O

2.2K 34 2
                                    

Magkatabi kami ni Lindy ngayon sa library. Malapit na kasi ang exams kaya sumama sya sa akin sa pagrereview.

"Alam mo ba pakiramdam ko may gusto si Mandy kay Craig." nakasimangot na reklamo ni Lindy. Kaklase ata ni Craig si Mandy at magkaibigan sila. Same circle of friends kumbaga.

"Paano mo naman nalaman?" tanong ko. Sumulyap ako sa kanya habang nagsusulat ako.

"I don't know. Lagi syang nasa tabi ni Craig sa classroom nila. I saw some of her posts sa facebook nya. I know si Craig ang tinutukoy nya." isinarado ni Lindy ang libro nya at ginulo ng konti ang kanyang buhok.

Ibinaba ko ang aking ballpen at nangalumbaba. Tiningnan ko syang mabuti.

"Baka naman humahanga lang si Mandy sa boyfriend mo? Ano naman pati ang kinakatakot mo? Ikaw ang girlfriend. Don't be insecure, Linds." saad ko. Sumimangot lalo si Lindy.

"Basta. Ayoko lang na may umaaligid na ganun kay Craig. Naiinis ako. Halatang halata kasi na gusto nya yung boyfriend ko. Nakakainis." reklamo pa nya.

"Mas gusto mo bang patago ang pagkagusto nya kay Craig?"

Kagaya ng ginagawa ko. I said to myself. Pinagtaasan ko sya ng kilay habang nag-iintay ng sagot nya.

"Hindi. Ayoko pareho. Bulgar man o patago. Naiinis talaga ako." nagmamaktol pa rin na sabi ni Lindy. Napailing na ang ako. Namataan ko si Craig na papasok ng library.

Tinanguan ko si Lindy na tumingin sa likod nya. Lumingon sya at marahas ulit na lumingon sa akin. Naiinis nga siguro sya kay Mandy at ngayon damay na si Craig.

Nakatingin sa akin si Craig habang naglalakad papalapit sa amin. Hindi ako makangiti kahit gusto ko dahil nakatingin sa akin ni Lindy.

Umupo sa tabi ni Lindy si Craig ngunit tumayo agad si Lindy.

"Kukuha pa ako ng mga books. May kulang pa." malamig na saad nya. Bago pa kami makapagreact ng maayos ni Craig ay wala na sya sa aming paningin.

Bumuntong hininga si Craig. Ramdam ko ang frustrations na. Nalipat sa nadaang mga estudyante ang atensyon ko.

Nasa grupong iyon si Adrian. Nginitian nya ako. Bago pa ako makangiti pabalik ay naramdaman kong may humawak sa dulo ng hinliliit ko.

Nilingon ko si Craig na ngayon ay mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.

"Stop looking at him. I'm claiming you as my property, Zoey. I should be the only man you're looking at. I should be the only man." he said.

Bumilis ang pintig ng puso ko. Nangatog ang mga tuhod ko. Huminga ako ng malalim. Nilingon ko ang grupo nina Adrian. Nakalagpas na sila. Dahan-dahan akong tumango kay Craig.

Binitawan nya ang hinliliit ko at hinilot nya ang kanyang sentido. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.

"She's jealous. Nagseselos sya kay Mandy." bulong ko. Pag-iiba ko ng usapan.

"Mandy? Why her? Magkaibigan lang kami ni Mandy." iritadong sabi ni Craig.

"I don't know. May gusto daw si Mandy sayo." ani ko.

"Yes, totoo yun pero alam naman ni Mandy na hindi pwede. Sinabihan ko na sya dati pa." sagot ni Craig sa akin.

"You don't like her? You never flirted with her?" tanong ko.

May kakaibang init sa dibdib ko habang tinatanong ko sya. Pakiramdam ko konting pitik na lang maisisigaw ko ang mga tanong na yun.

Tinitigan nya ako ng matagal bago sya nagsalita. "I never flirted with anyone. Except you." he said in a serious and at the same time dangerous way.

Halos malagutan ako ng hininga. Itinikom ko na ng mariin ang bibig ko. Natatakot ako na baka tumayo ako at halikan na lang sya dito bigla. I should calm myself. Damn!

InfidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon