Story #3: BESTFRIENDS ♥

106 3 2
                                    

Dedicated sa kanya kasi in-add niya toh sa RL niya. Hahaha!! Ambabaw ko XD

Enjoy reading!!

__________

Story #3: Bestfriends

"Bestiieeee! Patulong naman dito oh!" Sigaw ko kay Matthew na nakaupo dun sa bench ng mall.

Lumapit naman siya agad.

"Ikaw talaga, Junilah. Ang gaan lang nito eh." Kinuha niya yung plastic bag sa kamay ko. Nag-grocery kasi ako para may stock ako sa condo.

Ako lang isa tumitira dun sa condo ko. Yung parents ko kasi, andun sa Japan. Mga factory worker.

Ito si Matthew, bestfriend ko na siya mula nung nasa sinapupunan pa ako ni mama. Grabe diba? Same ang birthday namin tapos may picture pa kami nung nasa hospital na magkahawak yung mga kamay namin. Wala pa kaming malay sa mundo nun pero parang nakatadhana na talaga ang pagkakaibigan namin sa isa't-isa.

Pero ayaw ko na ganto nalang kami habang buhay!! Gusto ko, maging more than bestfriends pa kami!! Oo, in love ako kay Matthew, MATAGAL NA.

"Huy! Tutunganga ka nalang ba diyan?" Pinitk niya yung noo ko.

"Ay, tae!" Nagulat ako. Nawala kasi ako sa sarili. Ang lalim na kasi ng iniisip ko. Aaissh!!

"Hahaha! Halika na nga! Umuwi na tayo!" Inakbayan niya ako. Hoy! Walang malisya para sa kanya toh! Sakin lang!! Ahahaha!

Pumunta na kami sa sasakyan niya.

Si Matthew, marami nang naging girlfriend. As in hindi na kaya bilangin sa dalawang kamay. Wala kasing nagtatagal sa kanya.

Andito na kami sa loob ng condo ko. Hindi kami iisa ng condo ha! Nasa tapat lang yung unit niya.

"May manliligaw ka na naman ngayon noh?" Sabi niya habang inaayos yung mga nabili ko sa cupboard.

Ganyan siya. Siya yung taga-arrange, kaya lab na lab ko toh eeh.

"Wala noh! Hindi ko siya pinayagan!" Ikaw lang naman yung hinihintay ko eh sabi ko sa isip ko.

Tinabihan niya ako sa sofa.

"Buti naman. Wag ka magpaligaw ha?"

"Che! Ako, bawal mag-boyfriend pero ikaw! Sandamakmak yung mga gf mo!"

Inilapit niya ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. Eeeeek!! Alaykdis!!

"Sus!! Lalake naman ako! Walang mawawala sakin! Eh, ikaw! Baka masapak ko lang yung boypren mo pag may nagawang hindi ka aya-aya sayo!"

"Talaga?" Niyakap ko rin siya pabalik.

"Hmm, a-ahh, sige na, jun. alis nako." Kumalas siya sa pagkakayakap ko! Hmf!!

"Tsk, Matt naman eeh!!"

Pumunta na siya sa pinto. Hinatid ko siya.

"Sige, jun! Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako, okay?" Nag thumbs-up siya.

"Okay, bye!" Ngiting sabi ko sa kanya.

"Sige." Lumakad na siya papalabas.

Tinignan ko lang siya habang lumalakad papunta sa condo unit niya.

"Mahal kita, Matt." Napahawak ako sa bibig ko. Putcha!

>o<

Tumigil siya sa paglakad. Syeeeet! Narinig niya ata! Lumingon siya sakin.

"Jun? Hindi ako makakasabay sayo sa pag-uwi bukas ha?"

"Huh? Bakit?" Huhuhu!! Agony!!

"Basta! Wag mo ng itanong."

One-shot STORIES [compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon