Y

2.2K 37 9
                                    

Ilang araw kong iniwasan si Craig. Hindi ako nagrereply sa mga texts nya. Hindi ko sinasagot ang mga tawag nya. Hindi rin ako napunta sa secret haven.

Gusto ko muna mapag-isa. Gusto ko muna huminga ng maayos. Huwag isipin ang nararamdaman nilang dalawa. Gusto ko muna isipin ang nararamdaman ko.

Nakaupo ako ngayon sa field kung saan kami nag-usap ni Lindy noong isang araw. Tandang tanda ko pa ang naging usapan namin. Kumirot ang aking puso.

Huminga ako ng malalim. Madilim ang kalangitan. Tumayo na ako upang makapunta sa secret haven. Kailangan ko na siguro makausap si Craig ngayon.

Kabado ako habang naglalakad papuntang secret haven. Pakiramdam ko nalutang ang utak ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos.

Magaan ang aking mga paa habang umaakyat ng hagdanan papuntang rooftop. Kumakabog ang dibdib ko sa bawat paghakbang.

Nanginig ang aking kamay nang buksan ko ang pintuan. Dumampi ang malamig na hangin sa aking mukha.

A pair of brown eyes welcomed me. Nakatingin sya sa aking direksyon na bang kanina nya pa ako iniintay.

May nararamdaman akong bara sa aking lalamunan. Pinilit ko itong lunukin. Humakbang ako patungo sa kanya.

Bawat galaw ko nakamasid sya. Pumasok ako sa glass house. Mabibigat ang mga tingin nya sa akin. Hindi ako makatingin pabalik.

Umupo ako sa tabi nya. Hindi malapit ngunit hindi rin malayo. May distansya. Pinaglaruan ko ang aking mga kamay. Hindi ako makapagsalita.

"Hey." bulong ko. Sumulyap ako sa kanya ngunit diretso lamang ang kanyang tingin.

"Hey." banayad na bulong nya.

Hinawakan nya ang aking kanang kamay. Pinagsalikop nya ang aming mga daliri. Sumakit ang puso ko.

"What's wrong, babe?" he asked. Hinanap nya ang aking mga mata ngunit hindi ako makatingin sa kanya.

"Nothing. I just want to be down for a while." I answered him.

Hinawakan nya ang aking baba at tiningnan nya ang aking mga mata. May humaplos sa aking puso. Ang mga mata nya, puno ng tanong.

"Do you wanna talk about it?" tanong nya.

"Do you wanna hear it? I bet you don't." malamig na sagot ko. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya mula rito.

Huminga ako ng malalim. This is hard for me. Fucking hard.

"Nahihirapan ka na ba?" tanong nya. Kinagat ko ang aking labi.

"I want to be strong. Stronger than I am now but sometimes, it's just so fucking hard and painful as well." nahihirapan na sagot ko.

Bumuntong hininga sya. "Do you want to let go?" tanong nya. Hindi ko mawari ang kanyang boses. Hindi ko rin gusto lumingon sa kanya.

"Should I?" I whispered.

Matagal bago sya sumagot. Sinulyapan ko sya pero tulala lang sya. Kinagat ko ang aking labi. Inintay ko ang kanyang sagot.

"I can't let you go." he said. "Pero kung nahihirapan ka na. I will respect your descision." dugtong nya.

Nahulog ang puso ko. May nabasag sa pagkatao ko. Kung wasak ako noong mga nakaraang araw. Mas wasak na wasak ako ngayon. Hindi ako nakapagsalita.

"Do you want to let go?" tanong nya.

Walang emosyon sa kanyang boses. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago sumagot.

"Yes." I whispered.

InfidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon