Chapter IV

46 3 3
                                    

Hindi makapaniwala si Dan sa kanyang nakikita. Ang buong paligid ay puno ng halaman. Makukulay ang alitaptap na lumilipad. May mga hayop din sa paligid na ngayon pa lang nya nakita sa tanang buhay nya.

Nasa langit na ba ako? Ang tanong ni Dan

Mahinhing tumawa ang babaeng katabi ni Dan.

Lumingon si Dan sa babaeng tumawa. Nakalimutan nya na may kasama pala sya sa paraisong kinatatayuan nya. Oo nga pala ang nasambit ni Dan sa sarili. Kasama ko pala ngayon si Natasha

Si Natasha ay isang diwata na naatasang magbantay sa dulo ng lagusan papuntang mundo ng mga tao. Maputi ang kulay ni Natasha at halos hindi na nagkakalayo ang kulay ng balat nya at ng suot nya. Kulay blue ang kanyang mata at na sa sobrang pungay ay aakalain mong bumaba ang araw sa iyong harapan . Hindi makita ni Dan ang mga paa ni Natasha. Lumulutang ito sa hangin na para bang hindi na nila kailangan ng mga paa.

Wala ka pa sa langit ang mahinhing tugon ni Natasha. Nasa Middle World Ka

Middle World? Tanong naman ni Dan na halos hindi makatingin sa ganda ng diwata

Oo, ito ang lugar kung saan naninirahan ang lahat ng mga nilalang na mahiwaga. Ito ang daan papuntang langit.

So patay na talaga ako?

Karaniwang dumadaan dito ang mga taong namatay na. Dito sila unang pumapasok bago sila bigyan ng huling hukom ng Maykapal dahan dahang lumutang si Natasha na tila naglalakad paakyat sa falls...

Karaniwan?

Oo Daniel, karaniwan... dahil sa kaso mo... kusa kang dinala dito ni Gabriel. Ang pangiting tugon ni Natasha

Sino si Gabriel? Ang pagtataka ni Daniel

Si Gabriel ang pinono ng mga Tagahatol

Tagahatol? Napatingin bigla si Dan kay Natasha na tila naguguluhan sa lahat ng mga narinig

Napangiti si Natasha, nakita nya ang kalituhan sa mukha ni Dan. Alam nya na walang naiintindihan si Dan sa lahat ng kanyang mga sinasabi. Hali ka Daniel, ipapaliwanag ko ang lahat ang mahinhing tugon ng diwata

Walang ano-anoy lumapit ng dahan dahan si Dan kay Natasha. Kusang gumagalaw ang mga paa ni Dan. Wala syang ginagawa gumagalaw ang kanyang katawan palapit kay Natasha.

Ganito kasi yan Daniel ang mahinhing tugon ni Natasha sabay hawi ng kanyang kamay sa ulo ni Dan.

Lumiwanag ang buong paligid ni Daniel. Puro puti ang kanyang nakikita. Napatingala si Daniel sa langit at tinitignan niya ang lahat ng mga nilalang na biglang naglutangan sa kanyang harapan. Hindi nya alam ang karamihan sa naglutangang mga hayop at nilalang pero may iba na tila nakatatak na sa kanyang isipan simula bata pa... Tsanak, Dewende, white lady, unicorn, kapre, at may mga nakasutana pero walang mga ulo, at babaeng may buntot...

Ano ito? Ang tanong ni Dan sa sarili...

Dito sa Middle World, may tatlong uri ang mga nilalang... nahahati kami sa tatlong estado. Una at ang pinakamababa ay ang mga "Underlings", Kasunod ay ang mga "Malaya", tapos ang panghuli at syang pinakamataas na estado ay ang "Tagahubog".

Nakikita ni Dan sa kanyang isipan ang ibat ibang nilalang... unicorn, tikbalang, sigbin, at iba pang mga hayop na kakaiba ang itsura

Ang mga nakikita mo ngayon ay ilan sa mga nilalang na nabibilang sa "Underlings". Sila ang mga nagiging parang alipin o nagiging parang mga alagang hayop ng mga "Malaya" o ng mga "Tagahubog".

Ang mga "Malaya" naman ay ang mga nilalang na walang hinahawakan ranggo o trabaho. Ilan sa kanila ay malaya din nakakatawid sa mundo ng mga tao. Ang halimbawa ng mga "Malaya" ay ang mga tinatawag nyong white lady, enkanto, dewende, at iba pa.

Isa isang naglalabasan at naglilitawan sa paningin ni Dan ang mga imahe ng mga binabanggit ni Natasha. Kung wala silang trabaho, ano ang ginagawa nila? Ang tanong ni Dan habang namamangha sa bawat imahe na kanyang nakikita.

Wala silang ginagawa, kadalasan ay namamasyal lamang sila dito sa Middle World. Pero minsan naman, nakakatawid sila at nakikipaglaro sa mundo ng mga tao.

Ano naman ang panghuling estado? Ang mabilis na tanong ni Dan. Sa loob nya ay excited syang malaman at Makita ang imahe ng mga nasa pinakamataas na posisyon.

Ang panghuling estado ay ang mga "Tagahubog"

Isa-isang lumalabas sa harapan ni Dan ang mga nilalang na kasama sa huling estado

Sila ang naatasang gumabay sa mga tao sa bawat desisyon na ginagawa nito. Dito nabibilang ang mga anghel, diwata, at demonyo.

Teka lang... ang madaling tugon ni Dan. Magkasama ang Anghel at Demonyo sa iisang estado?

Oo naman... pangiting tugon ni Natasha

Pero bakit? diba dapat nasa langit ang mga anghel at nasa impyerno ang mga demonyo?

Napangiti bigla ang diwata... Wala pang nakakarating sa langit o sa impyerno...

Ano? Ang pagtataka ni Dan...

Mamaya ko na ikwekwento sa iyo... nandito na ang kasama mo...

Kasama? Lalong nalito si Dan...

Sa hindi kalayuan ay may narinig silang lalakeng sumisigaw....

OO Daniel... Kasama mo. Pangiting tugon ni Natasha


Middle WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon