Chapter 7

21 2 0
                                    

Edwin POV

Hinatid ko si Shane hanggang sa bahay nila, Naaawa ako sa kaibigan ko ewan ko kung bakit kailangan gawin ni Jade ang ganito sa kanya.

Matindi ang tampo ni Shane kay Jade ewan pero maging ako naiinis din sa lalaking yun.

Kung ako ang nasa kalagayan niya hindi ko hahayaang masaktan si Shane ng ganito mamahalin ko siya ng buong buhay ko.

Kinabukasan sa school ..

"Oh pre kumusta naihatid mo ba si Shane?"

"Oo pre nakasimangot nga eh, nagtatampo ata sayo."

"Ganun ba ? sige kausapin ko na lang thank you pare."

"Ayos lang yun pre wala yun kaibigan ko rin naman si Shane eh"

Sa classroom ..

Nakaupo si Shane.

"Hi babe morning" Sabay halik ni Jade.

"Oh nandyan ka na pala, tinanghali ka yata ?"

"Oo nga eh, napadami ata inom ko may hangover pa ko."

"Ah. So nag enjoy ka talaga ng husto habang ako dilat na ang mata kakahintay sa tawag mo. Ok ka lang Jade ? Tss"

"Sorry na babe nalibang ako sa kwentuhan di ko namalayan ang oras eh"

"You know what Jade di ko alam kung anong gusto mo palabasin. Di ko alam kung seryoso ka ba talaga sa relasyon natin. Ano Jade itutuloy pa ba natin to o wag na."

"Babe, I'm sorry ok. Wag ka na magalit please."

"Ok fine. Tigilan na natin tong pag-aaway na to di na tayo mga bata para palakihin pa to."

"Tara na labas tayo. Kain na tayo."

Shane POV

Habang naglalakad nadaanan namin ang kapatid ni Jade sa first year. Si Marilou.

"Hi kuya, San kayo pupunta sama kami ?"

Habang nag-uusap silang magkapatid narinig ko ang mga estudyanteng nagbubulungan.

"Oh, So siya ang girlfriend ni Jade."

"I see. di naman pala kagandahan."

"Ang swerte niya no ? Siya ang niligawan ni Jade"

"Malas niya kamo, pag naagaw ko sa kanya boyfriend niya. Kaya bakuran niyang maigi yan."

"Tara na Shane tapos na kami mag-usap ng sister ko."

Kitang kita ko na may inabot na sulat si Marilou sa kuya niya. At agad namang binulsa ni Jade ang sulat.

Kumain kami sa KFC sa kanto ng school namin.

Habang kumakain kami hinihintay ko iopen niya sa akin ang tungkol sa sulat, pero patapos na kaming kumain ay wala pa rin siyang sinasabi.

Nainis ako ng lihim di ko lang pinahahalata sa kanya.

Hanggang sa mag uwian na nakita uli namin ang kapatid niya.

May binulong na naman sa kanya at may inabot picture ata yun.

Habang nasa bus kami di ko na mapigilan ang magtanong ..

"Anong inabot ni Marilou sayo Jade ?"

"Ah wala sulat lang yun ng classmate niya yung may crush ata sa akin, nagpapalakad ata sa kanya."

"Ah ganun. Ok din yung kapatid mo no ? Alam na nga niya na may girlfriend ka na kung sinu-sino pa nilalakad sayo."

"Easy babe wag ka na magalit wala yun."

"Wala !? kaya pala tinago mo pa sa bulsa mo at balak pang itago sa akin. At may kasama pang picture ah?" Mahaba kong litanya sabay baba.

Nagulat si Jade at wala siyang nagawa kundi tingnan na lang ako.

Ano kaya ang mangyayari kila Shane at Jade magkaayos pa kaya sila o tuluyan ng magkahiwalay ?
Paano na ang forever ? Wala nga kaya talagang forever ?

Abangan ..

A/N: Hi. Vote and Comments naman po. Thankyou ^__^

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon