Ilang oras din ang lumipas bago nakarating sa police station sila Capt. Dominguez at ang kasama nitong bagitong pulis na may pasa sa mukha. Hawak ng bagitong pulis si Max na halata din na may mga pasa na sa buong katawan.
"Ipasok na sa kulungan ang kutong lupang iyan at huwag pakainin ng tatlong araw" ang galit na sigaw ni Dominguez.
Agad naman ipinasok ng bagitong pulis si Max sa kulungan sabay tadyak habang papasok. "Mabulok ka jan!" ang galit na sigaw ng bagitong pulis "Gago!"
Napaluhod si Max sa madilim na sulok ng kulungan at napangiti ng bahagya. "Nandito na ako" ang masayang sabi ni Max sa sarili. "Makikita ko na ang lahat ng galaw ng target namin." Naalala pa niya ang huling usapan nila ni Dan bago pa magsimula ang misyon
...
Ilang oras pa lang ang nakakaraan ng magkaalitan sila Max at Dan dahil hindi pumayag si Dan sa plano ni Max na maging preso para makalapit kay Dominguez. Nag-iisip pa si Dan ng ibang diskarte ng makita na naglalakad na sa gitna ng ulan si Max palapit sa bagitong pulis na noon ay naglalakad palayo sa kotse. Gusto pigilan ni Dan ang kaibigan pero huli na dahil malapit na ito sa pulis. Nang makita ni Dan na sinuntok na ni Max ang pulis ay agad na siyang pumunta sa ibang pwesto para magtago.
"Mali ito!" ang bulong ni Dan sa sarili... "May iba pang paraan!"
...
Natatawa na lamang si Max dahil sa unang pagkakataon ay nautakan niya si Dan. Siya ang nakaisip ng planong ito. At ngayon ay nakikita na niya ang target nila ng malapitan. Mababantayan na niya ito ng husto. Dinig na dinig ni Max ang boses ni Dominguez ang nag-uutos sa kong sino-sino.
"Ikaw!" ang sumbat ni Dominguez. "Bago ka dito?"
"Opo sir" ang mahinang sagot ng binatilyo.
"Nasaan pala si Mang Kanor?"
"Sir nagbakasyon pa po ang messenger ninyo kaya ako po muna pansamantala ang papalit sa kanya"
Napalingon si Max nang marinig ang boses ng kasama ni Dominguez. Dahan dahang siyang lumapit sa rehas para makita ang dalawang nag-uusap.
"Ganun ba..." ang pagpapatuloy ni Dominguez... "Sige! Ipagtimpla mo ako ng kape"
Humawak si Max sa rehas at iniusli ng dahan dahan ang kanyang ulo para makita ng husto ang kausap ni Dominguez.
"Opo sir!" ang sagot ng bagong messenger sabay sumaludo sa kapitan. Tumalikod na agad ito at hindi na hinintay na sasaludo din ang kapitan sa kanya.
"OO nga pala, boy! Anong pangalan mo?" ang pahabol na tanong ni Domiguez.
Huminto ang messenger at lumingon ulit sa kapitan. Nang lumingon ang messenger ay nakita na ni Max ang mukha nito. Nagulat si Max at halos sisirain niya ang kulungan para lamang makalabas at suntokin sana sa mukha ang bagong messenger.
"Daniel po!" ang sagot ng messenger – "Daniel Mayko"
BINABASA MO ANG
Middle World
FantasyWELCOME TO THE MIDDLE WORLD... kung saan ang lahat ng mga pumanaw ay naghihintay para sa takdang panahon ng paghuhukom. Subalit kahit sa mundong ito ay may nagaganap pa ring pagtatalo ng masasama at mabubuti. Kong sino ang mamumuno at kong sino ang...