Dedicated sa kanya kasi ang ganda ng works niya!! Laptrip lang eh! Oh? Aarte pa?
Enjoy reading!!
______________
Wattpad is the world's largest community for discovering and sharing stories.
Yan ang WATTPAD.
Karamihan ng author sa wattpad, mga babae. Mga 20% lang siguro ang lalakeng authors. (ESTIMATE KO LANG YAN XD)
Tayo kasi, hindi natin alam kung saan natin ibabaling ang sakit, kilig, at stress kaya ang nangyayare, nakakabuo tayo ng storya galing sa nararamdaman natin.
Ang mga lalake kasi, pag naii-stress, DOTA, okay na!! Makapag-basketball lang, okay na!!
Eh tayo?
Kung nasasaktan, ang ginagawang storya ay puro ka emohan.
Kung masaya, storyang walang problema ang nabubuo.
Gumawa ako ng account dito dahil gusto ko rin ipamahagi ang mga nagawa kong storya dahil napaka-boooring ng summer ko. Mga stories lang from daydreaming at mga bagay-bagay na gusto ko rin mangyari sa buhay ko.
Hindi ako naka-take ng summer class kasi lilipat na ako sa bago kong school kaya, boom! Andito ako sa harap ng iPad at nag "wa-wattpadding."
Click dito. Click doon. Basa dito. Basa doon.
Yan ang daily routine ko.
Ganito nga siguro yung ginagawa ng mga babaeng walang lovelife. Ako kasi yung tipo ng taong hindi lumalabas sa bahay. Homebound kumbaga.
So, heto na naman ako ngayon, nagbabasa ng gawa ni ate *toot*. Censored talaga. Hahaha. Takot akech eeeh.
Yung binabasa ko, hindi story kundi mga ka-ek ekan ni author. Nakakatuwa lang. Gumawa kasi siya ng mga sulat para sa mga kaibigan niya. Grabe! Nakakawala ng BV yung ginawa niya. Hindi ka kasali pero parang pati ikaw, masisiyahan.
*basa basa basa basa*
"Tutal ikaw lang naman ang lalaki sa bespren"
yun yung phrase na nabasa ko at na-curious ako bigla. Lalake. Lalake. Hindi talaga common ang author na lalake. Pero yung pagkaka-describe sa kanya, parang babae. Ewan!!
May kilala akong isa, si smartbuddy. Yun! Siya lang!!
Pumunta ako sa page o wall o kung ano ba ang tawag ninyo diyan dun kay author na lalake.
May iba kasing wattpad user NA LALAKE na hindi naman talaga writer at puro pa-pogi lang yung ginagawa dito. Gusto lang nila magkaroon ng maraming followers at hindi readers. Hindi nga nagsusulat eh!!
Pagtingin ko sa wall ni lalake, naku, ang gwapo naman ng author nato!! Na crush at first sight ata ako eh. Basta! Kamukha niya si Abra!! Itago natin siya sa screen name na "SI JUDY ANN NA MAY SAKIT."
Kayo na bahala mag-isip kung sino siya.
Tinignan ko yung works niya. Aba!! Mga erotic chuvanes inspired yung stories niya.
Suki ata sa panonood ng porn. Joks lang!!
Dahil may fb icon sa wall niya, pumunta ako sa fb profile niya.
Emhegeeeeerd!! Ang gwapo niya talaga.
Okay. Kalma lang.
Dahil ang gwapo niya talaga, in-add ko siya.
1 minute later.
*bling*
"SI JUDY ANN NA MAY SAKIT accepted your request"
Haaaaaaaanepppp!! Napasinghap talaga ako sa excitement.
Buti in-accept niya ako agad. Nagandahan ata sa prof pic ko. <--- yan ang tinatawag na extreme pagbubuhat ng bangko XD
Heehee. Let the stalking begin!
May picture pa siya ng abs niya. Aruy! Napapasabi tuloy ako ng emegerd XD
Ilang araw ako nang-stalk sa wall niya.
Oo, ako na ang creepy!
Hanggang isang araw may status siya na....
(Hindi exactly ito ha? May pagka lang. Ire-rephrase ko nalang kasi nalimutan ko na talaga.)
"Wow! In-add ako ni chuchu!"
=_____="
Nanlumo ako.
Nawalan ng pag-asa.
Nag-tubig yung mga mata ko.
Nanlambot ang mga paa ko.
OA NA. Okay, tama na.
Alam niyo kung bakit?
Okay lang sana kung yun lang yung status niya.
Eh ganto kasi yung status eh...
"Wow! In-add ako ni chuchu! Nakakakilig! - with *insert ng pangalan ng isang poging lalake*"
ANYARE??!!
Di kaya?
KYAAAAAAHHH!!
>o<
--The End--
______________
Hindi talaga siya story. PEACE!!
True to life story ko toh, huy!
I-comfort niyo naman ako T____T
minsan na nga lang ako magka-crush ee, sa maling tao pa!!
Sana picture nalang siya. Aaargh! Ang saket talaga!!
I wanna crrryyy!!

BINABASA MO ANG
One-shot STORIES [compilation]
De Todo♥ Compilation of random love stories that I made out of boredom ♥ happy reading!! :)