Chapter 6

7 0 0
                                    

Eina's POV

Naglalakad na kami ni Macy pauwi. Hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni Brent sa akin kanina sa phone. Importante raw ang sasabihin nya sa akin, sana naman kung gano man kaimportante yun di sana tungkol sa iisang bagay na palagi nalang naming pinagtatalunan. Sawa na ako sa kakatanggi sa palagi nyang hinihiling sa akin. Ayokong umabot na naman kami sa di pagkakaunawan ng dahil na naman dun.

Tumigil si Macy sa paglalakad at tumingin sa akin.
"Dito na ako sa kanto, alam kong deretso kana kina Brent kaya mauna na ako sayo," sabi nyang ngumiti pa sakin..

Ngumiti na rin ako sa kanya at tumango, "Sige Mace, ingat".

Patalikod na ako nang marinig kong tinawag ako ni Macy kaya kunot noo akong napalingon sa kanya.

"Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo mula nung umalis tayo sa park. May problema ba? Alam kong may gumugulo sa isip mo. Tungkol ba to kay Brent?".

Bakas sa mukha ni Macy ang pag-aalala nang magtanong sya. Alam kong alam nya pag may problema ako, actually kilala na naming tatlo ang bawat isa kaya alam namin kung may problema ang isa sa amin..

Ayoko munang sabihin kung ano ang pinag-aalala ko. Hindi pa naman din ako sigurado, at saka problema namin to ni Brent ayokong pati sila madamay lalo pa't may kanya kanya rin naman silang problema.

Umiling lang ako at ngumiti.
"Okey lang ako Mace, ano ka ba..doncha worry ok? Kapag may problema naman sasabihin ko sayo, sa inyong dalawa ni Cheska", nilawakan ko ang ngiti ko saka ko tinapik ang balikat ni Macy, "Sige na una ka na, baka naghihintay na sayo si bunso."

"Oh cge ingat ka".

Kumaway lang ako kay Macy saka tumalikod na. Mabuti pang bilisan ko na at nang makauwi na rin ako pagkatapos kong puntahan si Brent.

Bago ako dumiretso kina Brent, dumaan muna ako kina Cheska at ipinagpaalam sya sa kanyang ina. Alam kong nagtext na sya sa mama nya pero nagpromise ako sa kanya na ako mismo ang magsabi na may project pa syang ginagawa.

Napangiti naman ako sa ideya kong yun. Siguro naman maiintindihan ni tita Connie, ang mama ni Cheska, ang pagsisinungaling ko. Para rin naman to sa lovelife ng anak nya, para maging masaya na si Cheska kagaya ko.

Napahinto ako sa naisip ko. Masaya nga ba talaga ako? Masaya ba ako dahil may boyfriend ako? Hindi ko masasabing hindi pero di ko rin lubusang masasabing oo. Basta ewan ang sagot, komplikado masyado yung sa amin ni Brent. Saka ko na sasagutin ang tanong na yun pag sigurado na ako sa mga nararamdaman ko.

Pagkadating ko sa kanila, napansin kong wala ang kotse ng parents nya. Kinabahan ako, paniguradong umalis sila. Bakit ako papupuntahin nya rito gayong alam nyang ayokong mapagsolo kami sa iisang lugar lalo at maaaring may di magandang mangyayari gaya ng dati.

Ayoko ko nang lumagay sa isang nakakapangbahalang sitwasyon.
Arrrggg Brent sinusubukan mo talaga ang pasensya ko.

Isang katok ko pa lang at binuksan na ni Brent ang pinto. Inaasahan kong nakangisi ang isang ito nang sumalubong sa akin pero hindi yun ang nakita ko sa kanya. Seryoso ang mukha nya na ipinagtataka ko.

Pumasok kami sa loob ng bahay habang hawak nya ang kamay ko. Iginiya nya ako sa kwarto nya na ikinahinto ng paglakad ko, sabay hila ko sa aking kamay.

"Brent, kung ano man ang importanteng sasabihin mo, pwede bang sa sala nalang tayo mag-usap", hindi patanong ang pagkakasabi ko sa kanya kaya alam kong alam nya na hindi pakiusap yun.

Pero hindi sya nakinig o nagsalita, kinuha nya ulit ang kamay ko at hila hila nya ako papasok sa kwarto.

Kinabahan ako nang marinig kong inilock nya ang pinto pagkasara.

Yours ImperfectlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon