May kilala akong isang babaeng hindi naman kagandahan pero sobra yung appeal sa ibang tao na kahit babae posibleng magka-gusto sa kanya dahil sa tindi ng karisma niya.
Kilala niyo kung sino? Syempre hindi. Introduction pa lang 'to eh. Pero.. siya ay,
Ako.
Yes, laugh my fucking ass out because the one I'm describing is myself.
Pero hindi ko naman kasi feel na feel yung mga ganung maliliit na bagay kasi magmu-mukang cheap ako kapag nag-feeling na ang appeal ko talaga.
The one who has a high quality of sex appeal is me, Ching Jeremiah Ramirez. Isang anak ng walang kwentang broken family na may half-brother and a half-sister. Bale, bunso ako pero mas mataas ang posisyon ko sa pamilya. At bakit? Wala kasing makakatalo sa pagka-straightforward at lalo na sa pagiging suplada ko. No more questions, that's just me.
Many people asked if do I have a boyfriend and I just have four words to answer which is, "No time for love." Why?
Dahil minsan na akong nasaktan.
*FLASHBACK*
March 24, 2014
3:21 PMNakatanggap na naman ako ng sweet letter with bouquet of flowers sa isang anonymous na tao kaya ito na naman yung mga kaklase ko, nang-aasar.
Three weeks na siyang ganito at dahil sa araw-araw niyang paglagay ng sulat sa locker ko, hindi ko maiwasang ma-inlove at masabik kung sino ba yung taong yun.
Araw-araw akong may love letter poured with quotations. Hindi ko alam kung nagse-search ba tong tao na to o talagang matalino na talaga. Basta I love the way he writes and how he deliver the quotes.
Pero minsan nga, umaasa akong si Yuan yun! Close kami nun tapos minsan pag may natatanggap akong flowers sa upuan ko, wala siya sa class room. Syempre suspicious diba?
Ayoko din namang masaktan pero umasa talaga akong siya yun. Behind his sweetness sino ba namang hindi magaakala.
Basketball practice ngayon at halos lahat ng estudyante nandito sa gym. Wala na naman kasing klase kaya dito na lang ako tumambay.
3 days nang hindi nagpapadala ng sulat at flowers yung secret admirer ko, nagsawa na siguro at balak ng magpakilala.
Nakaupo ako sa tabi ng best friend ko na si Keith Marquez. Oo nga pala, tinuturuan ko si Keith sa mga lectures. Eh kasi siya din naman yung dahilan kung bakit 30% na lang yung binabayaran namin sa school. Pano nangyari? Yung mama kasi ni Keith matagal nang magkakilala at yung mama ko then Keith's mother knew that my parents are divorced. Eh si mama housewife lang naman at suma-sideline pag minsan kaya naawa yung mama ni Keith at tinulungan kami. Bale, matagal na din kaming magka-close ni Keith.. since grade 3.
My attention distracted by Yuan walking towards me. He's holding a bouquet of flower with a pink envelope that usually the envelope of the letter I always receive.
My heartbeat starts to beat faster and the crowd began to scream.
Keith is just looking at him while Yuan is smiling.
"Sabi na nga ba ikaw yung--" Hindi pa ako natatapos magsalita nang sumingit si Nikki.
"Babe, alam niya na pala eh. Bakit mo pa pinagtitripan?" She chuckled.
Ano daw? Pinagtitripan?
Biglang nawala yung ngiti sa mukha ko at tumawa si Yuan ng malakas. "Sorry, Ching! You should see your face nung mga oras na kinikilig ka pag nakakatanggap ng flowers!"
Bigla akong nabadtrip at lumabas ng gym. I felt my tears falling then I decided to go home.
Ang sakit. Masyado ko siyang pinahalagahan. Ang buong alam ko higit pa sa kaibigan ang tingin niya sa akin. Pero ang masaklap, ginawa niya yun para lang pagtripan ako. Most of all, he's not single anymore but already taken not by me but Nikki.
*END*
[a/n:]
Hindi ko 'to sure kung seseryosohin ko. Tsk. Anyways, ito po yung substitute ng @ashelord88 na account. ^^ Ako po yun. Nakalimutan ko na kasi yung password eh. Hehehe.
So, ayun! Kayo na bahala magpa-active ng story. Ü
_mcseen09_
BINABASA MO ANG
Bring Me To Life
Teen FictionMinsan yung forever matagal nang nasa tabi natin pero nakafocus lang tayo sa maling tao kaya tayo nasasaktan.