Hindi lahat ng story ay may happy ending. Kelangang tanggapin ang realidad na hindi lahat ng love story na binibigay ni God ay ang dream lovestory mo. May mga pagkakataong nagmamahal tayo ng taong akala natin para satin na pero may ibang tao palang mas deserving pang makuha siya. Eh bakit pa hinahayaan ni Lord na makilala at mapalapit tayo sa kanya? Simple lang. Para matuto tayo na may mga bagay na hindi madaling makuha at hindi ibig sabihin na kapag ang isang bagay ay nasa atin ngayon, sa atin na ito habang panahon. Gets niyo? ( KAYA NGA USO ANG DIVORCE and ANNULMENT eh diba?)
=============================================================================
*Text Message*
From: Venj
Hi Panda Girl. Goodmorning. Kain na. ILOVEYOU :))
Uminat ako. Ngumiti sign of kakiligan. Agang-aga nagtext na naman si Venj. He is my schoolmate. Junior student siya, freshman naman ako. He is a very talented guy. He sings, dances, and a consistent honor student. That's the reason why I like him so much. Pero....... dahil nga bata pa ko and very obedient daughter, hindi ko pa siya sinasagot. Yes! He is courting me for months. Sabi naman niya maghihintay siya. Kahit gano pa daw katagal.Nagtiwala ako. Naniwala na maghihintay siya dahil mahal niya ako.
To: Venj
Goodmorning din Panda Boy :))
Kagigising ko lang. Kain ka na din po.ILYtoo ^^,
Yan ang reply ko sa message niya. Panda ang tawagan namin kasi favorite naming dalawa yung HELLO PANDANG CHOCOLATE BISCUIT. Sarap kaya nun.
Alam ni Venj na mahal ko siya kaso nga lang hindi sa paraang kailangan namin maging committed sa isa't isa. 13 palang ako. 15 siya. Masyado pa kaming bata. Wala pang kaalam-alam sa larangan ng PAG-IBIG. Corny no?HAHA
Monday morning...
"Hi Akih!" Ngiting-ngiting salubong sakin ni Venj.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES COLLECTION :))
RomanceCollection of cute and sweet stories :)) -follow me on twitter @simlykamyl