Way back 2007.
"Bru!! Sge na kasi! Sumama ka na." Pamimilit sa akin ni Dyann. Actually kahapon pa yan sya namimilit. Samahan ko daw sya sa isang event sa candy mag event chocho ba yon. Anti-social ako eh kaya di ako makarelate.
Break time namin nun ngunit nasa classroom lang naman kami. We're 4th year high school.
"Ayoko nga kasi!" Mariin ko namang tanggi. Pati pagsusulat ko eh napapadiin. Mas gugustuhin ko naman kasing sa bahay lang. Manood ng tv. MAg internet. Magpapangit sa camera pero di ko naupload sa internet ha. Nasa laptop ko lang lahat nakasave.
"Bru naman! Kelangan ko pa bang lumuhod para samahan mo ako?" PAgmamakaawa pa rin sa akin ni Dyann.
According to her. Makakapunta lang daw sya sa event na yon pag kasama ako. MAlaki tiwala ng magulang nya saken eh. Alam kasi nilang good influence akong kaibigan sa anak nila.
"Bru naman. Sige na naman oh." Tila maiiyak ng sabi ni Dyann.
Di ko na nga lang sya pinansin. I just continue writing.
Ayun, bumalik naman na si Dyann sa upuan at nanahimik na pero ramdam kong nagtatampo na saken to. Di na naimik eh.
I sighed.
Pag ganito na 'yong style nya. Di na ako makatanggi. Di na ako imikan nyan isang linggo eh.
Nilingon ko naman na sya nun.
"Okey. Okey." I gave up. Tinaas ko pa 'yong dalawang kamay ko.
MAs mahirap suyuin to pag nagtampo eh. Ano lang ba naman 'yong isang gabi?
Bukas na daw kasi 'yong event na yon.
Di nyo kasi alam, itong si Dyann eh fanney na fanney ng PBB. It's a reality show. PAtay na patay sya dun ky James Reid eh na di ko alam anong nakita nya eh payat na payat naman. Sa kaka stalk nya sa facebook, twitter at iba pang social networking na yan eh nalaman nyang may event sila sa candy magazine at dahil malapit lang naman sa amin 'yong place eh ito na. Di na mapakali itong kaibigan ko na to. Nilibre pa nga talaga ako ng ticket kahit di pa naman ako umu-oo.
"Yes!! you're the best bru I ever have!" Tuwang tuwang saad nya na sinakal pa talaga ako.
Dahil bukas naman na 'yong event we decided na dun na ako matutulog kela Dyann. Kahit napipilitan eh ano pa ba magagawa ko?
After naman ng class namin eh dumaan muna kami sa bahay to get my personal things. La din naman kasi problema sa parents ko. MAy tiwala din mga yon kay Dyann eh.
PAGdating namin na sa bahay nila eh nagmovie marathon kami. Kung makikita nyo lang yong kwarto ni Dyann, mapapailing ka na lang, puro posters ng pbb nakadikit sa dingding nya eh.
"Bru, patingin ng susuotin mo bukas." Dyann said na hinalungkat yong mga gamit ko.
"Seriously?" She reacted habang taas taas yong damit ko.
"Wag kang ano! Ikaw na nga itong sasamahan. LAKas mo pa manglait." Napasimangot kong wika.
Hindi naman sa wala akong sense of fashion. Nagkataon lang na moderno manamit itong kaibigan ko na to. MAhilig sa shorts at mga sleeveless na kabaliktaran ko naman. MAy sarili akong style eh.
"You're not going to wear that!"
"Bru! It's one of a lifetime event. Ang daming poging model at artista dun. Tska baka pagtingnan ka pa ng mga tao dun." Kumbinsi pa nya sa akin sabay lumapit sya dun sa tokador nya at tila may hinahanap.
BINABASA MO ANG
Match Made In Heaven
FanfictionNeeds major editing, the grammar, spelling and all. READ AT YOUR OWN RISK! ************* They met before. They met again. Will they still recognize each other? Maine Mendoza, chef at 23, unexpectedly meets Alden Richards who's a famous celebrity by...