Chapter 4

6 0 0
                                    

Cheska's POV

Ano ba ang dapat gawin? Tama ba talaga kung magreklamo kami? Kailangan pa ba talagang gawing issue yun? Oo at makakamit namin ang hustisya sa di ko pagkapasa..pero isang malaking sampal para sa isang guro kung kinu-question ang kakayahan nya. Hindi lang sya ang malalagay sa alanganin.. dahil sigurado akong kapag ginawa ko yun.. konsensya ko ang makakalaban ko. Huwag na nating gawing komplikado ang mga bagay na komplikado na. Kung hindi para sa akin ang isang bagay, huwag ng pilitin, di na dapat ipaglaban kung sa huli naman ay alam mong talo ka. Mas magiging madali kung tanggapin nalang kung ano ang para sayo at kung ano lang ang kayang ibigay sayo. Mas mahirap kung aasa ka pa sa iisang bagay na alam mong walang kasiguraduhan.

Natigil ako sa pagmuni-muni at napatingin sa nagsasalitang si Eina. Nandito kami ngayon sa park, nakatambay at kinakain ang natirang pagkain kanina sa lunch. Dito kami napadpad pagkatapos ng klase.

"So ano na? What will be our first step? San tayo unang magreklamo?", tanong ni Eina habang iniinom ang ice tea nya.

"Una tayo sa admin, kailangan muna nilang malaman ang dapat nilang malaman, kailangan natin silang makumbinsi na walang basehan ang pagkabagsak ni Cheska sa isang subject..saka na natin iisipin ang susunod nating gagawin pagkatapos nun", sagot naman ni Macy.

Pinapakinggan ko lang silang dalawa habang inuubos ko ang pagkain ko. Kung sasabihin ko ang mga iniisip ko kanina siguradong di nila ako pakikinggan.

Kilala ko ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Macy, di sya titigil hanggat d nya maipaglaban ang isang bagay na di lang sa palagay nya ay tama kundi alam din nyang tama ito. Dito mo sya masusubukan kung hanggat saan sya dadalhin ng paninindigan nya. Isa yun sa mga positibong pananaw nya sa buhay na kinaiinggitan ko. How I wish na ganun din akong mag-isip, na lahat ng bagay na kapag ginusto at ipinaglaban mo ay makukuha mo. Ngunit sa kasamaang palad, malayo yun sa personalidad ko.

Nakatingin silang dalawa sa akin, alam kong hinihintay nila ang isasagot ko.

"Kung yun ang sa tingin nyong makakabuti sa lahat then go ako dun sa plano", yun ang naisagot ko na alam kong kabaliktaran sa gusto kung sabihin at gawin.

Parang nakita kung nakataas ang kilay ni Macy sa sinabi ko pero pagkurap ko nawala din yun.

"Yun ang sa tingin namin? Eh pano naman ang sa tingin mo? Na makakasama sayo ang gagawin natin? Cheska naman, kahit ngayon lang isipin mo ang sarili mo, ang mama mo at ang pangarap mong makatapos ng hayskul. Gawin mo yung dahilan para maipaglaban naman ang karapatan mo, huwag mong isuko ang isang laban na hindi pa man nag-uumpisa sumuko ka na
. For once wag kang maging duwag."

Napaisip ako sa sinabi ni Macy, tama naman talaga sya, duwag ako. Duwag akong lumaban dahil takot akong mabigo. Pero sa pagiging duwag ko nakaya ko naman lahat ng mga pagsubok ko, pagsubok ng pamilya ko. Kaya ngayon alam kong makakaya ko rin lahat ng 'to kahit maging duwag na naman ako.

Binasag ni Eina ang pananahimik ko.
"Hay naku napakaseryoso naman ng usaping ito, nakakatanda. Basta yun na ang plano, tapos! Huwag ka ng umangal please", sabi nya pagkakita nyang sasagot na sana ako.

"Ok call ako, basta ba siguraduhin muna natin 'to bago tayo magreklamo. Alamin muna natin kung gaano katotoong yun ang naging basehan ni Miss Cabi sa ginawa nya."

Sabay na tumango ang dalawa sa sinabi ko. Napapangiti ako nang marealize ko kung gaano ako kaswerte sa mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang humiling na sana lagi nalang silang nandyan para sa akin. Si mama at ang dalawang kaibigan ko nalang ang natitira sa'kin, kaya ayokong mawala isa man sa kanila.

Nawala ang ngiti ko nang magsalita si Eina.
"Alam ko yang smile na yan eh. Ganyan na ganyan ang ngiti mo pag pinag-uusapan si Sir Noah".

"Oh eh hindi naman sya ang pinag-uusapan natin ahh", depensa ko.

"Pero diba? Sya at sya lang ang natatanging dahilan at puno't dulo ng lahat ng 'to kung bakit singko ka sa English?", pagtatanong ni Eina na nakataas pa talaga ang kaliwang kilay.

"Hindi pa naman tayo sigurado dba?."

"Di sigurado sa alin? Na gusto ka talaga ni Sir Noah? Ako sigurado na ako na gusto ka nya, ako mismo ang nakasagap sa magandang balitang yun", panunukso ni Macy sakin at narinig kong sumang-ayon naman si Eina.

Iniling ko ang ulo ko, "Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Yun bang ako talaga ang dahilan. Dapat sigurado tayo dun."

"Yun na nga. Ikaw nga ang dahilan dahil gusto ka ni Sir", pagkatapos sabihin yun ni Eina, nag-high five pa talaga ang dalawa.

Napapailing nalang ako sa mga sinabi nila. Naging past time na talaga nila ang panunukso sakin.

"Oh my!!! speaking of the Tall-Dark-and-Handsome devil. Here he is..kasama ang maldita nyang kapatid", napapasigaw na sabi ni Eina. Tiningnan ko kung san sya nakatingin. Oo nga, andito si Sir Noah sa park at ang kapatid nyang si Sassa na nasa third year hayskul. Nakapila sila sa tindang sorbetes ni manong Roman.

Tumayo si Macy habang hila ang braso ko, kaya bigla akong napatayo."Tara, ice cream tayo".

"Taralets, parang gusto ko rin magpalamig", pagsang-ayon ni Eina na nagawa na ring tumayo.

Napagkaisahan na naman ako ng dalawang to. Dahil kilalang kilala nila ako, alam na alam nilang may lihim akong 'pagtangi' ky Sir.. hmmp talaga naman ooh, kung mapapasubo ka nga naman.

"Ano kayo! Katatapos lang nating kumain.. di pa talaga kayo nabusog dun.", hinila ko uli ang braso kong hawak ni Macy at umupo uli. Magdadahilan ako para naman maniwala sila sakin, "di pa nga natunaw yung kinain natin".

"Huwag ng magreklamo..may utang ka pang snack sa amin, di pa counted yung lunch kanina..iba ang lunch sa snack..hmm?", si Eina na pilit hinila ang kamay para makatayo ako.

Oo na..sabi ko na! Nasabi ko palang kilala nila ako kaya alam na alam nila kung pano ako mapapasunod. Pasalamat sila dahil kaibigan ko sila kundi....

"Arrrgg..cge na nga basta walang gagawa ng kabalbalan ha..mahiya kayo kay Sir", banta ko sa kanilang dalawa. "After this one, wala na akong utang na libre sa inyo, intiendes??"

Nakuha pa talagang tumango.
Pero di na rin ako aasa pa sa dalawang to, alam kong gagawa to ng kalokohan eh.. sana lang this time di ako mapapahiya sa harap nya... quota na ako dun..

Sabay sabay kaming naglakad papunta sa kinaroroonan ng cart ni Mang Roman.

Pagkapila namin sa harap ng cart, nakita kung nagpaalam ang kapatid nyang si Sassa na may pupuntahan daw. Bago umalis tinapunan pa kami ng irap. Maldita talaga ang kapatid nya mabuti nalang at di nagmana sa kanya ang Sir ko.. ahmm este si Sir..hehe

Pagkabili bumalik na kami sa tambayan namin malapit sa may malaking punong acasia. Nakita ko rin sa gilid ng malaking swing, na nakaharap sa amin, nakapwesto si Sir Noah habang abala sa pag-ubos ng ice cream nya.

Habang patuloy sa pagkwento ang ang dalawa kong kaibigan, di ko maiwasang mapatingin sa harapan. Ohh huwag kayong mag-isip ng kung ano ano. Gusto ko lang naman malaman kung andyan pa sya o nakauwi na.

.. "defensive masyado ahh..halata kana uyy".

Hmm..tumahimik ka nga dyan utak..epal ka masyado eh..

Napayuko ako bigla ng mapadako ang tingin ni Sir Noah sa pwesto namin.
Arrggghh.. muntik na ako dun ahh..

Iniwasan ko ng tumingin sa kinaroroonan nya, baka mahuli pa ako..nakakahiya masyado. Baka ano pang isipin nya. Baka isipin nyang may gusto talaga ako sa kanya.

..bakit? Wala ba?

Oo na! May gusto na kung may gusto..hayyst naman!!! Pahamak ka talagang utak ka.

Itinigil ko na ang pag-iisip at itinuon ko ang pansin ko sa dalawa. Mabuti nalang at di nila ako napansin na napapatulala ako kay Sir Noah..
Awwww wait lang.. parang may mali sa naisip ko, san nga ba ang mali dun?? Teka...ahhh Napapatulala ako. Period! Walang ng dugtong yung sentence na yun..hayyy naman..

Di ko na naiintindihan ang topic nina Macy at Eina. Pag magtanong tong dalawang to paniguradong wala akong maisasagot.

Kaya ako ang gagawa ng ibang topic..
Nang magtagumpay ako sa pagchange ng topic, napapangiti ako sa sarili ko. Haayy sa wakas safe na rin ako.

Patuloy lang kami sa pagkukwento ng di na namin namalayan ang oras.



Yours ImperfectlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon