III: The Star

45 4 0
                                    

Aya Ramirez's POV

Excited akong pumasok kanina kaya maaga pa lang, nasa school na ako.

After the Maskkarade party or let's just say, WHAT HE DID. Ayan! Mas suitable sa feelings ko ngayon. Hmm ito na nga, naiinis ako at kinikilig sa inasta ng lalaking 'yun. Hindi naman kasi namin kilala yung isa't-isa tapos breezy siya. Malay mo pangit! O kaya manyak. :v

I don't think na pangit.. eh kasi sa lambot pa lang ng lips niya masasabi mong may DATING eh! Meganon. Hays.

Na-interrupt yung silence between me and the room nang dumating si Migo. "Ang aga mo, ah." Sabi niya at bagong ligo pa. Gwapo-gwapo ;">

Ngumiti ako at nang makaupo siya sa tabi ko, I greeted him with a smile. "Good morning."

"Bakit ang good mood mo ngayon?" Pagtataka niya.

"Hmm.. Wala lang." Pero may ngiti saking labi.

"Weh? Ano nga?"

"I'll direct you to the point ha? Kagabi ba umattend ka sa party?"

"Oo, bakit? Umattend ka ba?"

"Oo, eh." Sagot ko.

"Ah. Alam mo ba, kagabi may nakilala akong babae. Sobrang ganda niya." Sa pagsasalita niya pa lang, kinikilig na siya.

"Sinong babae?" Tanong ko.

"Hindi ko kilala eh. Pero naka-points ako sa kanya." Yan na naman yung ngiti niya 😍

"Siya ba si Monster?" Daretso kong tanong.

"Monster? Ha? Ah! Oo! Sabi niya kasi takot daw siya sa monster." Sinabi ko ba yun?

"Ah. Naka-gown ba siya? Anong kulay?" Sunud-sunod kong tanong.

"Naka-red gown eh." Ow-em!

"Star?" Napatingin ako sakanya at tinanong na.. "Naalala mo ba yung sa garden?"

"Ah, sa garden? Oo. Pumunta kami dun eh tapos ang ganda ng mga bituin."

Shit. <3

Napangiti ako sa harap nya. "Ang sarap ng kiss mo." Sabi kong ganun tapos napangiti din siya.

"Ikaw ba yun?" Daretsong tingin niya sa mga mata ko.

Simula nang malaman naming dalawa na kami yung magka-partner nung party, mas naging matatag pa yung pagsasamahan namin ni Migo.

Keith Marquez's POV

Agad niya naman itong binuksan matapos kong katukin yung pintuan. As usual, naka-sando't cycling siya nang makita ko at yung kwarto niya naman organized na organized.

"Hi, baby!" Masigla kong pagbati sakanya habang papasok sa loob ng kwarto niya at sumalubong naman sakin si Chubby.

"Ilabas mo na yung mga rereviewhin."

Oo, nandito ako para magpa-tutor sa kanya. Ilang araw na din kasing hindi kami nagkakausap kaya ito..

"Ang sungit mo naman." Sagot ko habang buhat si chubby at binagsak ang aking katawan sa malambot niyang kama.

Binigay ko sa kanya yung bag ko at siya na ang bahalang mag labas ng mga rereviewhin.

Hindi siya kumikibo sa upuan ng study table kaya lumapit ako sa kanya at hinipan yung tenga niya pero...

Nakita ko siyang nakangiti habang hawak ang cellphone niya. Nakita ko din yung contact name ng katext niya na STAR ang pangalan.

"Sino si star?" Tanong ko sakanya at nawala ang ngiti saking mukha.

"Ha?! Ah-eh!" Nataranta siya at binaba ang cellphone sa table. "Nasan na mga rereviewhin mo?" Bigla niyang iniba yung usapan.

Nawala na din ako sa mood kaya hinagis ko ng mahina sa kanya yung cattleya ko.

"Anong problema mo?" Tanong niya sakin habang nakabusangot lang akong nakadapa sa kama niya.

"Sino ba yung star na yun?" Tanong ko na may halong inis.

"Ah, siya si..." Saktong bumukas yung pintuan ng kwarto niya at pumasok si "Uy, Migo!"

Napa-upo akong bigla at nagulat. Hindi ko kasi alam na pumupunta pala dito yung lalaking 'yan.

"Uh." Nagulat din siya kung bakit ako nandito.

"Ahmm... Eh... Star, tinuturuan ko nga pala si Keith. Kasunduan kasi yun between me and his mom." Paalam niya pa kay Migo.

So siya pala yung star.

Putangina.

Bakit? Pano mo nalamang siya si star? Lumingon ba siya nung tinawag mo? :'(
Monster... hindi mo naman sinigaw yung code name ko eh. :'(

Alam kong gets niyo na ako at hindi ko nagkakamali. Ako talaga yung kasama ni Aya nung party..

So what now? Anong dapat kong gawin? Oo na torpe ako! Siya yung kinukwento sa kanyang crush ko. Hindi niya man lang mahalata na sa twing may kasama siyang iba, nasasaktan ako 💔😭

"Andito na pala yung star mo eh. Uwi muna ako, Aya ha?" Pinilit kong ngumiti sa harap nilang dalawa at hindi ko na hinintay pa siyang magsalita saka ko kinuha yung bag ko at dumaretso palabas habang may mga tumutulong luha.

"Mama, uwi na po ako." Paalam ko sa mama ni Aya at hindi pinapakita yung reaksyon ko. Lumabas na ako kaagad saka nagpatuloy lang na bumuhos ang aking luha dahil hindi ko na mapigilan.

Bring Me To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon