I: Mr. Stranger

77 5 0
                                    

Aya Ramirez's POV

Seeing a sweet couple reminisces my past and breaks my heart.

I lift my attention to the attractive sunset while sitting on the bench. Suddenly, there's a guy sat beside me.

"Ang ganda ng view, noh?" Pero natignan ko yung mga sweet couple na naglalambingan dito sa park.

Kailan pa gumanda ang view?

"I'm talking 'bout the sunset, Aya." Bigla akong napalingon sakanya at napa- HUH?

"Hanggang kailan ka ba magiging bitter?" Tanong niya ulit. Nakakahinala kung sino ba 'tong kumakausap sakin.

Hindi ko naman kilala at ang nakakapanghinala lalo dahil alam niya yung nararamdaman ko.

Nanahimik lang ako kasi hindi ko naman siya ganun kakilala kahit sa muka. Tumayo ako at saka naglakad na para umuwi pero..

Naramdaman ko yung malakas na biglang pagbuhos ng ulan. No choice ako kaya maglalakad ako habang umuulan para lang makauwi.

"Libre namang sumilong." Hinigit niya ako palapit sakanya at sinilong sa payong.

"Sino ka ba talaga? Bakit mo ko kilala?" Pagtataray ko.

Nagawa pa niyang tumawa at sinabing, "It's not important."

Handaya naman! Kilala niya ako pero di ko siya kilala. >.<

Hindi na lang kami nag-usap pero ang awkward kasi magkadikit kami tapos ang tahimik pa.

"Bakit ka nga pala nasa park kanina?" Tanong niya.

"Ah, eh. Wala lang, pinagalitan na naman kasi ako ni mama."

"Bakit naman?" Ang daldal~

Hindi na lang ako nagsalita dahil parang ang fc niya sakin. Pero ang totoo niyan pinagalitan ako ni mama kasi palagi na lang ako nagco-computer. Babaw no? Lagi na lang kaming ganun kaya sanay na ako.

"Uy, teka saan tayo pupunta?" Eh kasi naman. Sa ibang way niya ko idadaan!

"Shortcut 'to papunta sa street niyo. Anubayan, halatang di lumalabas ng bahay."

"Eh sino ka ba kasi talaga at bakit alam mo pati bahay namin?!"

"Easy lang. Ito na nga..." Huminga muna siya ng malalim bago ulit magsalita.

"Kakasalta ko lang sa tapat ng bahay niyo nung nakaraang buwan at pumasok din ako sa school kung saan ka nag-aaral. Hindi sa stalker ha, dun lang talaga ako pinapasok ni Papa kaya kilala kita. Ikaw yung nahulog sa stage nung roll pla--"

"Okay. Alam ko na. You don't need to recall that epic thing." Huminga na lang ako ng malalim at mas lalong lumakas yung ulan kaya bahagya na kaming tumakbo.

Malapit na kami sa bahay kaya nagpaalam na'ko. "Salamat." pero hindi ako ngumiti.

Pagpasok ko sa bahay, napalingon ako sa tapat ng bahay namin tsaka ko nakitang ngumiti at nagwave yung lalaking di ko kilala.

Sa tinagal-tagal kong nakatira dito sa bahay, ngayon lang ako naka-discover na may cute pala na nakatira sa village na to. Lol.

Pagpasok ko sa sala, taratatatatat. Yan si mama, armalight. Masanay na kayo~ Ganyan na kasi yan simula nung maghiwalay sila ni Papa.

"Saan ka ba galing? Hindi ka pa nakaka-saing lumabas ka na agad! Oh aakyat ka sa kwarto mo tapos maglo-LOL ka na naman? Ano ba naman yan, Aya! Wala ka nang maitulong!"

"Ano ba naman 'yan, ma." Narining kong pagdating ni kuya tsaka ako umakyat sa kwarto.

Si kuya lang yung kakampi ko dito sa bahay. Kahit anong lambing ko kasi kay mama galit pa din siya. Syempre feel ko worthless lang lahat ng effort ko kaya hinahayaan ko na lang siyang ganyan.

Bring Me To LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon