Chapter 1

75 3 2
                                    

Nagsimula ang lahat nung 18 yrs old si Shane, Second year College siya nun sa kursong HRM.

Si Jade sikat sa school nila, maraming girlalo ang nagkakagusto sa
kanya pero take note hindi siya gwapo pero machong papa.

Sa loob ng class room maagang
pumasok si Shane. Naabutan niya na may isang lalaking nakaupo sa isang chair nakasubsob at tila antok na antok. Umupo si Shane sa tabi ng lalaki start palang nun ng klase kaya hindi pa sila magkakilala ni Jade.

Dalawa silang nauna sa class room pero wala silang pansinan may kanya kanya silang pinagkakaabalahan kaya walang pakialam sa isa't isa.

Nagsimula na ang oras ng klase dumating na ang kanilang prof. na si Mr Reyes.

"Ok Class bago tayo mag start gusto kong ipakilala nyo ang isa't isa start tayo kay Mr. Ramos please stand Mr. Ramos."

"Good morning classmate I'm Edwin Ramos 18 yrs old taga Pasig."

"Good morning everyone. My name is Jade Delarosa from Quezon City."

"Good morning everybody I'm Shane Mendoza 18 yrs old from Malate Manila."

"Hello mga classmate by the way I'm John Lawrence Martinez 19 yrs old from Sampaloc."

"I'm Shelmil Abalona 18yrs old from Sampaloc Manila."

"Hi classmate, My name is Catherine Abad 18 yrs old from Boni Avenue."

"Good day! I'm Liza Menorca 18yrs of age from Makati City."

"Hi I'm Reynaldo Solomon 19 yrs old tubong Quezon."

"Magandang umaga sa lahat. Ako nga pala si Jonathan Manansala taga Malate Manila."

"And I'm Mary Rose Cuba 18 yrs of age taga Malabon City."

"Ok Class ngayon kilala nyo na ang isa't isa maaari na tayong mag-umpisa sa ating lesson."

Si Mr Reyes ay prof. nila sa Management. Habang nagtuturo ang guro ay nagpapakilala naman si Edwin kay Shane.

"Hi miss ako nga pala si Edwin pwede ba tayong maging magkaibigan?"

"Hi. As I've said earlier I'm Shane Mendoza. *smile* Oo naman pwedeng pwede tayong maging magkaibigan."

Kaya from the start of class sila Shane at Edwin ang unang naging magkaibigan ok naman nung umpisa naging crush pa ni Shane si Edwin kasi nga gwapo at totaly neat yun pala mahina ang ulo as in bobo hahaha. Eh 'di ang ending nawalan ng gana si Shane pero ok pa rin sila as a friend.

Uwian na, sabay na lumabas ng Campus sina Shane at Edwin. Hinatid lang ni Edwin si Shane sa sakayan kase magkaiba sila ng way.

Si Jade naman ay palabas ng gate nang matanaw niya sila Shane at Edwin na magkasama subalit balewala lang sa kanya. Wala siyang pakialam basta tiningnan niya lang yung dalawa dahil namumukhaan nya ang mga ito.

Second day ng klase ganun ulit ang nangyari pagdating ni Shane inabutan niya ulit si Jade sa classroom nila. Sa makatuwid silang dalawa ulit ang naunang pumasok, ganun pa din 'di sila nagpapansinan walang kibuan parang 'di nila kilala ang isa't isa

Nagkakatinginan man sila, no pansinan pa rin, parehas silang suplado't suplada. Dumating ang prof. nila, nagturo hanggang sa matapos ang klase 'di pa din sila nag-uusap kahit magkatabi lang ang upuan nila.

Lumapit si Edwin sabay sabi "Shane sabay tayong kumain sa baba ah?"

Lumapit naman si Liza.
"Hi Shane *smile* pwede ba akong sumabay sa inyo kumain? Wala pa kase akong masyadong kaibigan eh. Kung ok lang sana?"

"Why not? Haha mas masaya nga yun eh. Di ba nga the more, the merrier. Haha. Walang problema sakin yun. Sge sabay tayo mamaya"

"Talaga? Salamat. Ang bait mo naman Shane"

"Liit na bagay. Haha 'di joke lang. So si Edwin pala. Edwin si Liza. Liza si Edwin." Pagpapakilala niya sa dalawa.

"Pwede ba tayong maging magkakaibigan Shane at Edwin?" Tanong ni Liza.

"Oo naman" sabay na sagot nila Shane at Edwin.

Araw araw hanggang sa lumipas ang isang linggo ganun ang nangyayari laging si Shane at Jade ang nauunang dumarating sa class room. Hanggang sa hindi na nakatiis si Jade, siya na ang unang bumati kay Shane.

"Hi miss ang aga natin lagi pumasok ah? by the way I'm Jade Delarosa and you are?"

"I'm Shane Mendoza" sabay lahad ng kamay.

Araw araw ganun ng ganun, nauuna sila sa klase tapos lagi na siyang kinakausap ni Jade binibiro sya lagi hanggang sa 'di nila namamalayan na nag eenjoy na sila sa isa't isa. Hanggang sa napapadalas na ang pagbibiro ni Jade kay Shane na pag wala ang isa hinahanap na ng isa hindi nila namamalayan kung ano ang nangyayari basta ang gusto nilang dalawa lagi silang magkausap. Kaya itong si Jade ay lagi na din sumasabay sa kanila sa pagkain.

May namumuo na nga kayang pagtitinginan kila Jade at Shane? kung meron man abangan ...

A/N: Vote and Comment para Happy !! :) Goodnight.

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon