Chapter 3

64 2 0
                                    

Nagsimula ang paghahanda ng bawat grupo, kanya -kanyang gawain bawat miyembro simula sa paghahanda ng pagkain pagpapatahi ng damit na gagamitin at pagsasaliksik tungkol sa kultura at kaugalian ng bansang kanilang napili.

"Hi Shane kumusta ang costume na gagamitin natin naayos mo na ba? ok na ba lahat?" *smile*

"Ok naman Jade naayos ko na ang lahat, ikaw ok na ba yung mga lulutuin mong pagkain? alam mo na ba ang timpla ng bawat putahe? Uy siguraduhin mo lang na masarap ang kalalabasan ng bawat pagkain ah? para manalo grupo natin hahaha"

Samantalang sila Edwin, Liza at Shelmil ay abala sa pagsasaliksik ng kultura at kaugalian ng bansang Japan.

Sa kabilang grupo ay ganun din abala din ang bawat isa sa kanilang nalalapit na function, sila ang grupong pinamumunuan ni Catherine na nakakuha ng bansang America.

Sa araw-araw ay busy ang bawat grupo, upang paghandaan ang nalalapit na function nila sa school.

Sila Jade at Shane ay lalong naging malapit sa isa't isa
nagsimula na silang maging magiliw sa isa't isa. Sabay lagi kumain, sabay umuwi at laging magkasama kahit sa galaan time.

Kinabukasan friday magdiriwang ng kaarawan ang isa nilang classmate na si Jonathan.

Inimbita ang grupo nila Jade na pumunta sa bahay at makisaya. Wala namang naging problema silang lima ay nakadalo. Bago sila pumunta sa bahay dumaan muna sila sa mall para bumili ng kanilang regalo sa may kaarawan.

"Happy birthday to you ! Happy birthday to you ! Happy birthday, Happy birthday. Happy birthday Jonathan !!" sabay sabay na kantahan ng bawat isa.

Nagkakantahan nag-iinuman hanggang sa makaramdam si Shane ng pagkahilo na agad naman nahalata ni Jade.

Hinawakan ni Jade si Shane saka inupo sa tabi nya nung time na yun ay kumakanta si Shane kayat muntik na syang matumba nun.

"Tama na yan Shane wag ka muna tumagay mukang hilo ka na eh."

"Ok lang ako Jade kaya ko pa wag ka na mag alala sakin ah?" talagang nahilo si Shane kaya di nya namalayan na nakaidlip sya sa tabi ni Jade na nakasandig pa sa balikat nito.

Monday araw ng function naghanda ang lahat. Kanya kanyang ayos sa kanilang lugar upang gumanda.

Napakaganda ni Shane sa suot niyang Japan costume. Kung todo make up ang kanyang muka at nakapuyod ang kanyang buhok ganun din sila Liza at Shelmil.

Samantalang sila Jade at Edwin ay abala sa paghahanda ng pagkain, at pag-aayos ng lugar.

Sa kabilang grupo ay ganun din kung todo din ang paghahanda nila, 'di rin patatalo si Catherine. Ang costume at make up nya ay nagpalutang din sa kanyang ganda.

Natapos ang lahat. Oras na para sabihin ng prof. nilang si Ms. Laura Monteza kung sino ang nanalo.

"Good morning class ready na ba kayong malaman kung sino ang mapalad na grupong nagwagi?"

"So ayon sa mga hurado na tumikim ng pagkain ninyo. Ang bansang America daw ang nanalo. Palakpakan natin ang grupo ni Ms. Catherine Abad para sa best in food preparation."

"Para naman sa pinaka magandang kasuotan o costume palakpakan natin ang grupo ni Mr. Jade Delarosa and Ms. Shane Mendoza for best in costume." palakpakan ang lahat.

"Ngayon naman ang nagwagi sa best in preparation is Japan country." Palakpakan ulit ang lahat.

"Congrats Jade and Shane" bati ni Catherine sabay lahad ng kamay.

"Thanks Cath" sabi ni Shane at Jade.

Masayang nagsalu-salo ang lahat. Kinagabihan ay party party naman.

Dumalo ang grupo nila Jade sa party ganun din ang kabilang grupo.

Nag enjoy ang lahat, ng biglang tumugtog ang kantang 'Just tell me you love me' nilapitan ni Jade si Shane para isayaw ngunit bago sya makalapit nakuha na ni Edwin si Shane kaya nakasimangot na bumalik si Jade sa kanyang upuan.

Halos magdamag na hindi kinikibo ni Jade si Shane na agad namang nitong napansin.

Kinausap ni Shane si Jade.

"Jade may nagawa ba kong masama sayo?"

"Wala naman Shane masama lang pakiramdam ko, wag mo na lang ako pansinin enjoy na lang sa party"

Pagkatapos ng party nagkayayaan ang magbabarkada na pumunta sa CCP Complex.

Nag enjoy sila sa kwentuhan habang nakaupo sa gilid ng dagat.

Napapadalas ang pagdalo ng party nila Jade at Shane pagkatapos ng party pumupunta sila sa CCP Complex upang palipasin ang magdamag dun sa walang sawang kwentuhan.

Ano na kaya ang susunod na mangyayari kay Shane at Jade ngayong napapadalas ang kanilang pagsasama? Abangan!

A/N: Vote and Comments guys!

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon