33 2
                                    

Tinext ako ni Lindy na punatahan ko sya sa library. Urgent daw kaya nagmadali ako. Hinanap ko sya sa buong library at natagpuan sya sa dulo.

Nakayuko sya at nakasabog ang kanyang buhok. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Linds?" sambit ko ng kanyang pangalan.

Tumunghay sya. Namumugto at pulang pula ang mga mata nya. Agad ko syang tinabihan.

"Anong nangyari? Bakit ka naiyak?" tanong ko sa kanya. Nanginig ang labi nya. Tumulo ang kanya mga luha.

"Nag-away kasi kami ni Craig. Maliit na bagay lang naman pero lumaki tapos iniwan nya ako sa field kanina. Hanggang ngayon hindi pa rin sya nagtetext. Tinatawagan ko sya kanina ayaw nya sumagot." humagulgol ulit si Lindy.

Niyakap ko sya. Kumikirot ang puso ko para sa kanya. Hindi ko alam kung paano papagaanin ang loob nya.

"Baka nagpapalamig lang ulit, Linds? Mamaya naman siguro kakausapin ka ulit nun. Tumahan ka na." bulong ko. Kumalas sya mula sa pagkakayakap sa akin. Tiningnan nya ako.

"Iba yung kanina, Zoey eh. Nakita ko yung tingin nya sa akin. May nag-iba." tumulo muli ang kanyang luha. Iniabot ko sa kanya ang panyo ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Maaayos nyo rin yan. Hindi ba mahal nyo ang isa't-isa? Ngayon ka pa ba susuko? Hinabol ka nya dati, Linds. Mahal na mahal ka ni Craig." saad ko. Kailangan ko palakasin ang loob nya. Hindi sya pwedeng sumuko.

"Hindi naman sapat na mahal mo lang ang isang tao. Dapat nagkakaintindihan din kayo hindi ba? Sa nangyayari ngayon, hindi na kami nagkakaintindihan." nagcrack ang boses nya sa huling salita. Muli syang umiyak.

Niyakap ko sya ulit. Hindi ko alam kung kanino na ako dapat maawa. Kay Lindy na nasasaktan ni Craig o sa aking sarili na nasasaktan nilang dalawa ng sabay.

"Gusto ko muna mapag-isa, Zoey. Please." bulong ni Lindy.

Tumango ako. Pinahid ko ang kanyang mga luha. Inayos ko rin ang kanyang buhok. Pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Be strong okay? Magiging maayos din ang lahat." sabi ko.

Ngumiti sya sa akin at saka tumango. Muli syang umiyak. Tumayo na ako para hanapin si Craig.

Kinuha ko ang aking phone sa back pocket ng pantalon ko. Tinawagan ko si Craig ngunit ayaw sagutin. Tinext ko sya.

To Craig:

Lindy is crying. She needs you right now. Nasa library sya. Where are you? Are you okay? Make up with her already.

Itinago ko ang aking phone pagkatapos ko masiguradong nagsend ang aking message. Umalis ako ng campus para hanapin si Craig. Umaasa akong nasa secret haven sya.

Pagkabukas ko ng pintuan ng rooftop ay wala akong naabutang Craig. Pumasok ako sa loob ng glass house.

Nanggaling sya dito. Naaamoy ko pa ang pabango nya. Siguro nagmadali na syang umalis dito nang matanggap nya ang message ko.

Napaupo ako. Napahawak ako sa aking dibdib at napaiyak ng tuluyan. Wala na bang mas hihirap pa sa sitwasyon ko?

Ang kaibigan ko naiyak dahil sa taong mahal ko. Kailangan ko sya i-comfort dahil kaibigan nya ako pero nasasaktan din ako. I know I said that I'm both with them. Hindi ko alam na pati dito ay kasangkot ako.

Napabuga ako ng hangin. I am fucking jealous. Nagseselos ako kung paano mahalin ni Craig si Lindy. Alam kong mahal din ako ni Craig pero magkaibang pagmamahal iyon. Nakikita ko, naririnig ko at nararamdaman ko ang pagkakaiba.

Pinalis ko ang aking mga luha. Hindi dapat ako umiyak. Sa oras na ito mas kailangan ni Lindy si Craig. She's weak, definitely weaker than me. Huminga ako ng malalim bago nilisan ang lugar. I should be strong. Dammit.

InfidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon