Enjoy reading!! :)
_________________
Story #2: Secretly In Love
"GUYS!! Andito na si Wendy nerdy!"
Pagsigaw nung babae, sinimulan na akong tapunan ng mga papel at kung ano-anong mga bagay ng mga students sa hallway.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Matagal na akong ginaganto sa school ko.
Oo, nerd ako. Naka-glasses, naka-ponytail palage ang buhok, tsaka ang laki ng bag ko kasi dinadala ko palagi lahat ng libro ko..
Matalino, pero zero sa kaibigan. Kahit isa, wala.
Number 1 sa buong 4th year. Number ewan sa popularity.
Uhmm, popular pala ako, sa pagiging nerd.
Umupo na ako sa assigned seat ko.
Pagtingin ko sa right side ko, wala pa si Jessie, ang captain sa basketball team.
Ang captain ng puso ko. Unfortunately, wala ako sa radar niya. Siya pa nga ang nangunguna sa pambu-bully sakin eh.
Masakit pero kahit ganun siya, ewan, mahal na mahal ko siya. Matalino ako pero bobo ang puso ko. Tsk!
"Ooy! Andito na pala si Wendy!"
Tumalon yung puso ko dahil sa nagsalita. Si Jessie!
Umupo siya sa tabi ko. Ortiz ang last name niya, ako naman, Ordiz. Meant to be diba? Sana nga.
"Huy, Wendy. Pwede bang wag kang tumingin sakin? Nakakawalang-gana ka eh."
Yumuko nalang ako. Masakit pero parang musika yung boses niya eh.
"Sorry." Yun yung sagot ko sa kanya.
Kalaunan, dumating na ang ibang kaklase ko.
"Jes, dito ko nalang umupo! Baka mahawa ka sa pagiging-nerd niyan!" Sigaw ng babae.
Sumagot naman si Jessie.
"Mabuti nga yun! Mabibiyayaan ako sa katalinuhan nito."
Umakbay siya sa upuan ko.
Sumagot naman yung flirty girl.
"Seryoso ka, Jes?"
"Hahaha! Hindi noh! Mas okay natong pagiging gwapo at sikat ko, wag lang magaya dito."
Kinuha niya yung kamay niya sa upuan ko at umupo siya ng maayos.
Hindi ko napigilan ang luha ko at tumulo sila ng kusa. Tsk! Bakit ngayon pa! Matagal ka ng ginaganyan, Wendy! Wag muna ngayon!
"Huy!" Nagulat ako nung lumapit ang mukha ni Jessie sakin. Bumubulong siya.
"Huy! Wendy!"
"Wag kang umiyak! Nakokonsensya ako." Dagdag pa niya.
Dahil sa sinabi niya, napaiyak ako lalo.
"Oh." May hinagis siya sa arm chair ko.
Pagtingin ko, isang panyo.
"Gamitin mo muna."
Kinuha ko ito at pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi ko. Ang bango naman nito.
"Labhan mo yan bago mo ibalik sakin ah."
Tumango lang ako pero sa kaloob-looban ko. Nakangiti ako habang pinupunasan ang mga luha ko. Hindi pala talaga siya 100% evil.
Natapos ang araw na hindi na ulit ako inimikan ni Jessie.
Wala nang bago, sanay na ako sa katahimikan niya pagdating sa akin.

BINABASA MO ANG
One-shot STORIES [compilation]
Random♥ Compilation of random love stories that I made out of boredom ♥ happy reading!! :)