Sing-sing(ring)

2 1 1
                                        

Sa pagmulat ko ng aking mga mata, kadiliman ang bumabalot sa akin kapaligiran.

Walang liwanag na nagbabadyang sumikat
Walang ilaw ang nais na magpakita.
Walang pinto ang nais na magbukas para sa katulad kong isang salot sa paningin ng iba.

Tumitibok ng mabilis ang aking puso
Pusong nagdurugo ng dahil sa pagkabigo.
Pagkabigong dulot ng maling tao
Taong sumira ng tiwala ko.

He'to na naman ako, nakayuko habang tinatahak ang landas na alam kong ako na naman ang mali at ako na naman ang may kasalanan.

Kasalanang hindi ko alam kung paano ko ginawa, kasalanang mga mata lang nila ang nakakakita.

Gusto kong isigaw na ayos lang ako
Gusto kong malaman ng iba na tao rin ako
Gusto kong umiyak dahil sa pagguho ng mundo ko
Mundong ako, ako lang ang nag-iisang nandirito.

Mundong binuo ko at wala ang ibang tao.
Gusto kong maging makasarili dahil pinipilit nila ako.
Gusto kong sabihing palayain niyo ko.

Palayain sa mga masasakit na salitang naririnig ko.

"Isa kang inutil! Wala kang mararating!"
"Isa kang salot! Salot sa lipunang ito!"
"Walang kagaya mo ang nilikha ng Kataas-taasan!"
"Kasalanan ang maging katulad mo!"

Masakit na marinig sa mga taong nasa paligid mo ang mga salitang dudurog sa pagkatao mo.

Pero wala kang magawa dahil isa ka lang namang tao.
Taong nais magpakatotoo
Taong nais magmahal ng totoo
Taong nais mahalin ng totoo
Taong nais irespeto ng ibang tao.

Darating talaga tayo sa panahong maiisip mong tama nga ba ito?
Mapapatanong kung sapat pa bang maging ikaw sa sarili mong mundo?

Mapapailing na lang sa bulong ng ibang tao.

Masakit isiping kahit ang mga taong dapat ay sumusuporta sayo ay taliwas na nais mo at pati ang mundong ginagalawan mo'y hinahamak ka rin ng todo.

Masakit malaman na ikaw lang pala mag-isa ang lumalaban para sa sarili mong kapakanan.

Masakit pa lang ipilit ang sarili mo sa mga taong ayaw sayo.

Masakit lumaban sa kung ikaw lang at wala kang masandalan.

Lumuluha kang minsan ngunit walang nakakaalam.

Dahil kung ikaw ay may mapagsabihan tiyak na ikaw ay kanilang pagtatawanan.

Masakit para sa akin na lumaban mag-isa, pero anong magagawa ko? Hindi naman ako peke katulad nila.

Hindi ko kayang magpanggap sa harapan nila.
Hindi ko kayang ngumiti sa kasinungalingang likha nila.
Hindi ko kayang sabayan ang pangit na pakikitungo nila
Hindi ko kayang hindi ipakita ang ayaw nilang makita ng kanilang mga mata.

Hindi ko kayang itago ang sarili ko para lang magustuhan nila.

Ako ito!
Katawan ko ito!
Isip at puso ko ito!
Hindi niyo pwedeng diktahan ang pagkatao ko.

Hindi niyo pwedeng pigilan ang naglalagablab kong puso.

"Wala kang puwang sa mundong ito!"
"Ano na lang ang magiging tingin ng iba sayo?"
"Sino ka sa akala mo?"

Hahahaha!
Hahahaha!
Hahahaha!

Yan!
Yan ang mga salitang kabaliktaran ng mga salitang binibitiwan niyo!
Mga salitang ayaw niyo bitawan pero ipinapakita niyo!
Mga salitang itinatago niyo sa likod ng mga ngiti niyo.

Pero sa kabila ng mga mapanghusga niyong mga mata.

May isang tao pa palang magagawang makinig sa mga hinanaing kong dala-dala.
May isang tao palang kayang yakapin ang isang katulad kong itinatakwil ng iba.

May isang taong totoo, at tatanggapin ka kahit maging sino ka pa.

Masarap sa pakiramdam ang makasama siya.
Masarap sa damdamin ang mahalin ng katulad niya.
Masarap sa pusong may isang taong kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya.

Hindi ako perpekto pero tinanggap niya ako.
Hindi ako mayaman pero minahal niya ako.
Hindi ako katulad ng iba pero binuksan niya ang kayang puso para sa akin.

May isang katulad niyang handang yakapin ng bukas palad ang katulad kong hindi nila maintindihan.

Noon, pinangdidirihan.
Hinuhusgahan.
Kinamumuhian.

Ngayon may isang taong ang nais lang ay ang puso kong mapagmahal.

Sa bawat sigundo, minuto, oras, araw at buwan.

Sa aking buhay ay nag-iisa ka lang.

Kahit mahirap at hindi wawalan ng pagsubok ang buhay ay may naghihintay paring pag-asa.
Nariyan ka upang pakinggan ang mga wala kong kwentang pagkabahala.

Nangangamba man pero nasaiyo ang aking pagtitiwala.

Ikinakatwa man ng iba, ikaw ang iniibig ko sinta.

Kahit na talikuran ako ng mundo, kahit na itakwil ako ng mundo, kahit na buong buhay ko'y hirap ang maranasan ko.

Handa akong magpakatotoo para lang sayo.

Mga luha ko'y inaalay ko sayo.
Mga pagdududa at pangamba ay hindi nawawala sa puso ko pero umaasa akong hanggang sa huling hininga ko ikaw ang hahawak sa mga kamay ko.

Umaasa akong hindi mo ako bibitawan sa kabila ng aking kakulangan.

Umaasa kong hindi mo ako tatalikuran sa oras ng kagipitan.

Umaasa kong ako lang at kamay ko lang ang iyong panghahawakan.

Singsing, ito ang simbulo ng aking pagsinta.
Simbulo ng mga luha ko sinta.
Simbulo ng pag-asang hindi na magbabago pa

Kahit ka sabilang buhay at sa mga susunod pang buhay, pang hawakan mo ang singsing na ito dahil ikaw at ikaw lang ang nagmamay-ari ng kahati nitong aking puso.

Mahal kita, kahit na walang kasiguraduhan sa mundong ating kinalalagyan.

Ikaw, ang nagsilbing ilaw sa madilim kong kapaligiran. Ikaw ang nag-iisang liwanag sa madilim kong nakaraan.

Salamat sa lahat ng iyong sakripisyo.
Salamat sa lahat ng iyong mga luhang ipinatak para sa katulad ko.
Salamat dahil nandyaan ka sa mga panahong hindi ko na kaya.
Salamat dahil ikaw ang kabiyak ng puso kong nag-iisa.

At sa iyong daliri ko lang isusuot itong singsing na aking dala-dala.

•    •
  U

PULANGTINTA POETRYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon