First ever one shot ko ito. Sana magustuhan niyo :) Dedicated sa bago kong idol na si Ms. Jessica Concha. First time ko rin magdedicate sa fave kong author, kaya nahihiya ako hihihi! I really admire her works... As in lahat! She inspires me alot. Ok lang kahit hindi niya ito mabasa. Basta nakadedicate sa kanya ito. Hehehehe! Enjoy reading <3
WILL YOU BE MINE?
[May 1, 2013]
***
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa oras na ito. May excitement, takot, at kaba. Excitement dahil first time kong gagawin ito. Takot? Dahil baka i-reject niya ako. At kaba, dahil… dahil.. ewan ko! Basta, kinakabahan ako! Period. >.<
Malapit na ako sa kinatatayuan niya. Kitang-kita ko mula rito na nakapatong ang isang paa niya sa bench habang nagsisintas siya ng sapatos niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tingin ko ay nakita niya ang sapatos ko kaya siya nag-angat ng tingin.
Napalunok ako to ease my nervousness. Sheez! Hindi ko yata kaya! (/,\)
“Lie, bat ka nandito? Huwag mong sabihin nagcutting ka?” Sabi niya na bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hinigpitan ko lang ang hawak ko sa I.D. holder ko at pilit na tinignan siya ng diretso sa mga mata niya.
I took out a deep breath and said,
“Will you be mine?”
Ano kaya ang isasagot niya?
***
“Kyaaaaaaaaaahhhhhh! Ang gwapo niya ngayon, Nathalie!” Sabi ni Coleen habang niyuyogyog ang braso ko. Iba talaga siya kung kiligin =_____=
“Sino?”
She showed me her smile and said, “Yung crush ko.” ^////////^
Siya si Coleen Ventura, bestfriend ko simula pa nung first year highschool kami hanggang ngayon na fourth year na kami.
Pinagtaasan ko lang siya ng kilay sabay fold ng arms ko, “Ano ba yan! Ilang taon na tayong magkaibigan pero sinisikreto mo pa rin kung sino ang crush mo.” >.>
Nag-pout lang siya, “Ayoko eh… Baka kasi agawin mo!” Tapos ngumiti siya ng nakakaloko sa akin, “Joke lang! I love you, mars!” Sabay yakap niya sa akin. Tinulak ko naman siya ng pabiro.
“De ganyanan na eh…” Kumagat muna ako sa sandwich ko. Recess kasi namin ngayon. “Alam mo, nakakailang boyfriend na ako at pinapakilala ko pa sayo. Samantalang ikaw, crush lang, tinatago mo pa sa akin?”
Drama lang, baka umubra ;)
Oh well, ako si Princess Nathalie Salvador na nakakaapat na boyfriend na. Ahihihi :””>
“Oh sige na nga! Sasabihin ko na. Basta, ‘wag mo ipagkakalat ha?” Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Then, nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. “Si----“