Chapter 6

13 2 0
                                    

Shane POV

Kami na ni Jade pero di ko maramdaman na kami na. Tama nga kaya na sinagot ko sya o nabigla lang kaming dalawa?

Naninibago ako. Naiilang ako ngayon sa kanya di ko alam kung bakit.

Masyado atang mabilis ang  mga pangyayari. Bigla-bigla akong napasok sa isang relasyon.

Pinakikiramdaman ko ang aking sarili kung bakit hindi ko nahindian si Jade. Mahal ko nga siguro siya.

Jade POV

Masayang-masaya ako na sinagot na ko ni Shane. Mahal na mahal ko siya hindi ako makapaniwala na mahal niya din ako.

Pero di ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Ngayon pa ako nagkakaproblema, naiilang ako pero hindi aayusin ko to mahal na mahal ko si Shane.

Kinabukasan monday pumasok na sila sa school.

"Hi babe aga mo naman pumasok ngayon ?"

"Maaga naman talaga ako pumapasok di ba ? Anyway, sasabihin na ba natin sa barkada na tayo na Jade ?"

"Oo naman, bakit ? Balak mo ba itago ah Shane ?"

"Di naman kaya nga tinatanong kita eh, baka kase ayaw mo eh."

Maya-maya dumating si Edwin.

"Uy pre musta na ?"

"Ok naman ako pre. Pare si Shane girlfriend ko na." Masayang pagbabalita ni Jade.

"Huh ? di nga yung totoo ?"

Lumapit si Jade kay Shane sabay halik, nagulat si Shane sabay sabi ni Jade "Ayaw niya kase maniwala babe eh kaya pinatunayan ko lang sa kanya."

"Kayo na nga Shane ?" tanong ni Edwin.

"Oo kagabi pa Edwin."

"Congrats pre sa wakas kayo na din." Nakangiting pagbati ni Edwin pero halata ang lungkot sa mga mata nito.

Vacant period nilapitan ni Jade si Shane.

"Babe dito ka na lang kami na lang ni Edwin bababa para bumili ng pagkain mo."

"Ah sige ok hintayin ko na lang kayo dito"

Hinubad ni Jade ang polo niya at binigay niya kay Shane. Nagulat pa si Jade nang hubadin din ni Edwin ang polo niya at ibigay din kay Shane dun pa lang nag-umpisa nang magkaroon ng insecurities si Jade kay Edwin.

Uwian na niyaya si Jade ng mga classmate nilang lalaki sa bahay ng isang classmate nilang babae birthday daw ng huli.

Agad namang sumama si Jade ang masakit di man lang niya niyaya ang kanyang nobya sa halip ay ibinilin nya lang ang nobya kay Edwin upang ihatid 'to sa bahay.

Nakaramdam ng pagtatampo si Shane sa nobyo pakiramdam nya di siya importante dito. Inuuna pa ang ibang lakad kaysa sa kanya. Nakasimangot si Shane habang palabas ng gate ng school.

"Halika na Shane hatid na kita, binilin ka sa akin ni Jade."

"Wag na Edwin ako na lang kaya ko na 'to sige na umuwi ka na para di ka na maabala."

"Sige na 'to naman. Nakasimangot na naman, sige ka papangit ka niyan."

Walang nagawa si Shane kundi pumayag na lang. Mapilit din kasi si Edwin eh kaya napapayag din siya.

Habang nasa bus nagkwekwentuhan ang dalawa.

"Bakit ganun Edwin parang di ko ata maramdamang may boyfriend ako. Parang ang dami kong kaagaw sa kanya eh."

"Ganun talaga baka nag aadjust pa si Jade. Hayaan mo di magtatagal magbabago din yun mararamdaman mo na lang na ikaw na, na sayo na umiikot yung mundo nya, na ikaw na ang buhay nya o smile na para masaya."

Bukal nga kaya sa puso ni Edwin ang mga ipinapayo nya kay Shane? Anong kapalaran kaya ang naghihintay sa magkasintahan ?

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon