Jeremiah Ramirez's POV
Hindi ko alam kung bakit naging ganun yung ugali ni Keith simula nung dumating sa buhay ko si Migo at simula nung pumasok sa kwarto ko si Migo nung andun siya, umiwas na siya sa akin hanggang ngayon.
Palagi ko na lang siyang nakikitang mag-isang kumakain na tila nawalan ng mahal sa buhay. Pag lalapitan ko naman siya, iiwasan niya ako. Ang gulo.
Napaisip nga ako kung may nagawa ba akong masama.. wala naman. Ano bang kasalanan ko? 😩
"Keith, kausapin mo naman ako oh. Kahit lingunan mo lang ako." Sabi ko habang naka head down siya sa table.
Wala pa si prof at kami lang ditong dalawa sa room.
"Keith naman eh! Ano bang problema? Nakakamiss ka na. Dalawang linggo nang hindi mo ko kinakausap."
Nagulat na lang ako ng kinuha niya yung bag niya at umalis na lang bigla-bigla. "Keith!" Sigaw ko at sinundan siya palabas.
"Keith naman e! Ano bang nangyayari sayo?!" Tanong ko habang sinusundan siya.
"Wag mo naman ako pagmukang tanga dito!" Naiirita na talaga ako.
"KEITH! ANUBA!" Sumigaw na ako dahilan na ikinaharap niya.
"Ano bang gusto mo? Ha?"
O______O
"B-bakit kasi hindi mo na ko k-kinakausap? 😢"
"Strict yung girlfriend ko. Ayaw niyang may kausap akong iba." Saka niya ko iniwang gulat na gulat.
Kailan pa? </3
Grabe parang di tayo magkaibigan. :'(
Saktong pagdating ni Migo at saka ako nilapitan.
"Oh, bakit? Anong nangyari? Bakit ka malungkot?" Sunud-sunod niyang tanong at makikita ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Si Keith kasi..."
"...Kaya pala hindi niya na ako pinapansin kasi strict yung girlfriend niya."
"Ang babaw mo naman. Edi ako na lang papansin sayo." Sabay ngiti niya sa akin saka pinisil yung ilong ko.
M.U. kami ni Migo. Gusto niya akong ligawan pero sabi ko wag muna kasi ayoko pa. Hindi naman porket may mutual understanding kailangan nang maging kayo. At dahil din dun, mas lalo akong namangha sa kanya kasi kahit papa'no nirerespeto niya yung desisyon ko.
Tatlong linggo na ang nakalipas at hindi pa rin ako pinapansin ni Keith dahil nga sa strict yung girlfriend niya. Siguro sinagot na siya nung crush niya. Pero kung magkaka-boyfriend man ako, hindi ako ganun kahigpit. Eh kasi nasa lalaki naman yun kung talagang seryoso siya sayo at hindi magloloko.
"Ms. Ramirez!" Napalingon ako bigla at nakita ko si Prof Gil na naglalakad sa hallway patungo sa'min.
"Bakit po, sir?" Mapagkumbaba kong tanong.
"I need you at the office right now. Susunod na lang ako doon."
Bigla akong kinabahan.
Anong kasalanan ko? 😱
Nagka-tinginan kami ni Migo at saka na ako naglakad.
Sa office.
"I'll direct you to the point, Ms. Ramirez. Ikaw ang napili naming representative ng Nursing at ang ka-partner mo ay si Mr. Marquez. It's the battle again between nursing and engineering students. Are you agree with that?"
"H-ha? B-bakit po ako?"
"It's my choice. Ilang years ka na kasi dito sa DLSU at hindi ka pa masyadong nakakasali sa mga activities kaya pinili kita."
"Hindi po ba pwedeng iba nala--"
"Hindi pwede."
Hays. "Eh ano po bang gagawin namin?"
"You two are going to act like a supermodel. May mga theme na ibibigay ang photographer at kailangan niyong mai-demonstrate ng maayos."
"So, isang araw lang po ba yun?" Muli kong tanong.
"One week and you'll start tomorrow."
Hay! 😓
"Eh pano po yung lessons na mami-miss namin?"
"I'm giving both of you a consideration for a week and I'm expecting a very high quality pose to both of you."
Keith Marquez's POV
Bakit mo pa kailangang ipagsiksikan yung sarili mo sa taong may kapiling nang iba kung wala ka naman ding mapapala?
Kaya ito, umiiwas na ako kay Aya para naman walang istorbo sakanila. Palagi s'yang masaya tuwing nakikita ko pero naiinis din ako pag minsan. Kailangan ba talagang sa lugar na nakikita ko sila? Tang ina. Sinasadya eh!
Papunta na ako sa studio kung saan gaganapin ang photoshoot. Oo, nabalitaan niyo naman siguro ang tungkol dun kaya mahihirapan ako lalong umiwas lalo na't siya ang kahinaan ko.
Ilang minuto lang ang nakalipas nang makarating ako sa aking destinasyon. Sinalubong ako kaagad ni Aya pero hindi ako tumingin sa kanya at nilampasan siya.
"Hi, Keith." Bati sakin nung babaeng representative ng Marine Engineering.
"Hello." Ngumiti ako sa kanya at alam kong nakita yun ni Aya kaya nagulat na lang ako nang bigla niyang kabigin yung babae.
"Sinong ka-partner mo?" -Aya.
"Si Gabby, bakit?" -Babae
"Oh, eh bakit nasa tabi ka ni Keith? Di ba dapat dun ka sa partner mo?!" Aba. :3
Walang nagawa yung babae at nagstamp saka umalis sa harap namin.
Kikiligin na sana ako pero naalala kong selosa lang talaga siya kahit sa KAIBIGAN lang.
Humarap siya sa akin. "Keithy Perry, galit ka pa ba? Sorry na naman oh. Kahit patawarin mo lang ako okay na sakin yun tapos ipakilala mo ko sa girlfriend mo para hindi niya ako pagselosan." Nagulat ako nang yakapin niya ako sa harap ng staff. Kahit gusto kong ganun lang yung pwesto namin nagawa ko pang alisin yung pagyakap niya.
"Aya, hindi mo naman kailangang gawin 'to eh. MU na kayo ni Migo diba? Bakit mo pa ko kailang--"
"Kasi best friend kita."
Bestfriend. Hindi yan sapat, aya.
Yan ba yung sasabihin ko? Wag. Andrama!
"Ayoko lang masira yung relasyon niyo ni Migo ng dahil sakin."
"Ha? Ano? Wala kaming relasyon! Close lang kami! Hay naman Keithy ko! Bakit ba ang immature mo pa din hanggang ngayon?" Saka pinisil-pisil yung pisngi ko. Ayan na naman siya. Yung lagi niyang ginagawa! Nakakamiss. 💔
"Ang unfair naman kasi nun. Ako yung matagal mo nang nakasama dito sa school tapos nung dumating si Migo, bigla nang nawala yung Aya ko."
Ngumiti siya na parang puppy. "Nako naman! Seloso 'tong Keithy ko! Mamaya punta ka sa bahay. Pag-usapan natin yan ok---"
"Hindi pwede e." Ayoko lang masaktan lalo na't hanggang kaibigan lang naman.
--
A/N: Short update.
BINABASA MO ANG
Bring Me To Life
Teen FictionMinsan yung forever matagal nang nasa tabi natin pero nakafocus lang tayo sa maling tao kaya tayo nasasaktan.