Melody's POV
Pagkawalk out na pagkawalk out ni Shan ay natawa nalang kami. Yung babae talaga na yun. Hindi mabiro.
On the serious side, hindi naman talaga kami magboboy hunting. Sinadya namin ang lahat para mainis sya samin. Knowing Shan, mapride syang tao. Pero kaya nyang lunukin yon para samin. Anyways, birthday na nya kasi sa susunod na linggo. Mukhang makakalimutan nya pa nga dahil sa tambak na gawain sa Hemmeid. Kung hindi nya sinasabi sainyo, Sya ang Class President nila dahil napapasunod nya ang lahat.
Surprising Isn't it? Class President Ang Campus Queen Bee.
So back to our topic, balak namin magplano ng surprise party for her, for Shan, dahil napakaimportante nya saamin. Brat at Maarte ako, pero kita mo, nakakagawa ako ng gantong bagay.
"Oh ano? Mag deday dream nalang kayo jan? Hindi ako Mind Reader ha." Yvonne said, smiling.
"Tama tama. Galing mo talaga ashleigh." Sabi naman ni Kristine na nang aasar. Kinindatan pa nya kami ni Ashleigh para sa 'mind reading' kuno nya.
"I love your idea, Ash. San mo nakuha yun?" I said. Nung tinignan ko si Yvonne ay nakapoker face na sya. Her Infamous Pokerface na ang ibig sabihin ay ayaw nya sa naririnig nya, naiinis sya or gutom na sya.
"Yvonne Girl, what's with the face?" Ashleigh said teasingly.
"Mukhang hindi nyo naman ako kailangan dito. Aalis nalang ako. Kbye." Yvonne said. And walked out. Kita mo tong nga tao nato. Ang hihilig magwalk out.
"Hey hey heeeey! You are staying here! We need you for Shan's birthday kaya! Don't be so pikon kasi." Ashleigh said. Kung ako ay maarte, 'tong si Ash ay super conyo.
"Okay fine! Just stop acting like shits." Ayan nanaman ang kanyang PokerFace.
"Ililibre kita ng corned beef na walang mais! Just cooperate!" Natatawa kong sabi.
"Is that even a joke? Pwede bang magplano na tayo? Im starting to get bored." Kristine said.
"Anjan ka pa pala. Hahahahaha." Sabi ni Ash at tumawa.
"Okay, serious na guys, so eto ang plan A. Asdfghjkl!!"
SHANELLE'S POV
Nagda-drive na ako pauwi pero naisipan kong magmall. Mejo maaga pa naman.
(MALL)
Naglalakad ako ngayon papuntang supermarket.
"Hi Ma'am. Pacheck lang po ng bag nyo." Sabi sakin nung Lady Guard.
Mag che-check pa kayo ng bag, e tutusukin nyo lang naman. Wala kayong maloloko rito.
Hindi ko lubos maisip kung anong pinunta ko rito. Gusto ko lang ng chocolates. At dahil bibili nalang rin ako, tinawagan ko na yung driver ko.
"Pakihintay ako sa labas ng supermarket sa RPM. Now."
[Yes po]
And then I hang up. Ganun talaga. Ang magaganda dapat ang unang nagbaba.
-
After kong bilhin ang dapat kong bilhin, umalis na ako dun dahil dumadami na ang mga hampaslupang ngayon lang ata nakapunta ng RPM. Like duh..Kung makasigaw feeling siga, mga mukha namang tanga.
Pagkalabas ko ng supermarket ay nakita ko na ang Driver ko,at kinuha nya sakin ang dalawang plastic bag na dala ko. Na ang laman ay puro chocolate at kung anu-ano pa.
Pag kauwi namin ay dumeretso na ako sa 3rd floor. Sa kwarto ko. At natulog.
--
Nakakatamad mag UD kapag walang readers. Huhuhu.
BINABASA MO ANG
Mr Hearthrob meets Ms Maldita
Novela JuvenilSya si Shanelle Natasha Yiu, pinakamaldita sa campus. Queen Bee kumbaga, pero isang araw, pano kung magkakilala sila ng Campus Hearthrob na si Bryle Hans Arellano. May pag asa kaya silang dalawa?