Chapter 17 - Ang Itlog

51 1 0
                                    

Chapter 17

Sa kabilang banda ng kwento naman~

Cindy's POV

Two days. Dalawang araw na noong huling nakita ko sina Kuya at Ate at ang masaklap doon, wala akong natanggap na text o tawag galing sa Kuya ko!

Kalurkey! Kahit nag-aasaran at nagkakasagutan kami, hindi pa rin maaalis sa akin na nag-aalala ako para sa kuya ko. Hindi man halata pero I cared for him. Sya na nga lang ang kaisa-isa kong kapatid e.

"Hoy. Ano niluluto mo?" untag ng isang taong ayokong makita araw-araw. Naghahanda ako para sa umagahan ko. Ako kasi nagluluto sa sarili kong breakfast kapag may oras ako at kapag hindi ako nagmamadali.

Tahimik lang ako at hinanda na ang cooking pan, nilagyan ng konting oil at pinainit na. Hindi pa rin sya umaalis sa tabi ko at pinagmamasdan lang ang ginagawa ko.

Noong mainit na ang oil sa pan, kumuha ako ng isang itlog sa ref namin and I started to crack it. Pero imbes sunny side up na itlog ang lulutuin ko naging "wasak" sunny side up ito. Yung yellow ng itlog T^T nawasak! Hindi na sya bilog! Tsk. Bakit ba hindi ko ma-perfect ang pagluto nito?

"Ano ba yan. Ultimo pagluto lang ng itlog hindi pa alam" I heard him smirked. Kainis! E ano naman ngayon kung hindi ako marunong magluto. Ako naman ang kakain a, hindi naman sya.

"Wag mong problemahin ang problema ko, kasi hindi ka pinoproblema ng problema ko. Kuha mo?" Tinapat ko pa sa mukha nya ang tinidor na hawak ko. Kahit hindi ko alam kung bakit may hawak akong tinidor.

Tinuloy ko ang pagluluto ko ng naramdaman kong hindi pa rin sya umaalis.

"Ano ba? Ako ba'y iniinis mo? Effective e"

"Wow kung sa presensya ko pa lang naiinis ka na, pano na lang kaya kung asarin kita" sabi nya at nag walk out. I stomped my feet dahil sa inis.

"Bantayan mo iyang niluluto mo, baka masunog. Hindi ka pa naman marunong mag luto" pahabol nya sakin.

Nauubos na ang pasensya ko sayo. Isusumbong talaga kita sa kuya ko kapag nakauwi na sya!

Humanda ka talaga, Kevin! Rawr!

--

Natapos ko nang kainin ang agahan ko at iniisip kung ano ang gagawin ko ngayong araw na 'to. Wala kaming pasok ngayon kasi nag field trip ang mga teachers namin at natapos ko nang gawin ang mga assignments at projects ko, I even studied my lessons in advance tsaka yung piyesa na kailangan kong imemorya, kalahati na noon prinaktis ko na. Kaya ngayon.. ano na ang gagawin ko?

Ganito pala ang feeling kapag walang ginagawa, nakakastress.

Napabuntong hininga naman ako ng hindi oras.

Umakyat na ako sa kwarto ko at napagdesisyunan kong mag-fafacebook na lang. Noong nabuksan ko na ang facebook ko, wala naman akong magawa kundi tignan ang mga selfies ng mga "friends" ko (kahit hindi ko sila kilala, inaaccept ko ang friend request nila. Baka kilala nila ako, ako hindi).

Ugh. Nakakabagot na talaga.

*tok tok*

"pasok" sabi ko. Hindi ako lumingon sa kung sino ang kumatok. Si Ate lang siguro iyan at kukunin ang mga damit kong dapat ng labhan.

Patuloy lang ako sa ginagawa ko. Kahit nakakasawa ng tingnan ang mga mukha nila, tinitiis ko na lang may pagtripan lang ang utak ko. HAHAHAHA!

"Mag mumukmok ka lang ba dyan?" nagulat ako sa lalaking boses na narinig ko.

Siya na naman? Hindi ba nya ako tatantanan? Jusko. Kung nabobored sya wag ako ang pagtripan nya kasi mas lalo akong bagot!

"Mm" tipid kong sagot

The Im-PERFECT CouplesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon