Chapter 1

26 0 0
                                    

Cheska's POV

''Hey Ches, Eina told me what happened yesterday sa English class ni Miss Cabi, ok ka lang ba?'', yun agad ang itinanong ng bestfriend kong c Macy pagkaupo namin sa canteen.

Graduating na kami sa hayskul. Ok na sana lahat ng subject except nga lang sa English, which in fact, is my favorite kaya lang kasi lagi nalang akong pinag-iinitan ng teacher. Isa ako sa top ng klase, may maipagyayabang naman akong talino lalo na sa favorite subject ko. Di ko lang alam kung bakit sa lahat ng pwede ko pang ikabagsak ay bakit yun pa, specially now na graduating na kami.

''Yeah right, pinahiya na naman ako. Ewan ko lang sa kanya pero para kasing may malaki syang problema sa akin. Perfect naman mga exams ko sa kanya.. Nasagot ko nga lahat ng oral quiz nya kahapon kahit parang ako lang yata tinawag nya para sagutin lahat ng yun. Ang unfair naman, lalo na nung nakita ko yung grades ko." pagkukwento ko kay Macy. Dahil absent sya kahapon kaya di nya nasaksihan kung pano ako pinahiya ng English teacher namin.

''So binagsak ka nga ng bruhang yun?!Hayy naku tayo na nga sa admin at nang makapagreklamo tayo!." sa lakas ng pagkakasabi ni Macy, hinila ko yung braso nya para di sya marinig ng ibang studyante.

''It's ok mace, wala na naman tayong magagawa diba? esu-summer class ko nalang yun."

''What? summer class ka dyan. graduating tayo kaya maaring di ka makapag-graduate kung may bagsak ka.''

May point naman si Macy, pero kailangan ko ba talagang ereklamo yun?Pano nalang kung magalit lalo si Miss Cabi. Ang ayaw ko pa naman ay yung komplikado.Napakakomplikado na nga ng buhay ko, may additional pa talaga.

Galing ako sa isang broken family, naghiwalay ang parents ko, buntis pa lang ang mama ko sa'kin. Ang alam ko lang na dahilan, di na daw mahal ng papa ang mama.

Is it really possible?? That no matter how much you love each other..darating din yung point na ma-fall out of love kayo sa isa't isa or ang isa sa inyo.

Nang magpakasal si mama ulit, ang akala ko happy family na. Yun pala babalik din sa pagiging broken ang family namin nang magtaksil ang stepdad ko. Ginusto ni mama na patawarin sya at binigyan ng chance pero naulit na naman at sa huli di lang si mama ang nasaktan, pati ako ay nasasaktan na rin para sa kanya. Kaya pinili nalang nyang maging single parent.

Ok na rin yun, masaya naman kami ni mama ngayon kahit kaming dalawa lang. Di na ako umaasang magiging kompleto pa ang family namin.

Ayoko na ring umasa kung darating pa ba sa point na may magmamahal din sa'kin dahil sa pagkakaalam ko lahat ng lalaki ay di marunong magmahal..kundi magpasakit lang at manloko ng babae dun sila magaling.

"Hoy ches! Tara na sa admin," untag ni Macy sa'kin..sa kaiisip ko nakalimutan kung katabi ko lang
pala sya.

"Next time na lang. Math pa natin sa next period. Di tayo pwedeng mag-absent baka may surprise quiz na naman si Sir Noah,".

Napahagikhik si Macy sa sinabi ko, "Aysus nagdahilan pa talaga..ang sabihin mo ayaw mo lang umabsent sa subject ng Ultimate crush mo."

"Shhhh wag ka nga mace..baka may makarinig sayo hah at baka akalain ehh totoo," saway ko sa kanya..

"Hala..sa lagay na yan secret pa yun?? Eh matagal na kayang alam ng buong campus na inlove ka kay Mister-Tall-Dark-and-Handsome!," sabi nyang tumatawa.

"Kahit na,nakakahiya paring ipagsigawan yun noh!",pinandilatan ko sya ng tumawa pa sya ng malakas.

"Ohh ehh di inamin rin..hahaha."

Nakitawa nalang ako sa kaibigan ko, kahit naman kasi ganyan yan kasuper alaskador eh super bait naman. Halos magkaugali lang kami kaya kami magkasundo, ang pinagkaiba lang naming dalawa positibo sya sa lahat ng bagay at pinaglalaban nya kung anong sa tingin nyang tama. Ako? ako na ang pinakanegatibong tao sa mundo, go with the flow lang at di umaangal sa mga nangyayari kahit pa alam kong mali. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga pananaw ko sa buhay, siguro dahil wala namang good vibes sa buhay ko.

Naputol ang pagmuni-muni ko nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang lunch break. Dali dali kaming pumasok sa next period, ang Math subject ni Mr. Noah Palina..ang Ultimate crush ng bayan.. ang ultimate crush ko..

__________________________

Papasok pa lang kami ni Macy nang mapansin naming nagkakagulo sa loob ng classroom, nagkatinginan kaming dalawa nang biglang tumakbo si Eina, matalik na kaibigan namin ni Macy, papunta sa kinatatayuan namin,

"Cheska!!! Halika may ipapakita kami sayo." Hinihila nya ako papasok sa room at parang kinikilig sya na ewan habang humahagikhik. Nang makita ko kung anong nasa board namin napalaki yung mata ko sa gulat.

"PALINA-MILLARI NUPTIALS", basa ng malakas ni Macy sabay hiyaw ng "Yay..kasalan nah"..

Napaubo ako ng sobrang lakas sa pagkapahiya nang mapagtanto ko kung anong ibig sabihin ng nakasulat sa board. Ito pala yung pinagkakaguluhan ng mga kaklase namin. May sumulat ng entourage list kuno ng kasal namin ni Sir Noah at yung mga abay pa talagang nakalagay ay ang buong klase pa hah.

Arrggg nakakahiya itong mga kalokohan ng mga kaklaseng kong walang magawa sa buhay nila. Hinanap ko yung pambura pero pagminamalas ka nga naman itinago na nila. Grrr kakainis naman.. Nagsisigawan na lahat ng mga klasmate ko sa panunukso sa'kin. Buburahin ko na sana gamit ang kamay ko nang may biglang may nagsalita.

"Ok class, please be seated", sa napakapamilyar na boses na yun di ko na itatanong kung sino ang may ari niyon.

Dali daling umupo yung mga kaklase ko. Sa di maipaliwanag na dahilan di ko maigalaw yung mga paa ko. Nakatutok lang lang ako sa may board.

"Ok Miss Millari, pwede ka nang umupo."

Napalingon ako kay Sir Noah at saka ko lang nalaman na ako na lang pala ang nakatayo. Sa pagkapahiya ko napatakbo ako sa upuan ko. Sabay sabay namang tumawa ang buong klase lalong lalo na ang mga tinuturing kong mga kaibigan. Inirapan ko lang sina Eina at Macy. Makakatikim tong dalawang 'to sa akin mamaya paglabas.

"Before we'll start our lesson, Is there anyone who can explain what we have here??", tanong ni Sir Noah sabay turo sa may board.

Sa sobrang hiya ko nakayuko lang ako na halos gusto ko ng ipatanong sa ulo ko yung upuan para itago yung sarili ko. Narinig ko ang pagbubulungan ng mga kaklase ko na para bang nagkukunwari lang silang walang alam. Parang alam ko na ang mangyayari nito, sa tingin ko walang gustong umamin. Siguradong ako ang mapapagalitan ni Sir Noah kapag walang magsasalita sa mga kaklase ko. Kinakabahan na ako sa pagkakaupo.

Tumikhim si Sir Noah, " So wala talaga sa inyong gustong magpaliwanag kung anong ibig sabihin nito? Wala na ba kayong magawa maliban sa pag-gawa ng kalokohan?." Natahimik ang buong klase na kani-kanina lang nagbubulungan. Nagulat ako sa mga tanong ni Sir. Parang galit sya, mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Hindi na ba kayo nahiya kay Miss Millare sa mga ginawa nyo? Pinapahiya nyo yung tao, ano namang mapapala nyo sa pagtitrip nyo sa kanya?."

Sa sinabi ni Sir Noah, literal na nalaglag yung panga ko. So hindi pala sya galit sa akin, salamat naman. Nakatingin sya sa akin pagkasabi nun, ahh hindi lang pala sya kundi silang lahat nakatingin sa akin at napapangiti pa yung mga kaklase ko.

Siniko ako ni Macy na nasa tabi ko, " Psstt pakisara yang bibig mo..nga-nga lang te?", nakangisi nyang bulong sa akin.

Saka ko lang napagtantong nakanganga nga talaga ako,sinara ko yung bibig ko. Namula yung pisngi ko, nakakahiya kay Sir nakatingin pa naman sya sa akin. Arrghhhh....

"Ok class enough with this non sense.. lets proceed with our lesson,"

Yun lang..yun ang huli kong narinig, hindi na ako nkafocus sa kung ano mang dinidiscuss ni Sir dahil sa mga kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Nung tumunog na ang bell, saka ko pa lang napag-alaman na tapos na pala ang klase.

Yours ImperfectlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon