W

1.8K 38 6
                                    

Buong maghapon kong hindi nakita sina Lindy at Craig. Marahil ay inaayos ang issues nila.

Inayos ko ang aking gamit at inilabas ko ang aking phone. Isinalpak ko sa aking tainga ang earphones ko. Lumabas ako ng campus mag-isa.

Nagtungo ako sa secret haven. Siguro wala pa doon si Craig. Nanghihina akong umakyat ng hagdan.

Pagkabukas ko ng pintuan ng rooftop nakita ko si Craig. Nakatulala sa kawalan. Tinanggal ko ang earphones mula sa aking tainga. Lumapit ako at tumabi sa kanya.

"Hey. What happened?" tanong ko. Lumingon sya sa akin.

Nawasak ang puso ko sa aking nakita. He look stressed. Mukha syang problemado at nahihirapan.

"Muntik ko na syang iwan kanina." bulong nya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

"Hindi mo naman ginawa hindi ba?" halata sa aking boses ang kaba. Lumunok ako maibsan ang aking nararamdaman.

"Hindi ko ginawa. Ayokong masaktan sya." sagot sa akin ni Craig. Tumungo sya at bumuntong hininga.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ngunit agad nya itong binasag.

"Naisip ko kanina, I should leave. Nasasaktan ko na si Lindy masyado. On my own ways, I am hurting her. I said sorry for so many times but I keep on doing it." bigong sambit nya. Hinawakan ko ang kamay nya. Nanatili ang tingin nya sa kawalan.

"Kung aalis ka ba, kung iiwan mo kaming dalawa? Sa tingin mo magiging maayos ang lahat? Sa tingin mo ba sa pag-alis mo hindi masasaktan si Lindy? Siguro mas gugustuhin nyang masaktan na nasa tabi ka nya kaysa masaktan sya na nag-iisa." mahinahon na sabi ko.

Huminga ako ng malalim. I can do this. I am both with them. Kung kailangan nila akong dalawa nandito ako. Kailangan ko pigilan ang sarili kong emosyon. I can do this. I am fucking strong.

Nilingon nya ako. Kakaibang sakit ang naramdaman ko nang tingnan ko ang mga mata nya. Pumungay ang mga ito.

"I am hurting you too. Masyado na kitang nasasaktan. Sigurado kapag nawala na lang ako bigla, titigil yung sakit na nararamdaman nyong dalawa. I am causing you pain. Both of you." he said. Pakiramdam ko pagod na pagod na sya sa mga nangyayari. Ramdam ko ang stress sa boses nya.

Umiling ako ng marahas. Hinawakan ko mabuti ang kamay nya. Pinisil nya pabalik ang kamay ko.

"No. I'm okay. Kaya ko yung sakit but Lindy, she needs you more than I do. She's weak. Kapag nawala ka sa kanya, hindi nya kakayanin." pagpapaliwanag ko.

Kumikirot ang puso ko para sa aming tatlo. Kung tutuusin kailangan ko din si Craig pero mas kailangan sya ni Lindy. Sya ang nauna. Sya mas maroong karapatan.

"You're right. Hindi ko dapat gawin yun sa inyong dalawa ni Lindy. Masyado lang akong stressed out. I'm sorry kung pati ito ay sinasabi ko sa iyo. Wala ako mapagsabihang iba." banayad na bigkas ni Craig.

"You don't need a lover this time. You need a friend and I am your friend. It's okay." banayad na sabi ko.

Ngumiti ako sa kanya at tinitigan sya mabuti. Agad syang umiling at hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.

"Don't do that. Don't look at me like you're memorizing every inch of my face. Don't look at me like you're gonna leave me." bulong nya.

May nakita akong iba't-ibang mga emosyon sa kanyang mga mata. Hindi ko mawari kung ano-ano yun.

"Can't you see, Craig? We can't be like this. Ako ang pumasok ng bigla bigla sa buhay mo kaya kung may umalis dapat dito, ako yun. Ako ang gumugulo sa inyo. I can't be your mistress forever, babe." nanginginig na sambit ko. Suminghap sya.

"I know you will leave me someday. I know you will leave me pero wag ngayon. Wag mo naman ako iwan ngayon. Panindigan mo naman ako." he urgently said.

Parang may humaplos sa aking puso. He almost beg me to stay. Ang mabilis na pintig ng aking puso ay unti-unting humihina. Pumikit ako ng mariin at tumango. Ngumiti ako sa kanya.

"I won't leave you. Not until you don't love me anymore but promise me one thing." sabi ko.

Tinitigan nya ang aking mga mata. Hinawakan nya ang aking mga kamay at pinagsalikop ang mga daliri namin. Sumakit ang puso ko. Nag-iintay sya na magpatuloy ako. Kinagat ko ang aking labi bago magsalita.

"Sabihin mo muna sa akin kung iiwan mo na ako para kapag nangyari na, hindi ako ako masyado magugulat. Kahit ito man lang ibigay mo na sa akin." nanginig muli ang aking boses.

Tumango sya ng dalawang beses at niyakap ako ng mahigpit. Ilang sandali kaming nanatiling ganun hanggang sa napagpasyahan naming umuwi na.

Inihatid nya ako sa bahay ko. Hinalikan nya ang aking pisngi bago ako tinalikuran. Kinurot ang puso ko.

Pumasok na ako sa loob ng bahay nang biglang magring ang phone ko. Sinagot ko agad ang tawag ni Craig.

"I love you." he whispered. My heart is breaking just by hearing his voice. Dammit!

"I love you too." I uttered.

I ended the call. Alam kong alam nya. We both know. Malapit na matapos ito. Malapit na malapit na at sa isiping iyon, nawasak na naman ang aking puso.

InfidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon