4

Dear Mama,

Mama, salamat ha? Kahit na ilang beses ka na pinapatawag ni Teacher sa school palagi ka pa rin pumupunta. Pero hindi naman po ako nagpapasaway sa school eh. Palagi lang po talaga may umaaway sa akin kaya palagi din po kayo pinapatawag ni Teacher. Sorry, mama. Naaabala ko pa tuloy yung mga gawaing bahay mo. Sorry po kasi iyakin ako at palaging nabubully sa school. Pero salamat mama kasi pinagtatanggol mo ako palagi sa umaaway sa akin. Kaya lang mama kapag inaasar nila ako palagi na nilang sinasabi na sumbungera ako sa mama ko. Pero hindi naman talaga ako ang nagsusumbong sayo eh. Pinapatawag ka lang talaga ni Teacher, di ba mama? Saka di ba mama wala naman masama kung magsumbong ako sayo? Kasi mama kita eh. Sana wala na mambully sa akin sa school. Para hindi mon a kailangan pagsabihan yung ibang bata na wag ako awayin. Salamat mama sa pagtatanggol. Salamat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon