Mag-aalas onse na ng gabi. May isang patrol car na nakaparada sa isang tahimik na daan. Nakabukas ang park light at may usok na lumalabas galing sa naninigarilyong driver. Biglang may sumakay na isang batang pulis.
"Kumusta ang pinapagawa ko sa iyo?" ang nabanggit ni Dominguez
"Sir, matigas talaga ang kaibigan mo na iyon. Hindi mabayaran"
"Ganun ba..." Itinapon ni Dominguez ang filter ng sigarilyo nya sabay buga ng usok. Nakapikit ang kanyang mga mata na tila nilalasap ang huling hagod ng menthol sa usok ng kanyang sigarilyo. Sinarado nya ang bintana ng sasakyan sabay humarap sa kausap nito. "Wala na tayong magagawa... Kailangan na nating patahimikin bago pa man kumanta"
Napatingin ang kausap ni Dominguez sa kanya. Hinanap niya sa mukha ng kapitan kong may bahid bang pagdadalawang isip sa sinabi nito. Ngunit bigo siya at sa halip ay nakikita niya ang isang mukha na puno ng kasamaan at pagdurusa.
Dali-daling lumabas ang bagitong pulis sa sasakyan papalayo. Hindi niya namalayan na may nakasunod sa kanyang isang lalaki na hindi alintana ang ulan sa suot nitong plain white t-shirt at pantalon lang. Nang makalingon ang bagitong pulis sa likod niya ay agad naman siyang sinuntok ng lalake na nakasunod sa kanya. Natumba ang bagitong pulis, pinilit niyang bumunot ng baril ngunit nakahawak na ang kamay ng lalake sa kanyang braso sabay suntok sa kanyang tagiliran. Walang magawa ang bagitong pulis kung hindi lumupaypay na lamang sa sakit. Lumingon lingon ang lalake sa paligid, nang makita niya ang isang 2x2 na kahoy ay agad niya itong pinulot. Itinaas ng lalake ang kahoy sa harapan ng bagitong pulis at akma nang ihahampas ang kahoy sa mukha ng pulis.
"FREEZE!!!!!!"
Napahinto ang lalake na akma na sanang hahampas ng kahoy. Binitawan niya ang kahoy sabay inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulo.
"Humarap ka dito!"
Dahan dahang gumalaw ang lalake at humarap sa bandang likuran niya kong saan nanggagaling ang boses ng nag-uutos sa kanya. Nakita niya si Dominguez na nasa bandang pintuan ng kanyang sasakyan at tulad niya ay nababasa na din ng ulan. Nakabunot na ng baril at nakatutok na sa kanya. "Hindi po ako lalaban" ang mahinang sigaw ng lalake
"Sino ka?" ang tanong ni Dominguez habang tinututukan ng baril ang lalake.
"Maxpo" ang sagot ng lalake – "Maxiliano Solito"
BINABASA MO ANG
Middle World
FantasyWELCOME TO THE MIDDLE WORLD... kung saan ang lahat ng mga pumanaw ay naghihintay para sa takdang panahon ng paghuhukom. Subalit kahit sa mundong ito ay may nagaganap pa ring pagtatalo ng masasama at mabubuti. Kong sino ang mamumuno at kong sino ang...