Story #4: TWINKLE LITTLE STAR ♥

108 3 6
                                    

Dedicated sa kanya dahil forté niya yung paggawa ng ganto. Hahahaha!! Read her class 3C has a secret!!

Enjoy!!

_________

Story #4: TWINKLE LITTLE STAR

"Masarap ba?" Sabi ni Jemson.

"Hmmm! Ang sarap. Sige pa!!"

Napapa-ungol ako sa sarap.

"Ikaw talaga, Juliene! Uhmm!!"

"Grabeee, ang sarap!! Ahhh. Sige pa!! Nakakabitin eh. Hmmm!!"

Ang sarap talaga sa pakiramdam yung ginagawa niya ngayon sakin.

"Baka maging baboy ka na ui!!"

Tinigilan niya na ang paglagay ng pagkain sa plato ko.

Dinala niya ako sa isang resto na may specialty ng seafood curry at grabe, ang sarap-sarap talaga!! Paborito ko kasi toh eh.

Pero sutil rin tong syota ko eh, paisa-isa yung paglagay ng seafood sa plato ko kay nabibitin ako!

"Ang KJ mo talaga!! Eveeeerrrr!!"

Ilang linggo na niya kasi akong pinapa-dyeta kasi tumataba daw ako at ngayon daw, free day ko at pwede akong kumain ng kahit ano.

"Buti bumalik na yung dating katawan mo." Sabi niya.

"Che, arte mo kasi. Alam mo ba na ang hirap magpapayat!?"

"Syempre. Hahaha! Gusto ko lang na maganda at fit yung girlfriend ko. Para sayo rin naman yung pianapagawa ko eh."

Tama nga siya. Buti naagapan kundi magiging baboy talaga ako.

Tumayo siya sa kinauupuan niya.

"En, halika na. Umuwi na tayo." Kinuha niya yung kamay ko.

Pumunta kami sa sasakyan niya.

Nagsimula na siyang magmaneho.

"Jems, saan tayo pupunta?"

Iba kasi yung tinatahak naming daan eh.

"Ahh, basta. Secret." Saka siya ngumiti ng pilyo.

"Eeeeh, sabihin mo na!!"

"I'm gonna bring you to heaven." At nag-wink siya.

"Ikaw! Ang manyak mo!!"

Ginulo-gulo ko yung kamay niya.

"Huy, wag. Mababangga tayo!!" Pero hindi ako nagpatinag at kiniliti ko siya.

"Hahaha, wag hahaha nakikiliti ako!! Hahahaha!!"

Tawa siya ng tawa habang kinikiliti ko siya.

Pero napatigil ako nung nakita ko na may patawid sa daan.

"Jeeeems!!! MAY BATA!! MABABANGGA!!!"

*beeeeeeeeeeeeeep*

Nagpa-gewang gewang yung sasakyan ni Jemson.

Nawalan siya ng control sa manibela.

*BOOOOOGSSSH!!! BLAAGAAAAG!!!*

-----------------

"Juliene? Juliene? gumising ka!" Nagising ako sa pagtapik ni Jemson sa mga balikat ko.

"Ang sakit ng ulo ko, Jems."

Minulat ko yung mata ko at tumambad sakin ang duguan na noo ni Jemson.

"Thank God you're alive." Niyakap niya ako ng mahigpit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-shot STORIES [compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon