[Entry #6] Dear Diary

44.7K 1.3K 109
                                    

Published: January 2, 2015

TITLE: Dear Diary

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

July 22, 20**

Dear diary,

Nagkita na ulit kami. Yes, ang first love ko. Alam ko namang dun siya nag-aaral sa E.H.U. Kaya nga iniwasan ko siya noong araw na nakabangga ko siya. Haaayy! Diary, diba kakagaling ko lang sa break-up? Shucks, bakit iba na yata ang gumugulo sa isip ko ngayon?

Naalala mo pa ba yung nangyari sa amin dati? Sus, siya nga ang bukambibig ko lagi sayo. Sigurado akong kilalang-kilala mo siya. First year highschool nang magsimula kaming magkaklase. Star section kami noon. Siya agad yung una kong napansin. Ang hyper niya kasi tuwing Biology class namin. Hindi ko rin makalimutan kapag nagdedebate kami sa English. Napahanga niya talaga ako dahil hindi siya nauubusan ng ideas.

Second year nang maging close kami. Sumali siya sa Music club. Patago akong nanunuod tuwing nagpapractice siya sa music room. Ang ganda ng boses niya. Since then, mas lalo akong nagkacrush sa kanya.

Yes, crush ko na siya noon. First time kong magkacrush. Hindi talaga ako makatulog kakaisip sa kanya. Kung minsan pa ay ninanakawan ko siya ng tingin kapag 'di siya nakatingin. Yun nga lang, may girlfriend siya that time.

Naalala mo rin ba noong kalagitnaan ng second year highschool? Shucks, kinantahan niya ako noong birthday ko. Loner daw kasi ako. Gusto niya akong mapangiti. Ghaaaaaaad, yung puso ko parang nagjajumping rope sa loob ko. Sinabayan ko pa nga siya noon na sana ay di ko nalang ginawa dahil nirecommend niya ako sa president ng Music club. Ayan tuloy, tuwing MWF na tayong magkasama kapag may meeting tayo. Madalas na tuloy akong kiligin dahil napapadalas tayong magkasama.

Third year noong inaway ako ng girlfriend niya. Binully ako ng friends niya pero di ko sinabi sa kanya yun. Nilayuan ko siya, pero siya naman 'tong dikit ng dikit sa akin. Alam mo ba, lagi niya akong pinipili bilang partner sa mga activities at reports. Mas lalo tuloy akong humahanga sa kanya dahil nalaman kong marunong pala siyang magmotorbike. Wala e. Dagdag pogi-points. Inangkas pa nga niya ako noon hanggang bayan. Ang sarap sa feeling noong kayakap ko siya mula sa likod.

I realized that I love him when we reached the last year in highschool. Nagkakalabuan na sila noon ng girlfriend niya at alam ko kung bakit. Hindi naman kasi talaga niya yun gusto. Pinakiusapan lang daw siya ng boyfriend ng kapatid niya na ligawan iyon. Napilitan lang siya. Masasabi kong may mutual understanding na tayo sa isa't-isa noong panahong iyon. Hinahatid-sundo mo na ako gamit ang motorbike mo at pinagluluto naman kita ng pagkain. Dumating pa nga yung time na sinabihan niya akong crush niya raw ako. Syempre, kinilig naman ang lola mo pero 'di ko pinahalata. In denial ako. Since then, naging sweet ka pa lalo sa akin. Pakiramdam ko, may gusto na na talaga siya sa akin. One day, I heard he broke up with his girlfriend. Sobrang saya ko noong araw na 'yon. Pinagluto ko pa nga siya ng Spaghetti that time for celebration (well, celebration for myself lang yun). Nagplano kami kung anong course ang kukunin namin. Tandang-tanda ko pa nang sabihin niyang gusto niyang pumasok sa Conservatory of Music. Natawa pa ako noon sa pangarap niyang kurso kaya nainis siya sa akin. Sabi niya bagay daw sa akin ang kursong HRM dahil masarap akong magluto. Sabi niya, mag-e-HRM daw siya kapag nag-HRM ako. Gusto niyang maging chef kami parehas. Yun ang deal namin sa isa't-isa.

Pero look, BS-Tourism ang course ko ngayon. Hindi na kasi natuloy ang deal namin, obviously. Yung araw na aaminin ko sanang gusto ko siya ay siyang araw nang magtangkang maglaslas ang ex-girlfriend niya. Gusto nitong balikan siya kaya napilitan siyang gawin yon. That was also the day when I told myself to get rid off him bago pa ako mahulog sa kanya ng mas malalim. Ayokong malunod sa nararamdaman ko dahil sabi ni Mommy ay nakakabaliw daw iyon. Masakit. Yun ang unang beses na nabrokenhearted ako.

He was my first love who was never recognized. At tignan mo nga naman ang pagkakataon, iisang university pa ang pinapasukan namin.  Whatever life may bring in our way, I'll deal with it.

Siguro, ituturing ko nalang iyong alaala mula sa nakaraan. Wala na rin naman akong nararamdaman para sa kanya ngayon. Kung meron man, iyon ay kasiyahan, dahil hindi niya pa rin ako kinalimutan kahit tatlong taon na ang nakalipas.

Prince Nathaniel Salvador, ikaw ang unang lalaking nagparanas sa akin na mainlove at masaktan. At least, worth it naman. Mabuti ka namang lalaki e. Yun nga lang, medyo pinaasa mo ako. Hahaha! Osya, mahaba na itong naitype ko, diary. Kukwentuhan nalang kita sa susunod na araw kung anong kaganapan sa bago kong school. Don't worry, ayos naman ako. Nakalayo na ba naman ako sa ex-boyfriend kong manloloko eh.

'Till my next entry...


Sincerely yours,

Chelsea Yuan



PS: Nakakatuwa. HRM ang course niya, at nakukyutan ako sa bestfriend niya. Bagay sila. Naaalala ko ang dating sarili ko sa kanya. 'Wag naman sana niyang paasahin. Haha!







A/N: Wala lang. Gusto ko lang i-share yung past nina Chelsea at Nathan. Hahaha! Abangan niyo po ngayong January ang story ni Chelsea entitled: That Beat Of Love!  In fairness, isang one shot lang pala ang naisulat ko noong 2014. :)))

Compilation Of My One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon