Chapter 9

1 0 0
                                    

Cheska's POV

Its another day! And I hope it's going to be another wonderful day, hmm crossed fingers. Isa akong negatibong tao pero pwede naman sigurong humiling na maging positibo naman ang araw ko diba? Sana nga talaga, at sana rin nandon na ang dalawa. Hindi kasi kompleto ang araw pag missing in action na naman ang abnormal kung mga kaibigan.

Napapangiti akong naghanda para pumasok sa school. Ilang months nalang at graduation na. Hay! Napalakas ang buntong hininga ko.  Sana magawan ko ng paraan ang English subject ko. Kailangan kong maayos ang grade ko bago ang graduation. Paano ko naman yun gagawin ngayong di naman ako binibigyan ni Miss Cabi ng pagkakataong makabawi man lang. Pero may dapat ba talaga akong bawiin? Lahat naman ng naging performance ko sa subject na yun, okay naman ehh.  Hay! Isa na namang buntong hininga ang pinakawalan ko. Tama na ang negative vibes.. puro na nga nega ang buhay ko..dapat positive lang para sa araw nato. Saka ko na to iisipin. Alam ko namang may plano na sila Macy at Eina. Yun nalang ang unang hakbang na gagawin namin. At sana lang pumasok na ang dalawang yun. Nakakamiss din pala sila. Bumalik ang ngiti sa mga labi ko habang pinagpatuloy ko ang paghahanda.

Pagkapasok ko sa school, natuwa ako ng mapansin ko sina Macy at Eina sa may hallway. Buti at nandito na rin sila, pero parang may iba sa dalawang to. Di ko maipinta ang mga mukha nila, may masamang nangyari ba na di ko alam? Malungkot si Eina at si Macy parang naiirita na parang galit? Ano ba kasing nangyari?

"Hey, bakit naman parang namatayan kayo ng aso sa mga itsura nyo dyan? Namiss ko kayo ahh tapos ito ang madadatnan ko." Sinimulan ko sa pagbibiro pero di ko man lang nakitang nag-iba ang mga expression nila. "May problema ba?", nag-aalalang tanong ko.

"Itong si Eina nagmumukmok na naman. Pinoproblema yung walang kwentang boyfriend. Kaya pala yan absent din kahapon at di man lang nagparamdam.", si Macy ang unang sumagot na halatang naiirita pa rin.

"Nag-away na naman ba kayo ni Brent? Tungkol na naman ba to sa hiling nya sayo?".

Tanong ko kay Eina na di pa rin makuhang sumagot.

"Hay naku! Noon ko pa sinasabi sayong hiwalayan mo na yan diba? Wala talagang kwenta yang boyfriend mo na yan.. Sabi na ehh, di talaga yan titigil hangga't di nakukuha ang gusto. Pare-pareho lang yang mga lalaki Eina. Iiwan ka rin nyan pagkatapos makuha ang gusto nila. At sana last na to, dahil pagnagkataon makikipagbalikan ka ulit don. Naku! sinasabi ko sayo, makukuha ka talaga sa pangungulit nyan!"

Gusto kong magreklamo sa hinahaba haba ng lecture ni Macy pero may point naman sya. Kahit ako di ako pabor sa gusto ng boyfriend nya. Isang malaking pagkakamali yun pag nagpadala sya sa gusto nito at siguradong pagsisisihan nya to pagkatapos ng lahat. Kaya kung ako lang, di ko gustong makipagbalikan sya don, pero syempre desisyon na ni Eina yun. Nandito lang kaming mga kaibigan nya para magbigay ng payo at suportahan sya.

"Hindi ko alam kung kami pa ba o hindi na. Basta ang alam ko, di ko kayang magtagal sa ganitong sitwasyon. Umaasa pa rin akong maaayos namin to.", mangiyak-ngiyak na sabi ni Eina.

Sasagot pa sana kami ni Macy, nang magbell hudyat na magsisimula na ang klase. Tinapik ko ang balikan ni Eina, at ganon na rin si Macy.

''Mamaya pag-usapan natin to."

Yun ang huli kong sinabi at tumango naman ang dalawa. Sabay sabay na rin kaming pumasok sa room.

Ilang oras rin ang lumipas hanggang sa matapos ang klase. Napagdesisyun naming sa plaza nalang kami tatambay at dun na rin namin pag-usapan ang problema ni Eina.

Ice cream at chocolate ang una naming binili para sa merienda, hindi dahil yun talaga ang paborito naming kainin, dahil yun din daw kasi ang gamot sa broken hearted. At dahil broken hearted ang isa, kaya broken hearted kaming lahat.

Sa plaza, kanya kanya kaming pwesto sa damuhan habang kinakain ang biniling merienda.

Unang nagsalita si Macy.
"Sure ka na bang makikipag-ayos ka sa lalaking yun? Di naman sa pinapangunahan kita Eina pero sana lang hah, isipin mong mabuti ang magiging desisyon mo. Huwag kang padalos-dalos.".

Nang di sumagot si Eina, nagsalita na rin ako para makatulong na rin sa pagpapasya na gagawin nya.

"Ein, alam mo namang ikaw lang ang inaalala namin diba? kaya di maiwasang ganito ang payo namin sayo. Pero syempre kung ano ang magiging desisyon mo, dito lang kami ni Macy nakasuporta sayo."

"Basta ako di ako susuporta basta di ko gusto yang desisyon mo hah.", tutol ni Macy.

"Mace----", pakiusap ko sa kanya.

Nagmamaktol na sinagot naman ni Macy ang pakiusap ko, na halatang napipilitan lang.

"Ohh sige na nga, pero last chance na to hah? pag di parin nagbago yang boyfriend mo, ako mismo ang kakaladkad sayo palayo sa kanya!"..

Nang tingnan namin pareho si Eina, naluluha na sya. Di na rin namin maiwasak maiyak. Si Macy ang unang yumakap kay Eina, at sumunod na rin ako.

"Ano ba yan Eina bakit ka ba umiiyak dyan. Tingnan mo tuloy nahawa pa ako..sabi ko na naman sayong payag na akong makipagbalikan ka sa boyfriend mo ahh..", natatawang sabi ni Macy na iknatawa na rin naming dalawa ni Eina..sabay kumalas sa pagkakayakap.

"Salamat hah, salamat sa pag-iintindi. Promise last na talaga 'to.", sabi ni Eina habang pinupunasan ang mga luha nya.

Tinapos na namin ang lahat ng pagkain at pinagpatuloy ang kwentuhan at tawanan. Iniwasan naming banggitin ang tungkol sa boyfriend ni Eina, change topic muna.

Hanggang napagsang-ayunan na naming umuwi.

Palabas na kami sa plaza, nang mapansin ko sa di kalayuan si Sassa. Ang kapatid ni sir Noah na bumibili ng ice cream kay Manong Roman. May kasama syang lalaki na di ko masyadong makita ang mukha dahil natatabunan sya ng payong ng ice cream cart. Ipinagpatuloy ko na sana ang paghakbang, nang mapalingon ulit ako sa kinaroroonan ni Sassa nang makita ko na kung sino ang kasama nya. Napahinto ako at nanlaki ang mga mata. Si Brent? Anong ginagawa nya dito? Bakit nya kasama si Sassa? Magkakilala ba sila? Ilang sandali pa ng inakbayan nya si Sassa at biglang tumawa sa kung anong ibinulong ni Brent sa kanya sabay halik sa pisngi. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Di ko napansing kanina pa ako tinatawag nina  Macy at Eina.

"Ches, halika na gagabihin tayo sa daan.", hila ni Macy sa kamay ko.

"Mace..."

"Oh bakit ba? Ano bang tinitingnan mo dyan------?"

Hindi na natapos ni Macy ang ibang pang sasabihin..

"Pucha! Walang hiya talaga tong lalaking to!"

Nakita ko nalang na humakbang si Macy papunta sa kinaroonan nina Brent at Sassa. Nag-aalala akong napatingin kay Eina.

''Ches, saan ba yun pupunta si Macy? Akala ko ba uuwi na tayo?".

"Ein, Im sorry pero si Brent-----.".

Narinig namin ang pagsisigaw ni Macy, kaya hinila ko na rin si Eina para sumunod kay Macy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yours ImperfectlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon