Chapter 11 - Isang Multo

40 0 0
                                    

AN:

Sorry for the long wait :) So eto na ang chapter 11. sorry po kung natagalan ang pag-uupdate ko haha puro na lang ako nag papalusot sa inyo, so mabuti pang manahimik na lang ako. Kdot. salamat sa mga naghihintay ng update ko. Mahal ko kayo :p

--

Chapter 11

[Cindy's POV]

*meooooow!*

"Aaaaaah! Muning wag kang makulit! Nagprapractice ako dito. Please lang" sabi ko kay muning habang inaaalis ko siya sa carpet ko na kanina pa niyang kinakalmot.

Busyng-busy ako sa pagprapractice ko ngayon eh. Kahit kanina pa binigay sakin yung piece na kailangan kong ipresent sa recital ko, kailangan kong umpisahan praktisin to, kahit ma-familiarize ko man lang. pero itong si Muning, nangiistorbo sakin. Haaayy! Kaloka. Hindi ko alam na aside na maarte to sa pagkain, ang tigas pa ng ulo niya. -___-

Hindi pa rin siya umaalis sa carpet ko. Pero nang binitawan ko, tumakbo naman agad si Muning. Umaakyat-pababa at pinagtutumba yung mga gamit ko na nasa lamesa ko. Aaarrgh! My room is so messy na!

Hinabol ko siya ng hinabol. Sinasalo yung mga gamit ko na nahuhulog.

*boooogsh*

Napatigil ako sa paghahabol kay Muning at pati rin si Muning napatigil sa pag takbo.

"CINDY! BAKIT ANG INGAY-INGAY MO?! AT--" sigaw ni kuya. And as usual high blood na naman. Haaayy. Napapansin ko ha lately parang ang dalas ata umatake ang HB niya. Isusuggest ko kay Lolo na ipatingin si kuya sa doktor, baka may sakit eh. Mahirap na. Baka ma-deads si kuya ng maaga.

"WHAT THE HECK!! BAKIT MAY PUSA KA? AT BAKIT ANG GULO GULO NG KWARTO MO? LINISIN MO NGA! ARGH!" as usual sinigawan na naman ako. Mamimilosopo sana ako kaso umalis na eh, sinara ng malakas ang pinto ko. Grabe ha hindi nakakabingi. -3-

Binelatan ko na lang kahit hindi niya nakikita. Psh. Hahay. Sabi ni boss kailangan linisin tong kwartong to kaya maglilinis na ako. Ito kasi si Muning eh yan tuloy napagalitan ako.

--

Tapos na akong mag practice at medyo nakukuha ko na ang ibang parts nito. Tapos ko na rin inayos ang kwarto ko at tapos ko na rin pinagsabihan si Muning. At dahil tapos na ako sa mga dapat-kong-tapusin, bumaba na ako papunta sa dining area namin para mag dinner.

Noong papunta na ako sa dining room namin, nakita ko agad si Lolo, nakaupo na at si Kuya na nakaupo na rin pero busy pa din sa trabaho. Nasa harap niya kasi yung laptop niya, tsaka busy siya sa pagtatype. Ako na pala yung hinihintay.

Noong makarating na ako, umupo na ako agad at nag simula na kaming kumuha ng pagkain.

"That's bad manners, kuya" sabi ko habang hinihiwa yung beef.

"what? Placing my laptop here?" sabi niya sabay turo sa table.

"Uh-huh" sabi ko at nag no-nod. Hindi ko pa rin siya tinitingnan kasi hindi ko pa rin nahihiwa tong baka na to. Naiimbyerna na ako sa bakang to. Kainis. Hindi pa ako nakakasubo, gutom pa naman ako.

"whatever. Mind your own business." sabi niya. At sa wakas nahiwa ko na rin si beefy, maisusubo na rin kita. BWAHAHAHA!

Nakangisi akong sinubo si beefy dahil kanina pa ako takam na takam na kainin ito. Nakita naman ako ni lolo at natatawa pa. nginitian ko lang si Lolo na parang batang walang kamuwang-muwang sa mundo.

"taste good?" tanong ni lolo habang hinihiwa niya yung beef. Infairness andali niya nahiwa yung karne. Bakit yung sakin nahirapan ako?

"Yeah yeah!" sabi ko kahit medyo puno pa yung bibig ko.

The Im-PERFECT CouplesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon