Chapter XIX

19 2 0
                                    

Naglalakad si Yna sa isang napalaking Kastilyo na makikita sa tuktok ng isang napakataas na pangpang. Ang Kastilyo ay napapalibutan ng malawak na kagubatan. At sa baba ng pangpang ay matatagpuan ang napakalalim na dagat.

Nang makapasok si Yna sa kastilyo ay deretso siyang naglakad sa napakahabang aisle na may-red carpet. Wala kahit anong ingay ang maririnig sa paligid maliban sa yapak ng high-heels na suot ni Yna. Sa dulo ng aisle ay may walong upuan na gawa sa bato kung saan may nakaupong estatwa sa bawat isa maliban sa pinakadulong upuan na naiwang bakante. Sa harapan ng bawat upuan ay may isang platito na gawa din sa bato kung saan ay merong nakalagay na buto na hugis kasoy.

Nang makaabot sa dulo si Yna ay agad syang lumuhod at yumoko

Pinuno Leinard! Nandito na ang mga kalaban! Ang pambungad na sabi ni Yna

Biglang gumalaw ang estatwa na nakaupo sa ika-apat na upuan mula sa kaliwa. Kinuha nito ang buto na nasa kanyang harapan at unti-unting nagbago ang kanyang anyo. Nawala ang pagiging estatwa nitu at unti-unti ay naging hugis tao na may pakpak na kulay itim.

Bilang isang Tagahubog ay kayang baguhin ni Leinard ang kanyang anyo. Pero kapag binabago nila ang anyo nila ay nababawasan ang lakas nila at kapangyarihan. Kaya mas-gusto ni Leinard ang kanyang tunay na anyo. Halos magkahawig ang anyo ni Leinard sa tao pero may kaliskis siya na nagsisilbi ring pananggalang niya sa kalaban. Ang kanyang mga kamay ay may apat na daliri at tatlo naman ang sa kanyang paa. Maitim ang pakpak ni Leinard at may buntot na may habang isang metro. Nanglilisik ang kanyang mata na kulay dilaw.

Yumuko pa lalo si Yna nang tumayo na si Leinard at dahan dahang inunat ang kanyang katawan.

Ang sarap na tulog ko! Ang mahinang sabi ni Leinard. Lumingon sya kay Yna at agad nagtanong. Ilan na ba ang nagagawa ninyo?

Tatlo po. Ang sagot ni Yna habang nakayuko. Pero nakita na po namin ang pang-apat at inihahanda na ang susunod na pag-atake.

Hmmmm... ang sagot ni Leinard sabay hawak sa mga estatwa na nakaupo sa ibang upuan. Malapit na pala kayong makumpleto.

Pero Pinunong Leinard, mawalang galang po pero nandito na po ang mga kalaban natin. Baka mahihirapan na po tayo sa mga susunod na hakbang.

Alam ko na nandito na sila! Ang galit na sagot ni Leinard. Naaamoy ko ang lakas ng isa sa kanila. Pero sobrang hina ng dalawa niyang kasama para maging balakid sa mga plano natin. Ang pagpapatuloy ni Leinard

Pero Mahal na Pinu...

TUMIGIL KA NA!!!! ang sigaw ni Leinard. Biglang nagdilim ang buong paligid at umihip ang napakalakas na hangin.

Ayaw kong makarinig ng paliwanag mula sa iyo! Ang galit na pagpapatuloy ni Leinard. Bumalik ka sa labas at gawin ang tungkulin na iniatas sa iyo!

Masusunod!agad umalis si Yna na halatang takot na takot sanangyari. Gagawin ko ang tungkulin ko! Ang bulong ni Yna sa kanyangsarili... At patutunayan ko na karapat dapat ako sa posisyon!


Middle WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon