Sa mundo ng mga tao
May isang babae na naghihintay sa dulo ng isang maliit na kalye. Kulay pula ang damit at pantalon. Nakasuot din sya ng isang ordinaryong sombrero na may nakaburdang "NY". Ang kanyang koko ay kulay red at parang kutsilyo sa tulis. Sa kanyang kanang kamay ay may isang kwentas na ang pendant ay parang hugis boto ng kasoy.
Dahan dahang lumamig ang paligid. Wala namang malakas na hangin pero naririnig ng babae ang pagaspas ng mga dahon at ang paglipad ng mga punit-punit na dyaryo.
Bakit ngayon lang kayo? Ang tanong ng babae. Dahan dahang lumitaw ang isa pang babaeng nakasuot ng purong puti (Si Ms. L). Mahaba ang buhok at hindi mo maaninag ang mukha.
Nawala ako. Hindi naman ito ang lugar na pinag-usapan nating gawing tagpuan Yna. Ang sagot ng babaeng nakaputi.
Hihihihihihi... ang tugon ng isa pang boses na nanggagaling sa itaas ng building. Ngayon lang ako nakarinig ng White Lady na hindi marunong ng direksyon hihihihihi... ang patutyada ni Ms. M habang lumilipad palapit kay Yna.
Ikaw din, bakit ngayon ka lang? ang tanong ni Yna kay Ms. M.
Mahirap kayang lumipad ng hindi nakikita ng mga tao. Ang patutyada ni Ms. M.
Bakit kasi lumipad ka pa i-pwede ka namang maglakad. Naisama mo pa sana ang kalahati ng katawan mo. Ang ganting patutyada ni Ms. L sabay ngumiti (pero hindi mo maaaninag ang kanyang pagngiti dahil sa malabo nyang mukha.
Ang layo kaya nito para lakarin ko.
Ide nag-grab taxi ka nalang sana – ang tugon ni Ms. L. sabay tawa ng malakas.
Ayaw ko!!! Ang galit na sagot ni Ms. M. Ang traffic kaya sa EDSA!!!
TUMIGIL NA KAYOOOOO!!! – ang sigaw ni Yna habang inaawat ang dalawa Wala na kayong ginawa kung hindu magtalo!!!. Tumigil naman sa pagbabangayan sina Ms. M at Ms. L.
... ... ...
Kumusta na pinapagawa ko? Ang tanong ni Yna kay Ms. M matapos ang ilang sigundo ng katahimikan.
Nakita ko na ang susunod nating target. Ang agad na tugon ni Ms M. Isang Pulis at kasalukuyang nagtratrabaho bilang Traffic Enforcer. Ang pagpapatuloy ni Ms. M habang inaabot ang isang litrato kay Yna.
Good! Ang tugon ni Yna habang tinitignan ang lalake na nasa litrato. Ms. L!!! ikaw na ang bahala sa litratong ito at tiktikan mo na agad ang susunod na target.
Ako na ang bahala Yna – ang sagot ni Ms. L... Nang Makita ang litrato na hawak ni Yna ay dahan-dahan ng naglaho si Ms. L.
And Ms. M!!! ang mahinang tawag ni Yna matapos maglaho si Ms. L.
Good job! Ikaw na ang bahala sa susunod na pag-atake natin. At bilisan mo, dapat matapos na natin ang misyon natin bago pa mabuo ang grupo nila. Ang mahinang sabi ni Yna
Bakit? ano pala ang mangyayari kapag nabuo sila? Ang tanong ni Ms. M kay Yna.
Hindiko alam... angpabulong na tugon ni Yna. Yumuko sya at napabuntong hininga... At parang ayaw kong malaman...
BINABASA MO ANG
Middle World
FantasyWELCOME TO THE MIDDLE WORLD... kung saan ang lahat ng mga pumanaw ay naghihintay para sa takdang panahon ng paghuhukom. Subalit kahit sa mundong ito ay may nagaganap pa ring pagtatalo ng masasama at mabubuti. Kong sino ang mamumuno at kong sino ang...