[Entry #8:] This One's A Revelation

42.8K 1.2K 160
                                    

PUBLISHED: May 5, 2016

TITLE: This One's a Revelation

Characters From Warning: Bawal Ma-fall


This One's a Revelation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This One's a Revelation

Umalingawngaw ang malakas na palakpak ng aming choreographer sa pagtatapos ng pagsasayaw namin ni Paris. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti sa isa't-isa— a satisfied smile. Kahit nakakapagod ang mga rehearsals everyday ay hindi ko iniinda 'yon dahil ito talaga ang passion ko.

Kilala ako sa E.H.U bilang Dance Princess. Yung tipong maririnig palang ang pangalan ko na 'Reishel Quintos' ay automatikong President ng dance troupe ang papasok sa mga utak ng bawat estudyante. I've been dancing almost all my life. Sabi ni Mama sa akin, hindi pa raw ako tuwid tumayo ay hilig ko na ang sumayaw tuwing nakakarinig ng musika.

"Reishel!" Kumaway sa akin si Paris, para bang pinapalapit ako sa kanya. He's my dance partner, by the way. Halos isang buwan palang kaming magkaibigan pero nakagaanan ko na siya ng loob. Bukod kasi sa mabait siya ay isa rin siyang pusong babae— which I doubt dahil kung minsan, nakikitaan ko siya ng kanyang manly side.

Lumapit ako sa kanya at kinuha na rin ang back pack ko. "Bakit?" tanong ko.

Pasimple siyang ngumuso sa bandang itaas ng auditorium. As usual, nakita ko na naman ang pamilyar na pigurang nakatayo sa pinto. Nandito na naman pala si Tyrone.

"Ang lakas talaga ng tama ng exlalu mo," maarteng sabi ni France sa akin saka tumawa.

Umiling nalang ako sa sarili. The guy he's talking about is Tyrone John Saavedra, my ex-boyfriend. Dalawang buwan na kaming break at dalawang buwan na rin siyang bumubuntot sa akin para makipagbalikan.

"Paris, favor please?"

"Ano 'yon?"

"Baka pwedeng sabay na tayong lumabas. Lalapitan na naman kasi ako ni Tyrone panigurado. Ayoko na siyang harapin."

Medyo alanganin siyang tumango. Nagtext muna siya saglit at saka ako niyaya nang lumabas.

Sa ibang exit kami lumabas. As much as possible, ayoko nang makaharap si Tyrone. Hindi ko siya maintindihan. Lapit pa rin siya ng lapit sa akin kahit na anong gawin kong pagtataboy. I even got myself a boyfriend na para sa ganun ay maisipan niyang magising sa katotohanang wala na kami pero hindi siya natinag. Sa araw araw na rehearsals namin ay palagi niya akong pinapanuod. Lagi siyang naghihintay sa akin para makausap ako.

Mabibilis ang lakad namin palabas ng auditorium. Si Paris naman ay panay ang text.

"Thank you, Paris. I owe you one," sabay ngiti ko. "Sige na, pwede mo na akong iwan."

"Hmm." Binulsa muna niya ang phone niya at humarap sa akin ng nakasimangot. "Nakauwi na pala yung Chararat na 'yon."

Chararat? Must be his bestfriend. I don't know. Ang alam ko, sobrang close nila. Yun din ang reason kung ba't nag-aalangan ako sa identity niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilation Of My One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon