CHAPTER 4~ WHEN THE ADMIRER COMES ALONG

28 6 0
                                    

" Flowers again?!" nakangiting bungad ni Mitchy pagkapasok niya sa aming bahay.

Nadatnan niya akong may hawak-hawak na puting rosas kaya naman nagtataka na siya kung kanino galing iyon.

" Yeah!" tipid na sagot ko.

" Pang-apat mo ng flower yan this week. I wonder kung sino ang admirer mo?" napapaisip niya pang tanong. Hindi ko alam kung ako ba o ang sarili niya ang tinatanong niya.

Ang totoo, araw-araw akong nakakatanggap ng white rose mula sa taong hindi ko naman kilala. Ni walang card na nakalagay kapag hinahatid ito ng delivery man. Kahit sa school ay nakakatanggap ako ng puting rosas kaya naman todo tukso sa akin ang mga co-teacher ko.

Wala akong ka-ide-idea kung sino ang nagbibigay nito sa akin.

" Yumi siguro killer yang admirer mo. Ayaw kasi magpakita o magpakilala eh. Baka wanted!" natatawang saad sa akin ni Mitchy.

Tininignan ko siya ng masama. " Sira! Kung killer ang nagbibigay sakin nito di sana hindi na niya ko dinadaan sa bulaklak. Sa santong paspasan na niya ko dadaanin," sagot ko naman.

" Naku!" At ipinaikot niya ang mga mata sa akin. " Pero I wonder..." saglit itong natigilan at napaisip. Nag-alangan pa ito kung itutuloy ba nito ang sasabihin o hindi. Pero sa huli, ipinagpatuloy din iyon.

" Yumi papaano kung...yung nagbibigay pala sayo ng mga roses ay si... JB?" alanganin nitong tanong sa akin.

Saglit akong natigilan at napaisip. Posible nga kaya iyon?

Ummm...umaasa!! Tigilan mo yan Yumi! Paalala ng isip ko.

" Imposible!" may bitterness na saad ko.

" Pero paano nga kung sa kanya nga talaga nanggaling yan? Paano pag nalaman mong bumalik na pala siya? At kasabay ng pagbalik niya, ay ang pagbalik niya rin sa buhay mo?" sunod-sunod na tanong nito.

" Mitchy, papano ko siya makakalimutan kung ikaw pa mismo ang nagpapaalala sa kanya sa akin! Akala ko ba titigilan na natin 'to?" medyo naiinis ko ng saad sa kanya.

" Let's face it Yumi! Hindi imposibleng sa kanya nga yan galing. Remember, nung kayo pa? Lagi ka rin niyang binibigyan ng white rose kapag nagkakatampuhan kayo. It's his way of saying sor---

" Mitchy stop! You're not helping, okay!" napipikon kong saway sa kanya. " I'll cross the bridge when I get there. Pero sa ngayon, wag mo na lang munang banggitin siya. That's the best thing you can do."

"Okay!" walang ganang saad nito sa kanya. Pagkatapos ay dumiretso na ito ng kusina at naghanap ng pagkain sa ref.

Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang nagkakalkal ng pagkain sa ref. Ang totoo niyan, unang araw pa lang na may nagbigay sakin ng rosas ay agad ng sumagi sa isip ko na baka kay JB galing ang mga yun. Pero pilit ko yung inaalis sa isip ko dahil hindi lang naman si JB ang pwedeng makaisip ng ganun. Kung sino man ang nagbibigay ng mga rosas sa akin, sana magkalakas na ito ng loob na magpakilala. Para hindi na ko kung saan-saan inililipad ng isip ko.

SCHOOL

" Ma'am Yumi, meron pong naghahanap sa inyo sa room niyo," tawag sakin ni Camela. Isa sa mga estudyante ko.

Nasa room ako ng ibang section at kasalukuyang nagtuturo ng tawagin ako ni Camela.

" ha? Sino daw?" tanong ko pa.

" Hindi ko po kilala mam eh. Inutusan lang po ko ni Mam Majo na tawagin kayo," sagot niya.

"Sige susunod na ko," sagot ko.

Iniwanan ko na lamang ng Gawain ang mga bata at lumabas na ng classroom.

Sino naman kaya ang naghahanap sa akin? Nagtatakang tanong ko.

Bumababa na ako ng hagdanan ng makasalubong ko ang isa sa mga co-teacher ko.

" Uy Yumi, ang gwapo ng naghahanap sayo!" nakangiting sabi nito sa akin.

" Talaga? Baka boyfriend ko?" biro ko sa kanya.

At pareho kaming nagkatawanan.

Tuluyan na kong nakababa ng hagdanan at nakita ko si Mam Katie at Mam Majo na nakangiti sa akin. Binigyan ko sila ng anong-tingin-yan look. Pagkatapos ay inginuso nila sa akin ang lalaking naghahanap daw sa akin.

Nakatalikod ito sa akin at parang may hawak-hawak.

Noon ko sinundan ang direksyon ng kanilang inginuso.

The moment I laid my eyes on him, likod pa lang parang kilala ko na.

Kaya biglang nakaramdam ng sobrang kaba ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay nanigas ako at hindi na makalakad sa aking kinatatayuan. Hindi ko malaman kung anong damdamin ang uunahin ko sa dami ng gustong maramdaman ng puso ko.

At naramdaman ko ang pamilyar na sakit sa puso ko at ang unti-unting pagsakit ng lalamunan ko dahil sa tangka kong pagpipigil ng luha ko.

Kanino ko pa ba ito mararamdaman?

Kanino pa? Edi kay...

" JB!"

''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

Author's Note:

Hello readers! This is my second story (ung first kasi.. CAN I CALL YOU MINE).

Nawa'y tangkilikin niyo rin ang storyang ito.

sa lahat ng mga naniniwala sa forever.. tiwala lang..maganda to! hahahah..

THAnK YOU READERS.

BE A FAN.

MAKE A  VOTE.

AND you can FOLLOW me too:)

MAY FOREVER! TIWALA LANG!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon