Paunang kataga, isang paghanga
Lubhang nakakakaba kahit hindi matagpuan ang mga letra
Mga pinili kong salitang hindi makita ng mata
Mga mata kong ikaw ang nais makita
Makitang masaya kahit mahirap sa aking hindi ka makasama.
Naririto na naman ako, pinipilit na ibalik ang sarili sa dating ako.
Pinipilit na ibalik ang pag-asang nawala sa puso ko.
Pusong nahihirapan pa rin dahil sa iyong paglayo.
Paglayong alam kong hindi na kayang mabago.
Minsan, umaasa akong makikita kong muli ang mga ngiti mo
Mga ngiting nais kong makita sa bawat oras ng buhay ko
Buhay kong umiikot lang noong una sayo.
Umiiyak na naman ako sa mga sandaling ito.
Pinipilit na tanggaping wala ka na sa piling ko.
Pinipilit palayain ang mga ala-ala mo.
Hanggang sa larawan na lang ba talaga ito?
Siguro nga kailangan ko ng pakawalan ang sakit na nadarama ko.
Siguro nga kailangan ko ng bitawan ang pait ng nakaraan ko.
Siguro ito na ang tamang panahon upang piliin ko naman ang sarili ko.
Pero ang lahat ng ito ay isang patunay lang ng katatagan ko.
Na kahit anong sakit at pait ang maranasan ko'y ito ang tanda upang malaman kong tao pa rin ako.
Sa kabila ng pagdurusa alam kong mayroon pang umaga para bumangon at damhin ang mga ala-alang hanggang ngayon akin pa ring dala-dala.
Nakangiti na naman ako, nakangiti habang inaalala ang mga sandaling masaya tayong dalawa.
Mga ala-ala ng kahapong hindi na maibabalik pa.
Sa loob ng maraming panahong pag-iisa
Ikaw pa rin ang aking inaalala kahit na alam kong hindi ka na babalik pa.
Sa aking pagbalik sa riyalidad, muli kong napagtantong hindi pa huli ang lahat.
Nakatingala sa mga ulap
Pinapangarap na nakalutang sa alapaap
Mga matang nangungusap
Kahit alam kong hindi na kita makakausap.
Sa mundong puno ng paghihirap, ang lumaban mag-isa ay mahirap ngunit kung pag-ibig ang iyong sandata maaari siguro maging pag-asa ang isang lumang ala-ala
Kahit na sa larawan na lamang ito makikita.
BINABASA MO ANG
PULANGTINTA POETRY
PoetryMga tulang hindi ko inaasahang maisususlat at magagawa Mga tula ni pula. Pulang tinta📌
