[Entry #3] Crush Kita... Bye!

76.5K 2K 385
                                    

A/N: Dedicated to Miss Forbidden kasi idol ko siya sa paggawa ng one shot stories. <33

Huwag sana kayo madismaya kung hindi one shot story ito ng kambal at ng macapuno girls. Tuyot utak ko mga ateng and koyang eh XDD Sana magustuhan niyo ang story ng Ate ni Kaye Anne na sina Emerald at ang kanyang bupren na si Sean <3

 

 

[Entry #3] Crush Kita… Bye!

“A crush may fade off within a short time. But whenever you think about or see that person, even after ages, you’ll find those butterflies returning to your stomach. That’s the impact a crush has.” ~ UNKNOWN

***

“Waaaah! Ayoko sabi eh! Huwag nga kayong manunulak---- Aray naman!” >_<

Pilit pa rin akong tinutulak ni Ivy at Ynna papunta sa backstage. Kakatapos lang ng aming Highschool Graduation day kaya naman busy ang lahat sa picture taking. Yung iba naman ay mga nagdadrama pa. Ibahin niyo naman kami ng mga bestfriends ko. Imbes na makisali kami sa mga picture taking ng mga kabatchmates namin eh eto sila, pinagtutulakan ako.

“ARGH! I said I don’t want to do it.” Nagstruggle ako sa paghawak nila sa magkabilang braso ko. “Kung gusto niyo, edi kayo nalang!”

Magwawalk out na sana ako kaso pinigilan ako ni Ynna sa braso. Pinandilatan niya ako ng kanyang singkit na mata. “Emerald, madaya ka naman eh! Bakit naman nung sinabihan mo akong magtapat sa crush ko, kahit alam kong may girlfriend siya, eh go ako! Ang daya mooooo!” ~_~

Humarap naman sa akin si Ivy at pinameywangan ako. “At diba pumayag ka na dito? Last week pa! Bakit ngayon nagbaback out ka?”

I sighed helplessly. Hinawi ko ang nakaharang na bangs sa mata ko. “Nakakahiya kaya!! Kinakabahan ako oh!” Sabi ko na medyo nagpapapadyak pa.

Kung nagtataka kayo kung anong pinapagawa sa akin ng dalawang bruhildang bestfriends ko, well, gusto lang naman nilang ipagtapat ko na sa 4-year crush/rival ko sa rank ang aking hidden desires sa kanya. Huhuhu T____T Hirap kaya! Babae ako uy… Dapat lalaki gumagawa nun eh >______>

Hinampas ako ni Ivy sa braso. “Aray naman!”

“Huwag kang mahiya, girl! First and last confession mo naman ito eh. Remember, hindi na natin siya magiging kaklase next school year kasi magkakahiwa-hiwalay na tayo sa college. So, ano na?!”

“Ayaw…” Umiling-iling ako kaso nasapok na naman ako ni Ynna. “AWWW!” T___T

“G@g@! Bahala ka, pag hindi mo ‘to ginawa, hindi kami magtetake up ng BSBA major in chuchu. Magiging loner ka. HA!” Pananakot niya.

Napatutop ako sa noo ko sabay hingang malalim. Yung pinakamalalim na hinga. “Fine…” -.-

“Yes!” ^______________^/

Pinagtulakan na ulit nila akong dalawa papunta sa backstage. Ang kaso, yung paa ko parang na-glue sa sahig nang maramdaman kong palapit na kami ng palapit sa hagdan.

*cross fingers*

Kaya mo yan, Emerald Alonzo! Aja! Fight kung fight… Hindi na rin naman siguro kami magkikita ulit pagkatapos nito. Since sa Marymount University ako mag-aaral at balita ko ay sa E.H.U si Sean papasok ng college. Hoo! FIGHTING! -u-/

Compilation Of My One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon