Yeee!! Heto na ang first story ng "MY LOVE"
Compilations ito ng mga one shot stories/very short stories ko, okakakaaay?
Abangan niyo sana ang idadagdag ko pa. :))))
Enjoy reading!!
________________
Story #1: SOUL MATES
"Charlene!! Sorry ha. Ngayon ko lang nalaman na hindi ka pala makaka-proceed sa engineering."
Ha? Makaka-2nd year naman ako ah.
"Ano ba yang pinagsasabi mo?!" Sabi ko.
"Sorry talaga. Okay lang yan. So ano na? Anong course na yung kukunin mo?"
Naguguluhan na talaga ako.
"Ahh, ahh. Magnu-nursing nalang ako. Oo! Nursing!!" Ewan bakit yun yung sinabi ko.
"Hala! Sige sige. Maganda dun kasi by height yung blocking. Naku! Magiging classmate mo si Bryan Chiu!!"
By height? may ganun bah? Bryan? Sino naman yan?
"Sino naman yan si Bryan?"
"Helllloooo! Siya lang naman ang pinakagwapong lalake sa balat ng lupa."
"Loka loka ka talaga, Claudine! Umalis ka nga dito!"
"Umalis pala ha? Hmmm!!" Binatukan niya ako dahilan na ma-out of balance ako at mahulog sa napakalalim na bangin.
"CHARLEEEEEENE!!!" Iniabot niya yung kamay niya.
Hindi ko naabot kaya patuloy ang pagkakahulog ko.
"CLAUDIIIIIIINE!!!"
"Waaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!" Napatayo ako bigla sa kama ko.
Putchang!! Panaginip lang pala.
Wait. Sino si Bryan Chiu? Wala akong kakilala na Bryan Chui. San galing yun?
Kinuha ko yung cellphone ko at si-nave yung pangalang Bryan Chiu. Hehe. Mai-search nga ito sa facebook mamaya.
Ako pala si Charlene. 19 years old. Engineering student at masaya sa piling ng pogi kong boyfriend na si Mackie.
"Ma! Alis na ako."
"Sige, anak. Umuwi ka agad ha."
"Hindi ako sure ma eh. Baka mag-dedate pa kami ni Mac."
"Sige, ingat nalang kayo."
Umalis na ako sa bahay.
Masaya akong pumasok sa school kasi magkikita na naman kami ng mahal kong si Mac. Hello? Mag-iisang taon na kaya kami at happy kami sa isa't-isa.
Engineering rin siya pero hindi kami blockmate. Huhu. :'(
To: Mackie babes <--- eww ba? Eh, yan yung tawagan namin eh.
Mac, dito na ako skul. San ka na?
Umupo lang ako sa benches. Mamaya pa naman yung klase ko eh.
Tumingin ako sa gilid na bench. May magkasintahan ata na nagku-kwentuhan.
"Hahalikan kita pag tayo na, okay?" sabi nung babae.
"Sagutin mo na kasi ako." Sabi naman nung poging lalake. Yan ata ang campus heartthrob dito eh.
Oo, ako na ang tsismosa. Makikinig pa sana ako ng tumunog yung phone ko.
From: Mackie babes
Sorry babes. Di ako makapunta.
BINABASA MO ANG
One-shot STORIES [compilation]
Random♥ Compilation of random love stories that I made out of boredom ♥ happy reading!! :)