Chapter 19 - Balik sa dati

37 0 0
                                    

Chapter 19

"Ate totoo ba talaga yung sinabi ni kuya nung isang araw?" tanong ni Cindy

Heto na naman po tayo. Paulit-ulit na lang?

Nung araw kasi na umuwi kami ni Zack at Lance galing Baguio, nagulat masyado si Cindy sa narinig at nalaman nya kaya kahit ilang eksplenasyon ang sinabi namin ay hindi pa rin sya naniniwala

"Oo nga. Ilang beses ka nang nag tanong nyan at ilang beses na namin in-explain sayo, hindi ka pa rin naniniwala?" tanong ko sa kanya habang tinutulungan sya sa ginagawa nya

Gumagawa kasi kami ng cookies. Paboritong meryenda kasi yan ni Lance kaya heto kami't ginagawa yung gusto nya

Hindi ako mahilig at marunong sa mga ganyan kaya hanggang tingin lang ako. Tinutulungan ko sya, inaabot ko sa kanya yung mga gusto nyang gamitin.

"Sorry ate ah. Hindi ko kasi maimagine e"

"Ok lang yun kaya dapat wag ka ng mag tanong at alam mo naman na ang sagot"

Tumango na lang sya bilang sagot at pinagpatuloy ang pag gawa ng cookies.

Pgkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin kami..ah sya lang pala. Tapos na sya sa ginagawa nya at ready na itong ibigay kay Lance na ngayon ay busyng-busy makipaglaro kay Zack, at sa lolo namin. Yung kasama kanina ni Cindy sa paguwi ay umakyat sa kwarto nya. Hindi ko maalala pangalan nya e.

"Heto na meryenda ni Lance" sabi ni Cindy habang papalapit pa lang kami sa living room nila

Ako naman ay may dalang pitsel ng juice at mga baso na nakalagay sa isang tray. Pagkalapag ko ng tray sa coffee table nila ay pinaghanda ko na sila ng juice.

"Ang sarap naman nito, hija" sabi ni lolo ko kay Cindy

"Salamat po" nahihiyang sagot naman ni Cindy. First time pa nya kasi nakita ang lolo ko kaya medyo mahiyain si Cindy ngayon.

"Summer, hija, magpaturo ka kay Cindy magbake oh. Para naman pwede mo ako magawan nito, o?" si lolo talaga tumatanda ng paurong. Isip bata kasi e. Actually itong dalawang matanda sa harapan ko ngayon ang tumatanda ng paurong. Mga isip bata!

Pero kahit ganyan pa yan, hindi ko rin iyan matitiis e. Kaya pinagbibigyan ko sya sa mga gusto nya. Mahal ko kasi

Kahit na noong nakauwi na ako samin simpleng kamusta lang ang ginawa sakin ng lolo ko, Mahal ko pa rin yun. At kahit din hindi sya nag aalala kung napano na ako doon, kung minaltrato ba ako o ginahasa na ni Zack ay wala syang tinatanong na ganoon. Sobra naman ata syang trusted, si Zack ang tinutukoy ko. Tch

Sumang-ayon na ako sa sinabi ni lolo at sumang-ayon naman din si Cindy. Pero hindi nya ako tuturuan ngayon, hindi pa ako handa.

Pagkatapos noon ay naupo na kami ni Cindy at nagkwentuhan kami.

Kinuwento ko sa kanya yung mga nangyari sa amin doon sa Baguio at nag kwento naman sya sa mga pangyayari na naganap noong mga panahon na wala kami.

"Ate.. Paano mo malalaman kung nagkagusto ka sa isang tao?" biglang tanong nya na dahilan ng ikinabigla ko naman

Napakunot naman ang noo ko at nagtataka kung bakit nya naitanong yun sakin

"Bakit mo naman natanong yan?" tanong ko at kumuha ng isang cookie at kinagatan ito

Umisod sya ng konti palapit sakin at binulong ang

"May crush kasi ako. Kung crush ba ang tawag dito"

Sobra akong nagulat sa narinig ko at napatingin ako sa kanya.

Nag "shh" lang sya sakin at tumango na lang ako. This is our little secret.

The Im-PERFECT CouplesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon