Sir? Are you OK? Ang pasigaw na nasambit ng doktor.
Sir? Are you OK?... Nurse, ihanda ang Oxygen. Mukhang wala naman syang natamong sugat o ano man. Pero unconscious ang pasyente. Ang utos ng doctor habang tinutulak ang kamang de-gulong. Dali dali namang tumakbo ang isang nurse para ihanda ang ipinag-utos ng doktor.
Nurse, ano ba ang sabi ng nagdala sa kanya dito? Tanong naman ng doktor sa isa pang nurse.
Nakita lang daw po nang taxi driver ang pasyente sa....
Napahinto ang lahat ng biglang napaupo ang pasyenteng kanikanina lang ay nakahiga at walang malay.
Sir? Are you OK? Ang tanong ng doctor.
Hindi umimik ang lalake.
Sir? Are you...
Nasaan ako?!!! Ang pasigaw na tanong ng lalake. Tumingin sya sa paligid at napansin nya ang malapad na hallway na kulay puti.
Sir, dinala ka dito nang taxi driver na naka...
Hindi dapat ako nandito!!!! Ang pasigaw na nabanggit ng pasyente habang sinusubukang bumaba sa kama. Dali dali naman syang pinigilan ng doctor ngunit tinulak nya ito.
Sir! Teka lang!!! Ang sigaw ng doctor. Nurse, tumawag ka ng security. Hinabol ng doctor ang lalaki na noon ay nakita nyang lumiko sa kanang bahagi ng hallway. Alam ng doctor na walang ibang mapupuntahan ang lalake. Iisa lang ang pwede nyang puntahan sa bahaging iyon ng hallway. Nurse, dali! Sabihan mo ang security na sumunod sa Banyo RW!
Dali dali namang tumayo ang nurse sa pagkakatumba at inabot ang telepono na nasa dingding ng hallway.
Dumiretso na ang doctor papuntang Banyo. Nang malapit na sya sa pinto ay tinignan nya agad ang may bandang lock ng banyo. "Vacant" hindi nya sinarado ang pinto? Bakit? Dalidaling binuksan ng doctor ang pinto ng CR.
Walang tao....
BINABASA MO ANG
Middle World
FantasyWELCOME TO THE MIDDLE WORLD... kung saan ang lahat ng mga pumanaw ay naghihintay para sa takdang panahon ng paghuhukom. Subalit kahit sa mundong ito ay may nagaganap pa ring pagtatalo ng masasama at mabubuti. Kong sino ang mamumuno at kong sino ang...