Published: May 12, 2015
TITLE: Childhood Crush
———————————————————————————
I am Jenny Cruz. Probinsyana, bungangera, daldera, taklesa, siga. Iyon ang bansag nila sa akin. Ewan ko ba. Ganon din kasi ang nanay ko. Kumbaga, nag-stereotype nalang ang mga tao na mana ako sa kanya.
Hindi ako mayaman. Average girl lang ako. Sa katunayan, nagtatrabaho bilang bodyguard ng city councilor ang tatay ko. Si nanay naman ay isang butihing housewife. May sari-sari store din naman kami kaya keri lang ang buhay.
Sa ngayon, nag-aaral ako ng College. Pinag-aaral ako ng Tito ko na City Councilor ng probinsya namin. May utak naman ako kaya worth it lang daw na pagkagastusan ako. Nuxx!
Third year college na ako at nag-aaral ako sa East High University sa kursong Civil Engineering. Alam kong limang taon kong gugugulin ang utak at panahon ko rito pero ayos na rin. Hayahay na rin naman ang buhay kapag nakatapos ako. Matatawag akong Engineer Jenny, iyon ay kung makakapasa ako sa licensure exam.
Ngayong araw na ito, maagang dinismiss ng prof ang klase namin. Nag-iwan lang siya ng assignment at saka kami pinauwi. Supposedly, 4PM pa ang uwian namin pero dahil sa nangyari, mukhang alas-dos pa lang ay makakauwi na ako.
Nasa jeep na ako no'n nang tumunog yung phone ko. Nabigla ako nang makitang si Nanay yung tumatawag.
"Hello, Nay?"
"Jenny, may klase ka pa ba?"
"Wala na po. Bakit?"
"Dumaan ka sa Megamall. Nandito ako."
Napasinghap ako. As in, nasa Maynila sa Mama ngayon. Aba't bumaba ata ng bundok ang nanay ko? Biro lang. Taga Sitio Maligaya kami. Medyo sibilisado na rin naman ang lugar na iyon.
"Sige po. Anong ginagawa mo dyan, Ma?"
"Makikipagkita ako sa kumare ko. Galing kasi siyang Canada. Pauwi na siya sa isang araw kaya nagrequest na magkita kami. Kilala mo 'yon. Nanay yun ng kaklase mo nung elementary ka pa."
Nag-brainstorm ako kung sinong kaklase ko noong elementary ang nag-abroad ang nanay. Putek, ang dami. Sa sobrang dami wala akong maalala.
"Sino po ba?"
"Si Kumareng Carmen. Isasama niya ang anak niya kaya dapat nandito ka rin."
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa jeep. Sakto pa kasing prumeno at muntik na akong masubsob. Waah! Seryoso? Si Tita Carmen? Edi malamang si Yohan yung sinasabi niyang kasama ni Tita Carmen. Siya lang naman ang anak nito eh.
Oh my ghad! Yohan? As in, Yohan Alcantara? Yung consistent top 1 ng klase namin? Yung Mr. Congeniality ng batch namin? Yung... Yung... hearthrob ng paaralan namin dahil nga isa siyang malaking turn on. Matalino, mayaman, brainiac, mabait, funny. Nese kenye ne eng lehet ika nga ni Daniel P. sa kanta niya.
"Seryoso, Nay? Sige po, on the way na po ako."
"Ingat, Jenny."
Hindi ko mapigilan ang hindi maexcite. Kahit nasa jeep pa lang ako, automatikong napapa-daydream ako ng wala sa oras. My ghad! Si Yohan yun e! Ang childhood crush ko. Nah, hindi pala. Ka-MU ko yun dati. Oo na, maharaught na kung maharaught. Siya ang nagpaintindi sa akin kung anong meaning ng crush.
Grade 3 ako nung mga panahong pinaintindi niya sa akin ang kahulugan no'n. Walang taong gulang pa lang ako noon. Magka-service kami. Naalala kong tricycle pa ang sundo namin. Parehas lang kami ng tinitirhang Sitio kaya magkaparehas din kami ng sundo.