Ito na naman,may bagong pasubok na naman ang dumating.
Dumating sa ating buhay at hindi pa tuluyang lumilisan..
Marami na naman sa ating mga kababayan ang mas lalo pang nahihirapan..
Sa panahon ngayon,mahirap pumili ng kaibigan.
Kaibigang hindi mo alam kung siya ba ay tunay o kaibigan ka lang dahil may kailangan.
Ito ang mga panahong mahirap magbigay ng tiwala
Kasi Hindi mo alam kung sino ba talaga ang iyong dapat na pagkatiwalaan..
Dahil sa Pandemic maraming buhay ang nawala.
Marami ring nagbuwis ng buhay para lang sa iba na hindi nila maintindihan ang salitang pakikisama.
Ang dami ring nasirang pamilya, pamilyang iningatang kaytagal ngunit sisirain lang ng pansariling kaligayahan. Mga pangkabuhayang nagsara dahil hindi sa pandemya at kahit na maliit na pinagkakakitaan ay nawala pa kahit ito na lang ang inaasahan ng iba.
Nang dahil sa sakit na likha ng tao, maraming buhay ang sinubok ng tadhana.
Tadhanang hindi na mapipigilan pa.
Muli na lamang nahaharap sa pagsubok ang bansa, bansang sinubok na ng panahon at nasa mga tao na lang ang pagkakataong makaahon.
May pag-asa pa kayang makaraos sa buhay na maraming hikahos?
Nang dahil sa pandemya maraming umiiyak ngayon at humihingi ng kahit na kakarampot na tulong.
Tulong na ipinagdadamot pa ng iba.
Mga taong sarili lang nila ang nais na makinabang sa biyayang ibinibigay ng may mga kaya.
Sa ganitong panahon, ano ba ang dapat mong unahin? Sila ba muna? O ang iyong sariling pamilya na alam mong kaya pa nila. O mas pipiliin mong talikuran ang iba para sa pansarili mong kaligayahan.
Nang dahil sa pandemya, marami ang nagmakasala sa lipunan. Lipunang may kakayanan lang ang pinapanigan.
Marami ang lumalabag sa batas dahil ang ibinibigay nila ay hindi sapat.
Marami ang nasasakripisyo kahit alam nilang sila ay inaabuso.
Hanggang sa itaya nila ang kanilang mga buhay para sa mga taong mapang-abuso at mapanghusga! Mga ganib at sarili lang ang iniisip.
Nang dahil sa pandemya, lumabas ang tunay na pagkatao ng mga taong mapanlamang sa kapwa.
Nang dahil sa pandemic may mga samahang nasira.
May mga samahang nagkanda-watak watak.
Mga pusong nawasak
At mga kumakalam ang sikmura dahil sa walang kakayanang punan ang pangangailangan nila.
Ang daming dumaraing, marami ang nag-aaklas.
Dahil ang iba, may sarili silang batas.
Batas na sila lang ang nakakaalam dahil sa kanilang ugaling nakakasuklam
Gaano nga ba kababaw ang mga dahilan?
Dahilang mga tao lang din ang may kagagawan.
Bakit kailangan na umabot sa ganito ang lahat?
Sino ba ang dapat sisihin?
Sino ba ang dapat na managot?
Sino ba talaga ang tunay na may kasalanan?
Ito ang hirap sa pagiging tao, minsan hindi marunong maging makatao.
Minsan umaabuso
Minsan bato
Minsan lahat tayo ay tinatarantado.
Kung sino pa ang wala, siya pa ang nagbibigay.
Kung sino pa ang may kakayanan sila pa ang hindi mo mahingian.
Ito ang dulot ng pandemya.
Pagsubok na dapat lahat ay magtutulungan pero ang iilan ay piniling talikuran ang mga taong tunay na nangangailangan.
Maging malakas at matatag, upang sa paglipas ng panahon ay kahit anong pagsubok pa ang dumating ay kaya nating lagpasan.
Yan ang tunay na pinagtibay ng panahon.
Pinatatag ng pagkakataon.
Sa panahong ligmok ay may bukas pa para bumangon.
Kasama natin ang Panginoon sa kahit anong hamon.
🙏
BINABASA MO ANG
PULANGTINTA POETRY
PoesieMga tulang hindi ko inaasahang maisususlat at magagawa Mga tula ni pula. Pulang tinta📌
