Jeremiah's POV
School-bahay ang routine namin ni Migo halos dito na siya kumakain ng hapunan kasi mag-isa lang siya sa bahay. Tinuring na din siyang kamag-anak ni Mama kaya mas naging close sila. Close na kami ni Migo kaya hindi na kami nagkaka-ilangan.. routine na din namin yung magkasabay umuwi. Mabait siya at madaldal kaya hindi na ako masyadong naba-badtrip ngayon.
Madaming nagbago sa ugali at sa nakasanayan ko. Mas nakaka-move on na ako sa pagiging bitter.
Btw, nandito kami ngayon sa gym, may practice kasi ng basketball. Sumali nga pala si Migo sa team nila Keith kaya hinihintay ko silang matapos.
Ilang minuto lang ang nakalipas, hingal na hingal na lumapit sakin si Keith. "Oh bakit hindi ka pa umuuwi? Sasabay ka na ba sakin?" Tanong niya at saktong lapit din sakin ni Migo.
Napatingin kami kay Migo at nagsalita kaagad si Keith. "Ah, kasabay mo nga pala siya umuwi. Sige. Nga pala, bagsak ako sa exams. Hindi mo na kasi ako natuturuan. Busy ka na yata." Na-guilty ako sa sinabi niya sabay alis niya sa harapan ko. Halaaa.
Oo nga pala! :( Si Keith yung dahilan kung bakit ako nakakapag-aral ngayon. Hays! Bakit ko ba kinalimutang tutor niya ko?! :(
"Teka, Keith!" Tumayo ako sa bleacher at sinigaw ang pangalan niya. Hindi na siya lumingon pa kaya nagsalita si Migo..
"Hayaan mo na. Pagod lang yun." Muli muna akong tumingon kay Keith at saka kay Migo.
"Bakit ba big deal siya para sayo?" Tanong niya.
"Siya kasi yung dahilan kung bakit ako nakakapag-aral ngayon."
"What do you mean?"
"Ah, basta! Long story. Oh, heto.. inumin mo." Binigay ko sa kanya yung natitira kong tubig para maibsan yung uhaw niya.
"Nga pala, may binigay saking invitation si Professor Gil, ito oh." Nilabas niya sa bag niya yung envelope at binigay sakin.
To: N&E students
I've made a Maskkarade party between nursing and engineering students that will going to held at Dream 88 at 9 o'clock tonight and I'm expecting a high quality of outfit! Hope y'all attend the party, it's graded.
-Professor Gil
Napabuntong-hininga ako at sinabi kay Migo na, "Hindi ko kayang pumunta."
"Ha? Bakit naman? May grade yun."
"Eh wala kasi akong damit para dyan. Tsaka tignan mo naman ako oh.."
Nagtaka ako kung bakit may kinukuha siya sa bag niya at nang ilabas niya 'to...
Nagulat talaga ako.
"Are you serious? Migo, bakit may make-up kit ka sa bag?" I was like, 'EW' na para bang bakla siya.
"Kinuha ko kasi lahat ng laman ng bag ng girlfriend ko nung namatay siya. Just a remembrance, meron pa ngang underwear niya sa bahay eh. Bakit? Pag lalaki ba may make-up kit bakla na kaagad?" He raised his eyebrow then I made a make-face.
"Ang sagwa kaya! Kalalaking tao eh, daig pa ako. Oh anong gagawin natin sa make-up kit na yan?" Baka mamaya pinang-makeup dun sa gf niya nung lamay na e. -_-
"Gagamitin mo para sa party mamaya."
"No, hindi ako nagme-makeup and hindi ako aattend sa party. Tsaka, Maskkarade party diba? No need to make-up!"
Pinunit ko sa harap niya yung invitation at nakatingin lang siya sakin saka lang narealize ng utak ko na... si Migo yung kaharap ko at hindi si KEITH.
BINABASA MO ANG
Bring Me To Life
Fiksi RemajaMinsan yung forever matagal nang nasa tabi natin pero nakafocus lang tayo sa maling tao kaya tayo nasasaktan.