Chapter 7

5 0 0
                                    

Cheska's POV

Nang magising ako kinabukasan, sakit ng ulo ang una kong naramdaman. Ito ang napapala sa kulang sa tulog. Di na ako nagtataka kung bakit di ako masyadong nakatulog kagabi. Ikaw ba naman ang nagkataon na makasama mo ang ultimate crush mo sa isang tahimik na lugar, well hindi naman masyadong tahimik ang park.. pero pareho na rin yun lalo pa at kayo lang dalawa ang nag uusap. Yun nga dahil sa magaling kong mga kaibigan na iniwan ako. Pero di ko rin naman magawang lubusang magalit sa dalawa, dahil sa katunayan naging masaya naman ako kagabi.. sobrang saya kamo. Napapangiti akong inalala ang nangyari....

-----Mga ilang minuto na rin mula nang umalis sina Eina at Macy, pero ni isa sa amin ni Sir Noah walang nagsasalita. Di ko rin naman alam ang sasabihin, kaya nagdalawang isip akong buksan ang usapan. Narinig kong tumikhim si Sir Noah kaya napatingin ako sa kanya. Huli na para bawiin ko ang tingin nang makita ko syang ngimiti. At dahil sa ngiting yun, mas lalo akong napipi, parang nalunok ko na yata ang sarili kong dila.

"So Miss Millare, ano nga bang project ang kailangan mong tapusin ngayon? baka kasi may maitulong ako.", tanong ni Sir sa akin na di pa rin mawaglit ang ngiti.

Sarap lang kaya panuorin ang mga ngiti nyang yan. Noon tinitingnan ko lang yan sa malayo pero ngayon akalain mong mismong sa harap ko na. Nang tumingin ako sa mga mata nya, dun ko namalayang parang may hinihintay sya.. may hinihintay na ano? Nakakonot ang noo ko sa pagtataka.

"Ahmm s-sorry po Sir, ano nga ulit yung sinabi nyo?"

"Yung tungkol sa project na gusto mong tapusin, baka kasi may maitulong ako."

Project? Bakit may project ba kami? Wala naman akong maalala ah.. Anong ba kasing project ang sinasabi ni Sir Noah-----? Napahinto ako sa pag-iisip nang bigla kong maalala ang sinabi ni Eina. Yun palang alibi na yun ang project hah. Arggg.. Ano na ngayon ang sasabihin ko kay Sir. Na sya naman talaga ang project na sinasabi ni Eina. I mean wala naman talaga akong project na tatapusin.. Aisssh! Pahamak talaga tong mga kaibigan ko, inilagay na naman ako sa alanganing sitwasyon. Pano ko ba to malulusutan.

"Ahh yung project, malabo ng matapos yun Sir. Hirap nya kasing abutin."
Napatingin ako kay Sir na nagtaka sa sinabi ko. " A-ang ibig kong sabihin Sir, ang hirap nya kasing tapusin. Yun!".

Napakamot ako sa ulo, sana makalusot. Muntik na talaga ako dun ahh.. Patay talaga sa akin tong dalawang impakta bukas, sila may kasalanan nito eh, kung bakit naiipit ako ngayon. Kahit gano ko kagusto ang sitwasyong to..di parin ako mapakali noh! Baka may masabi akong ikakapahamak ng puri ko este ng sarili kong damdamin. Damdamin talaga? Ahh basta baka may masabi akong pagsisisihan ko sa huli, wag naman sana. Wag naman sanang madulas ako sa mga bagay bagay. Basta alam nyo na kung ano yun.

Napatingin ako kay Sir Noah ng napansing kong bigla syang natawa. At bakit naman kaya sya nakatawa ngayon? Ako ba ang pinagtatawanan nya?

Gusto kong mapikon sa klase ng tawa nya hah. Kundi lang talaga kita crush ehh.. hmp! "Bakit po Sir may nakakatawa ba sa sinabi ko?''

"Sa sinabi mo wala naman, pero sa expression ng mukha mo Oo..hindi ko lubos maisip kung natatae ka ba, naiihi o ano.",  at tumawa na naman sya.

"Ayy grabe sya ohh.. ganon ba kasama ang mukha ko Sir?".

"Parang ganon.. bakit ka ba kasi di mapakali dyan? dahil ba kausap mo na ngayon ang crush mo?"

Napaubo ako ng malakas sa sinabi ni Sir Noah. Nasamid yata ako sa sarili kong laway, na parang nabilaukan  ako ng sandamakmak na laway dahil sa sunod sunod na pag-ubo.

Napahinto sya sa pagtawa, nilapitan nya ako at hinimas ang likod ko. Diyos ko naman Sir, wag kang masyadong lumapit. Papatayin mo ba talaga ako ng tuluyan sa mga pinagsasabi at ginagawa mo?

"Okay ka lang ba Cheska? Nagbibiro lang naman ako eh, para sana mawala yung tensyon."

Cheska? Tinawag nya ako sa pangalan ko? First time yun ahh. Waaaaahhhh kinilig ako.. oh sige na.. ready na ako Lord..pwede mo na akong kunin.. Nakakamatay pa yata ang kilig ehh.

Pero Lord joke lang yun hah! ( Peace sign)

Iniwas ko ang katawan ko at nilagyan ng space ang pagitan naming dalawa. Delikado..baka matuluyan ako eh.

"Okay na ako Sir, wala to. may ubo lang talaga ako".

"Nakainom ka na ba ng gamot?".

"Gamot sa alin Sir?".

Kung gamot sa pagkahibang ko sayo Sir..wala ehh.. wala akong mahanap. Parang malabo na akong gumaling.. wala na yatang lunas to. Hahaha natatawa ako sa mga naiisip ko.. sana di nya lang talaga mapansin ang klase ng sakit na meron ako.. ang kahibangan ko sa kanya..

"Gamot sa ubo mo. nakainom ka na ba?"

"Ahh sa ubo ba?.. hindi pa ehh. siguro mamaya iinom ako pagkauwi ko Sir. Salamat.", tipid ang ngiting ibinigay ko sa kanya. Yung tipong di masyadong halata ang saya, dahil sa concern na pinapakita nya.

"Mabuti na yung maagapan, bago pa lumala."

Arrgg bakit ba kasi nauwi sa ubo ang usapan..tingnan nyo tuloy.. masyado na akong kinilig. Hahaha nang dahil sa ubo..wahhhh

Wala na akong maisip na isasagot sa sinabi nya, baka kung ano pang masabi ko kaya shut up muna. Napansin nya rin ang pananahimik ko kaya nagyaya na syang kumain daw muna kami bago umuwi dahil oras na rin naman ng hapunan.

Pagkasabi nya automatic napatingin ako sa relo ko, mag- aalasyete na pala. Di ko man lang napansin ang oras. Ganoon nga siguro yun pag kasama mo ang taong gusto mo, di mo namamalayan ang paglipas ng oras.

Naenjoy ko yung date namin.. este dinner pala, assumera masyado? hehehe at syempre dahil sa gentleman sya, sya pa ang nagbayad.

Sa sobrang dami ng napagkwentuhan namin, di ko na maisa isa ang mga topic kung aalalahanin ko lahat. Basta isa lang ang naaalala ko, na umuwi ako ng bahay bandang alas otso ng may malaking ngiti sa labi.
___

Narinig ko ang katok sa pinto ng kwarto ko kasabay ng pagtawag ni mama..

"Nak, bangon na dyan. late ka na sa klase."

"Opo ma, nakabangon na.. baba na ako maya maya."

Oo nga pala, may pasok pala ngayon. Muntik ko ng makalimutan dahil sa dami ng iniisip.

....'sus! madami ba kamo? ehh iisa lang naman ahhh.. SYA  lang naman..hmm'

Umandar na naman ang pakialamerang utak. Natatawa nalang ako.

Oh sige na sya lang ang iniisip ko sa ngayon. At dahil jan, mas excited pa akong pumasok..

yay! makikita ko na naman sya mamaya.. waaaaaahhhhh!!!!! Ayokong masyadong umasa ng dahil sa mga nangyari. basta ako kuntento na ako basta masilayan ko lang sya..

Yours ImperfectlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon