Chapter 8 (Part 2) - Nang dahil kay Frank

53 1 0
                                    

AN:

Heto na ang Part 2! Salamat sa nagbabasa sa story ko kahit iilan lang kayo at konti lang maraming maraming salamat po. Haha kahit iilan lang kayo thankful parin ako kasi atleast may nagbabasa sa story ko. Maraming thank you talaga :) I'll try to make this story beautiful para po sa inyo. MEHEHE! yun lang po. Thank you again! :*

==============

Chapter 8 (Part 2)

Si Lolo. Si lolo ang pinakamamahal ko sa lahat ng mga kamag-anak ko, mas mahal ko kesa sa mga magulang ko. Yeah, I know, alam kong dapat mas angat ang pag-ibig sa mga magulang. Pero, wala na sila nung baby pa ako. Hindi ko man lang sila nakilala, hindi ko man lang sila nakita, hindi ko man lang sila nakausap, nahawakan, at higit sa lahat hindi ko man lang napakita at naparamdan sa kanila kung gaano ko sila kamahal. Hindi porket mahal na mahal ko ang lolo ko hindi ko na mahal ang mama at papa ko. No. You all don't know how much I love them, how much I wanted to show them my love. Kaya tinodo ko na ang pagpapakita sa lolo ko kung gaano ko din siya kamahal.

Now what have I done. Bukod sa na disappoint ko siya, pinalungkot ko pa. Ang sama kong apo. Siguro OA na ako sa inyo, dahil para lang sa ganoong rason naging apektado na ako. But what can I do? I so love my lolo. Maybe hindi niyo ako maiintindihan kasi hindi kayo ako. Now that he's right in front of me and saw everything, napakalaki kong tanga. Kung hindi lang talaga nagkita muli yung dating kaibigan ni lolo at pinakilala sakin yung apo niya edi sana hindi nagkaganito yung buhay ko. Hindi ako nahihirapan. Hindi nadisappoint sakin si lolo. Hindi ako magiging malungkot ng ganito. Tsk.

"Summer ano? Bakit mo ba inaaway si Zack?" tanong muli ni Lolo.

"Ah.. eh..ano kasi.." natataranta kong sabi. Hindi na ako mapakali hinahanap ko na sa sahig yung palusot na dapat kong isagot kay lolo. Will I tell him the truth? Na ayaw ko kay Zack kaya inaaway ko siya? pero magagalit siya at ba--

"Oh about that Sir. I am terribly sorry." sabi ni Zack. Napalingon naman ako sa kaniya ng di oras. Nilingon ko si lolo kung ang atensyon niya ay kay Zack. And i'm right, he's looking at him confused.

"Kasi po. Pinipressure ko kasi siya na mag madali. Eh hindi ko naman po alam na ayaw na ayaw niyang minamadali siya kaya noong pagkababa ng pagkababa niya napagalitan ako." sabi niya na nakayuko ang ulo. Tss best actor talaga, bigyan ko siya ng trophy mamaya e. Nakakainis.

Inangat naman niya ang kaniyang ulo at tinignan ako. tinaasan ko naman siya ng kilay. Before kong tignan ang lolo ko he smiled innocently and winked at me. Napahinto naman ako. Wait. What? Nilingon ko siya ulit at pinagdilatan ng mata. He just chuckled. Loko to ah.

"Really?" tanong ni Lolo sa kaniya.

"Opo" sagot ni Zack

"Eh bakit mo ba siyang minamadali?"

"Ahh eh.. Kasi po..A-ano. Nakakahiya po kasi eh" sabi ni Zack at nahihiya pa.

"Ano nga hijo. It's okay. Tell me"

"Sige po. Ano po kasi eh. Excited po kasi ako na lalabas kami ngayon para po kasing mag da-date kami eh. hehe" sabi niya. I stared at him at napapailing lang ako sa mga kasinungalingang sinasabi niya sa lolo ko. Tsk. Dakilang manlolokong sinungaling.

"Okay. Next time wag mong gagalitin ang apo ko. Kasi ayokong nakikita siyang nagagalit. Pumapangit kasi eh. Tsk3x" sabi ni lolo na natatawa pa. Lolo ko talaga lakas ng topak sa ulo. Kani-kanina lang nagagalit siya tapos ngayon tatawa-tawa pa. Haaayyy. Bipolar siguro tong lolo ko ah.

"O-ok po. Sige po alis na kami" sabi ni Zack at kinuha niya ang bag ko at naglalakad na palabas ng bahay namin.

Tinignan ko si Lolo. Nakangiti na siya. I feel so evil. Haaayy. Okay na rin to basta lang makita ko lang siyang nakangiti palagi. I owe Zack huh. Tss.

The Im-PERFECT CouplesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon