CHAPTER 2-LEARNING THE ART OF MOVING ON

45 5 0
                                    

" Yumi, you okay?" nag-aalalang tanong sakin ng bestfriend ko na si Mitchy.

" Yeah, don't worry," nakangiti ko namang sagot sa kanya. Pero alam ko na hindi naman umabot sa mga mata ko ang ngiting ibinigay ko. Dahan-dahan kong itinupi ang sulat na ginawa ko.

Lumapit sya sa akin at binigyan ako ng nakakaunawang tingin. Niyakap niya ko ng mahigpit.

" Alam ko masakit para sayo ang i-let go ang past mo. You have to be strong, friend. Mas mabuti na yung hindi ka umaasa na babalik pa sya. It's been five years. Kung babalik siya, sana noon pa, diba?" pagkatapos ay pinakawalan na niya ko sa yakap niya at tiningnan ako.

Hindi ko na tuloy napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa mga sinabi niya. Tama siya, kung babalik siya, sana noon pa niya ginawa. Muli ko na namang naramdaman yung sakit sa puso ko. Ang sakit-sakit umasa. At gusto ko ng matapos ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing maiisip ko siya.

" Yumi, listen to me, i-promise mo na last na 'to. Huling beses ka ng iiyak ng dahil sa lalaking yun. Pakawalan mo na siya. Alam kong hindi magiging madali yun para sayo. Pero unti-untiin mo. Tulungan mo ang sarili mo na makapag move-on," sabi pa ni Mitchy na ramdam kong awang-awa sakin. Alam kong nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ko. Kaya ganun na lamang ang pagki-care niya sakin.

" At itong goodbye letter na ginawa mo para sa kanya, ibabaon natin to sa lupa kasabay na rin ng pagbaon mo sa feelings mo para sa kanya," saglit siyang tumahimik at pinagmasdan lang ang bawat pag-iyak ko. " Iiyak mo na lahat. Dahil hangga't nandiyan pa ang sakit, lalong hindi mapapadali ang paghilom niyan. Naiintindihan mo ba ko Yumi?" tanong pa nito.

Pinahid ko ang mga luhang walang tigil sa pagpatak sa aking mukha. Mitchy is right. Kaya tumango-tango ako sa kanya upang iparating na naiintindihan ko ang mga sinasabi niya.

This time ako naman ang yumakap sa kanya ng mahigpit. " Mitchy...sorry and thank you sa lahat-lahat. Sorry kasi alam kong nahihirapan ka na sakin. Alam kong minsan pinagpapasensiyahan mo na lang ako sa mga ka dramahan ko. Pero super thank you kasi lagi kang nandiyan para pagaanin ang loob ko. Para tulungan ako at unawain ako sa mga ka-dramahan koooo..." sabi ko habang sumisigok-sigok. Naramdaman kong umiiyak na rin siya dahil yumuyugyog na rin ang balikat niya.

" Ikaw pa ba? Para saan pa't naging magbestfriend tayo!" umiiyak rin niyang sabi.

Pareho kaming kumalas sa pagkakayakap sa isa't isa at nagpahid ng mga luha. Pagkatapos ay pareho kaming napangiti. Hinawakan niya pareho ang kamay ko at pinisil.

" O ano, ready ka na?" Huminga ako ng malalim at bahagya akong ngumiti. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya.

Tinanguan ko siya sabay kuha sa sulat na ginawa ko. Tiningnan ko iyon at saglit na pinakiramdaman ang sarili ko.

Handa na nga ba akong ibaon ang lahat-lahat ng tungkol sa kanya?

But I have to do this! For myself!

Nauna na akong tumayo kay Mitchy at inaya na siya sa labas ng aming bakuran.

Ng makarating na kami roon ay umupo kami sa may lupa at nag-umpisa ng bungkalin iyon gamit ang isang maliit na pala. Pagkatapos ay kinuha ko na ang sulat at saka inilagay sa binungkal na lupa.

" Yumi, kasabay ng pagbaon mo nito, kailangan mo na ring isama ang feelings mo pati ang sakit na nararamdaman mo," muling sabi ni Mitchy.

" Wag kang mag-alala. Kasabay ng pagbaon ko sa sulat na 'to, kasama ko na ring ililibing ang pangakong binitiwan niya na babalik pa siya. Kasama ko na ring ililibing dito yung pagmamahal na sinabi niya sakin noon. At kasama ko na ring ililibing dito yung sakit na ginawa niya," sabay tabon ko ng lupa hanggang sa mawala na ang binungkal ko at matabunan na. Ramdam ko ang lungkot ko sa bawat pagtabon na ginagawa ko.

Nang matapos ay nagkatinginan kaming dalawa ni Mitchy. Sumalampak na ko sa lupa at tumingin sa malayo.

" Aaminin ko, may lungkot pa rin. Pero ito na ang araw na kailangan ko ng simulang kalimutan ang sakit," sabay ngiti ng mapakla. Tumingin ako sa kanya. " Wala nga talaga sigurong forever!" nalulungkot kong saad sa kanya.

Narinig kong natawa siya sa sinabi ko.

" Yumi, wag ka namang maging bitter ng dahil sa nangyari sayo. Siguro hindi lang ito ang tamang panahon para sa inyo. Malay mo, may karugtong pa pala ang strory niyo, o kaya naman..." sadyang binitin niya ang sinasabi niya.

Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya.

" O kaya naman may iba pang darating sa buhay mo na bibigyan ka ng mas magandang kwento kumpara sa nauna," pagpapatuloy ni Mitchy.

" Ano ba talaga Mitchy? Ginugulo mo ba ang isip ko?" mataray kong tanong sa kanya.

Nangingiti naman siyang tumingin sa akin. " Hindi ko ginugulo ang isip mo. Ang sinasabi ko lang naman wag kang makigaya sa mga nagsasabing walang forever. Nagkataon lang na hindi lahat may forever!"

Parang bigla akong nasaktan sa sinabi ng bestfriend ko. Parang ang sakit malaman na isa ako sa hindi nabigyan ng forever kasama ang taong minahal ko.

Muli akong tumingin sa kanya ng may pagtataka. " Mitchy, saan mo ba nakukuha yang mga hugot mo? Panalo eh! May pinagdadaanan ka ba?"

This time, natatawa na talaga siya. " Bakit? Tagos ba hanggang puso ang sinasabi ko sayo?" Balik tanong niya.

I rolled my eyes at her. Sabay bato ko ng nabunot na kaunting damo sa kanya.

Binato niya rin ako ng damo hanggang sa naggagantihan na kaming dalawa. Ang I just found myself laughing. Na-miss ko 'to. Ang tumawa na walang iniisp na kahit ano. Yung tumatawa ka lang kasi Masaya ka. And then that moment, I suddenly realized, masyado ko palang dinepende ang kaligayahan ko sa isang taong minsang naging mundo ko. Ang daming ko palang moment na na-missed. Especially with my bestfriend.

" Best, babawi ako! Promise!" I said with a sincere heart.

" Ibalik mo lang yung dating Yumi na kaibigan ko, Masaya na ko."

Tumayo ako at umupo sa tabi niya. " I love you best. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko. Thank you."

" what friends are for diba?" nangingiting sabi niya.

s

MAY FOREVER! TIWALA LANG!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon